KABANATA 05

144 23 0
                                    


Sanadali pang pinagmasdan at binantayan ni Amado ang walang malay na si Trevin, kasabay ng kanyang pagbuntong hininga ay ang kanyang pagtayo. At nang sandaling maglalakad na siya ay siya namang napansin ang paggalaw ng mga daliri nito dahilan para mapahinto ito at umaasang senyales na iyon ng pagkakaroon ng malay nito. Hindi naman nabigo si Amado dahil unti-unti ay iminulat na ni Trevin ang kanyang mga mata.

Sa pagmulat ni Trevin sa kanyang mga mata ay may kalabuan pa ang kanyang nakikita na tila ba ito ang unang beses na imumulat niya ang kanyang mata, hanggang sa mapalingon siya sa direksiyon ni Amado. Pilit na inaninag ni Trevin ang lalaking kanyang nakikita, "Archie..." ang sabi nito dahil sa hindi makilala kung sino ang nakikita, hanggang sa unti-unti ay luminaw na ang kanyang paningin at magkahalong pagkabigla at pagtataka ang kanyang naramdaman nang makita niya si Amado.

Napabangon ng mabilis si Trevin ngunit kasabay no'n ay agad din niyang ininda ang pananakit ng katawan at sakit ng ulo.

"Hindi makakabuti sa'yo ginoo na bigla-bigla na lamang na gumalaw." ang mahinahong sabi ni Amado sa kabila nang halatang pagkabigla ni Trevin.

"Si-si-sino ka? A-anong-anong ginagawa mo sa kwarto ko?" ang mga halos utal na tanong ni Trevin dahil sa pagkabigla. "Nasaan sila Nana Huli? Sila Archie?" ang dagdag pa nito. At nang madinig ni Amado ang mga katanungang iyon ay hindi nito napagalan ang bahagyang matawa.

"At anong nakakatawa sa mga sinabi ko?" ang tanong ni Trevin na bahagya nang kumakalma nang hindi niya magustuhan ang pagtawa sa kanya ng lalaking kasama niya sa silid na iyon.

"Iyong ipagpaumanhin ang biglaang pagtawa, hindi ko lamang napgilan ang aking sarili na matawa sa iyong mga tanong na hindi ko inaasahan at hindi ko halos maunawaan." ang paghingi ni Amado ng paumanhin. "Pero ginoo mukhang nagkakamali ka yata ng pag-aakala, ang silid na ito ay hindi mo pagmamay-ari, ito ay isa silid ng aming mansyon. Hindi ko rin kilala ang mga taong hinahanap mo at bago lamang sa aking pandinig ang kanilang mga pangalan lalo na ang pangalang Archie na tila kakaiba." ang tugon ni Amado at pinagtaka naman iyon ni Trevin.

"Ano bang sinasabi mo na bahagi ito ng mansyon niyo? Sino ka ba at bakit napakalalim mo kung magsalita ng Tagalog? Daig mo pa ang nabuhay sa sinaunang panahon." ang bahagya nang naiinis na sabi ni Trevin dahil iniisip niya na pinagkakatuwaan lamang siya nila Archie.

"Ipagpaumanhin mo kung nakalimutan ko na magpakilala, ako si Amado G. Evangelista, kaisa-isang anak at tagapagmana nina Don Felipe at Donya Olimpia Evangelista, isa sa mga kilalang pamilya at negosyante dito sa bayan ng Baliuag. At ano ang ibig mong sabihin na tila nagmula ako sa sinaunang panahon? Bakit anong panahon ka ba nanggaling ginoo?" ang malugod nitong tugon kay Trevin. Nang madinig iyon ni Trevin ay napatulala siya at para bang binuhusan ng napakalamig na tubig.

"Hindi... hindi 'to totoo. Ang ibig mong sabihin ang pangalan mo ay Amado?" ang hindi pa din makapaniwala na tanong ni Trevin at nakangiting tumango si Amado bilang pagkumpirma dito.

"Kung talagang totoo 'yang sinasabi mo, sabihin mo sa akin kung ano ang petsa ngayon?"

"Ang petsa ngayon ay ika-dalawampu't walo ng Pebrero taong isang libo siyam naraan at limampu't lima." ang tugon ni Amado na nagtataka na kay Trevin at napapaisip na ito ay nawawala na sa kanyang katinuan.

Nang madinig naman ni Trevin ang sagot na iyon ni Amado ay dali-dali siyang bumaba ng kanyang higaan, aawatin sana siya ni Amado ngunit minarapat na alamng nito na huwag na siyang pigilan. Dumungaw si Trevin sa bintana ng kwartong iyon at halos manlaki ang kanyang mata nang makita ang makalumang itsura ng buong paligid.

"1955, oh sh*t..." ang nasabi nito at napatingin siya sa direksyon ni Amado na noon ay nakatingin lamang sa kanya, at bumalik sa kanyang alaala ang mga larawan na kanyang nakita sa silid kainan ng bahay nila Archie, at doon na lamang niya napagtanto na ang lalaking kasama niya sa kwartong iyon ay wala ngang iba kundi ang lolo ni Archie, si Amado.

Never FadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon