KABANATA O4

161 22 1
                                    


"Oh Amor, ikaw na muna ang bahalang magbantay kay Senyorito Amado mo at maging sa bahay. Kung kakailanganin mo ng katuwang sa pag-aasikaso sa bahay ay papuntahin mo na lamang ang ate Esperanza mo dito tutal ay wala namang masiyadong gawain sa bahay sa Tumana." ang sabi ng isang ginang na maayos ang postura at hindi din maitatago ang ganda sa kabila ng edad nito.

"Opo Donya Olimpia, makakaasa po kayo na gagawin ko ang inyong mga ibinilin." ang tugon naman ni Amor na siya isa sa mga naninilbihan sa pamilya Evangelista.

"Sa oras na magising ang iyong Senyorito Amado, sabihin mo na hindi na namin na hinintay pa ang paggising niya dahil sa kailangan namin na makarating sa Maynila agad dahil sa dami ng aasikasuhin at aayusin sa negosyo ng pamilya na naroon." ang sabi naman ng isang may katangkaran na ginoo na kalalabas lamang noon ng kanilang tahanan dala ang isang maliit maleta.

"Opo Don Felipe akin pong sasabihin agad kay Senyorito Amado ang inyo pong pinasasabi."

"At tsaka baka matagalan din kami sa pagbalik namin dito, kaya tatawag na lamang kami o di kaya ay magpapadala ng liham. At kung sakali mang may mahahalagang kaganapan dito ay agad mong ipaalam sa amin, lalo na kung tungkol iyon sa Senyorito Amado mo, nagkakaintindihan ba tayo Amor?" ang dagdag na bilin ng ginoo sa kanilang tagapagsilbi.

"Opo Don Felipe akin pong nauunawaan ang inyong lahat na ibinilin, wala po kayong dapat ipag-alala." ang sabi ni Amor bilang tugon.

"Mabuti kung ganoon." ang masayang tugon naman ng ginoo at ito ay sumakay na sa kanyang sasakyan.

"Paano aalis na kami." ang sabi ni Donya Olimpia at dali-dali namang pumunta sa may tarangkahan si Amor para buksan iyon at nang makasakay na ang ginang sa sasakyan agad na din iyong pinaandar ni Don Felipe.

Hinantay ni Amor na mawala sa kanyang paningin ang sasakyan ng amo, at nang makasiguro na wala na ang mga ito ay tsaka siya nagpasyang isara ang tarangkahan. Nang maisara ang tarangkahan ay dali-dali na itong naglakad pabalik sa bahay, sa kanyang pagpasok ng bahay ay isang malakas na kalabog ang kanyang nadinig, sa labis na pag-aalala na baka iyon ay ang kanyang Senyorito Amado ay dali-dali itong kumaripas ng takbo papunta sa silid nito ngunit nakasalubong niya si Amado na siyang nagising dahil sa malakas na kalabog na kanyang nadinig.

"Ano ang malakas na pagkalabog ang aking nadinig?" ang agad na tanong ni Amado sa tagapagsilbing si Amor na noo'y bahagyang nakampante dahil maayos lamang ang kanyang Senyorito Amado.

"Ipagpaumanhin niyo Senyorito Amado, ngunit hindi ko din alam kung ano ang malakas na pagkalabog na iyon. Ang totoo ay kagagaling ko lamang po sa labas ng bahay dahil sa umalis na po ang inyong papa at mama." ang tugon naman ni Amor.

"Kung ganoon ay kumuha ka malaking pamalo at may naisip akong silipin na bahagi ng mansyon, maaaring ang ingay na iyon gawa ng magnanakaw." ang sabi ni Amado.

"Ngunit Senyorito Amado, napakaaga pa po para pasukin tayo ng magnanakaw?" ang tugon ni Amor.

"Sumunod ka na lang Amor, katatapos lamang ng pakikipaglaban ng gobyerno sa grupo ng mga bandido anong malay natin kung mayroong nangahas na pumasok dito sa mansyon at dito nagkubli. At bukod pa roon ang masasamang tao ay walang pinipiling oras." ang paliwanag naman ni Amado.

"Pero hindi po kaya mas makakabuti na tumawag na tayo sa kinauukulan?" ang tanong ni Amor.

"Amor sumunod ka na lang kumuha ka na nang pamalo. Kailangan muna nating kumpirmahin na may nakapasok nga dito sa mansyon na ibang tao, at kapag mayroon ay tsaka tayo tatawag sa kinauukulan, ayoko naman magdulot ng malaking eskandalo kung sakali na mali ang hinala natin. Kaya sige na sumunod ka na." ang tugon ni Amado.

Never FadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon