"Bakit nga pala hindi natin ginising si Trevin, mamaya isipin no'n iniwan natin siya." ang tanong ni Derek habang naglalakad sila sa palengke kasama sila Nana Huli at Lolita na nauuna sa kanilang maglakad.
"Hayaan mo lang siyang matulog, malamang kasi inumaga na 'yon na matulog." ang tugon ni Archie na para bang may inis.
"Teka may nangyari ba noong iniwan ko kayong dalawa? Nag-away ba kayo?" ang usisa ni Derek dahil sa napansin niya ang inis sa tono ng pagtugon ni Archie.
"Wala naman, wala din naman kami pag-aawayan no'n. Talagang hindi ko lang siya ginising dahil sa gusto ko na makapahinga din siya." ang pagtugon nito at pagpilit kay Derek na paniwalaan ang kanyang rason.
"I see, okay kung iyan ang sabi mo maniniwala na ako." ang naging pagtugon naman ni Derek. "Pero would you mind if I ask you something else?" ang dugtong nito.
"Go ahead, ano 'yon?" ang tugon ni Archie at huminto sila sa paglalakad nang huminto sila Nana Huli at Lolita sa isang bigasan. Pinanood ni Archie si Nana Huli at Lolita habang pinipili nila ang bigas na bibilhin sa pamamagitan ng pag-amoy dito at pagtingin sa kulay at butil nito.
"Tinuturing mo naman akong close friend mo 'di ba?" ang tanong ni Derek.
"Oo naman, bakit mo naman natanong 'yan bigla?"
"Wala naman I just have to confirm lang kung may karapatan ba ko na itanong sa'yo ang mga itatanong ko." ang sagot ni Derek at ngumiti siya kay Archie na nang mga sandaling iyon ay nagtataka na din at napapaisip sa kung ano ang itatanong ng kaibigan sa kanya.
"Bakit ano ba 'yang tatanong mo? At bakit may pakiramdam ako na maha-hot seat ako ng 'di oras." ang pabirong tugon ni Archie.
"Hindi naman, ang gusto ko lang naman kasi itanong ay kung ano ang tunay na nararamdaman mo para kay Trevin?" at nang madinig iyon ni Archie ay para bang naputulan siya ng dila at napalunok na lamang ng kanyang laway.
Hindi agad nakasagot si Archie sa halip ay parang nag-isip pa siya ng isasagot noon kay Derek, at nang makita niya na nakabili na ng bigas sila Nana Huli ay ginamit niya iyon para malihis ang usapan nila ni Derek. "Ah ano, tulungan na natin sila Nana Huli at ate Lolita." ang sabi ni Archie bilang pagtakas sa pagsagot at nangiti naman si Derek nang mabilis na umalis is Archie para maiwasan ang pagsagot sa kanyang tanong. Sa pag-iwas pa lamang ni Archie ay nasabi na ni Derek sa kanyang sarili na alam na niya ang sagot nito, kaya naman nang magbalik sila sa paglalakad ay hindi niya na inulit pa ang pagtatanong kay Archie sa halip ay iniba niya na lamang ang usapan para maiwasan din na mailang sa kanya si Archie.
Nang mga sandaling iyon ay hinuhugasan naman ni Trevin ang kanyang ginamit na kutsara at tasa, at nang matapos ay nagpasiyang maglakad-lakad sa loob ng bahay hanggang sa dalhin siya ng kanyang paa sa tapat ng hagdan na pababa sa silong ng bahay na kanina pa niya nais puntahan.
Tinignan niya ang buong paligid ng bahay upang malaman kung may tao at nang walang makita ay nagpasya na siyang babain ang silong. mabilis ang pagkabog ng kanyang dibdib noon dahil hindi niya alam kung ano ang kanyang makikita sa likod ng pinto na maging sa kanyang panaginip ay dinadalaw siya. Hanggang sa tuluyan na siyang makababa at mabilis niyang nilingon ang kanyang likuran upang tiyakin na walang taong makakakita sa kanya, bukod doon ay ayaw niya din na mapagkamalan siyang magnanakaw kung sakali na may makakita sa kanya.
Dahil sa medyo may kalumaan ay medyo nahirapan si Trevin na buksan ang pintong iyon kaya bahagya niyang ginagamitan ito ng pwersa, pasuko na siya noon nang sa huling subok niya ay bumukas ang pinto at sa pagbukas niya ay bumungad sa kanya ang napakaraming lumang gamit at doon niya napagtanto na nagsisilbing bodega iyon ng bahay. Pumasok siya sa loob nito, ang halos karamihan sa gamit na naroon ay napupuno na ng alikabok habang ang iba naman ay nakatakip ng mga puting tela bilang proteksiyon sa alikabok.
BINABASA MO ANG
Never Fade
Ficción históricaNEVER FADE [BXB|Yaoi|BL Novel] Ang tunay na pagmamahal nga ba ay nasusukat sa kung gaano kabilis o katagal ito nabuo? Sapat ba na sabihin ang mga pangakong hindi natin malilimutan o iiwan ang taong pinakamamahal natin? Sapat ba ang pagmamahal na mer...