KABANATA 02

183 21 0
                                    


"Wow naman mukhang ang saya naman ng kwentuhan niyo nang ganito kaaga ha?" ang biglang sabi ni Trevin dahilan para mahinto sa kanilang tawanan sila Archie at Derek na nabigla din sa pagsulpot ni Trevin.

"Ah pasensiya na, masiyado na bang napalakas ang tawanan namin? Naabala ba namin ang pagtulog mo?" ang paghingi naman ni Archie ng paumanhin. At nagkamot ng kanyang ulo si Trevin habang naglakad palapit sa dalawa at nagkunwaring hindi niya sinadya na pumagitna sa dalawa, kasabay ng pagpapanggap niya tinatanaw ang kalangitan na noon ay hindi na maulap.

"Okay ka lang?" ang tanong ni Archie kay Trevin na hindi tumugon sa kanyang tanong at bahagyang nakasalubong ang mga kilay nitong tumingin ng matalim kay Archie.

"Ayos lang ako, ganito lang ako kapag bagong gising. Huwag kayong pag-alala hindi naman ako nagising dahil sa tawanan niyo, nagising lang ako dahil..." ang hindi agad natuloy na sabihin ni Trevin dahil naisip niya na baka mag-alala pa sa kanya ang kaibigang si Arcgie kapag sinabi niya ang tunay na dahilan kung bakit siya nagising.

"Nagising ka dahil?" ang tanong ni Archie na hinihintay ang kadugtong ng sasabihin ni Trevin.

"Nagising ako dahil naalimpungatan ako, pero medyo malakas ang tawanan niyo, alam ko bahay mo 'to Archie pero baka mamaya magising sa tawanan niyo sila Nana Huli." ang may pagsisinungaling na tugon nito. "Eh teka bakit kayong dalawa gising pa? Ano pinag-usapan niyo na magkwentuhan dito 'pag tulog na kaming lahat?" ang dugtong na pag-uusisa ni Trevin.

"Ah hindi, ang totoo ay naalimpungatan lang din talaga ako at ito namang si Derek ay namamahay daw kaya hindi makatulog, sakto naman no'ng makainom na ako ng tubig at pabalik na sana ako ng kwarto ko ay siya namang paglabas niya sa kwarto niya, kaya heto nagkwentuhan na lang kami, nagbabakasakaling antukin." ang paliwanag ni Archie at napangisi naman si Trevin nang madinig niya kung paano magpaliwanag sa kanya si Archie.

"Oh bakit napangisi ka diyan?" ang agad na tanong ni Archie nang mapansin ang pagngisi na iyon ni Trevin.

"Wala, ang defensive mo kasi masiyado, ang haba-haba mong sumagot sa isang tanong." ang tugon ni Trevin at sabay ngiti ng nakakaasar ito kay Archie.

"Hindi ka na naman nakainom ng gamot mo." ang asar namang tugon ni Archie habang si Derek naman ay tahimik lang na nangingiti habang pinapanood at pinakikinggan na nag-aasaran ang dalawa sa harapan niya. Hanggang sa bigla na lang siyang makaramdam ng antok at naghikab.

"Ah Archie, Trevin, I guess I have to go back na sa room ko. Nakakaramdam na din kasi ako ng antok, I guess maiwan ko na muna kayong dalawa." ang sabi ni Derek at napatingin naman sa kanya sila Trevin at Archie. "Archie, thank you sa time ha. Na-enjoy ko kwentuhan natin, so paano I'll go ahead na." ang dugtong ni Derek na hindi na hinintay pa ang tugon nila Archie, bagkus ay ngumiti ito kay Archie at agad nang umalis.

Susundan sana ni Archie si Derek para humingi ng pasensiya dahil iniisip niya na kaya ito biglang nagpaalam na matutulog ay dahil sa biglaang pagdating ni Trevin, pero bago pa siya makasunod ay nagulat na lang siya nang pigilan siya ni Trevin sa pamamagitan ng paghawak nito sa kanya.

"Trevin? Anong..." ang tanong niya dahil sa bahagya siyang nabigla sa ginawang iyon ng kaibigan, pero sa halip na makita niya ang kanina'y hindi maipinta na mukha dahil sa pagsasalubong ng kilay nito ay nakita niya ang isang mukha ni Trevin na para bang nagmamakaawa na huwag siyang iwan.

Umiling si Trevin sandaling tumitig sa mga mata ni Archie. "Pwede bang tayo naman ang magkwentuhan? Pwede bang samahan mo na lang din muna ako?" ang may lambing na sabi nito at dahan-dahan niyang binitiwan ang kamay ni Archie.

Hindi noon agad nakapagsalita si Archie habang pinagmamasdan si Trevin, hanggang sa tumango na lang siya bilang unang tugon. "Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa'yo at bigla ka nagkakaganyan, pero sige hindi pa naman ako inaantok pa, kaya sasamahan na kita." ang tugon ni Archie, at sabay silang humarap sa bintana at tinanaw ang langit na noon ay pinaliliwanag ng buwan at mga bituin.

Never FadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon