KABANATA 11

130 18 0
                                    


Alas-otso ng umaga ay dumating si Clara sa mansyon ng pamilya Evangelista, nang mga sandaling iyon ay nasa kanyang silid at nagbibihis, binabalak niya noon na magpunta ng Tumana upang bisitahin si Trevin. Tatlong magkakasunod na pagkatok sa pinto ng kanyang silid ang kanyang nadinig at sandali siyang napahinto noon sa pagsusuot niya ng kanyang pang-itaas.

"Senyorito Amado..." ang pagtawag ni Amor sa labas ng silid.

"Ano iyon Amor? Ako ay nagbibihis pa, mayroon ka bang kailangan?" ang sabi tanong ni Amado at nagpatuloy na siya sa kanyang pagbibihis.

"Kasi po senyorito..." at biglang bumukas ang pinto ng silid at bumungad kay Amor si Amado.

"Ano ang iyong nais na sabihin?"

"Senyorito Amado, nasa silid tanggapan po si Senyorita Clara." ang tila nagdadalawang isip pang sabi ni Amor, nang madinig naman iyon ni Amado ay hindi nito naikubli ang inis.

"Bakit hindi mo sinabi na wala ako?"

"Ang totoo senyorito..."

"Ang totoo ay sinabi na niya sa akin ang dahilang iyan, hindi lamang ako naniwala sa kanya, at bukod do'n ay sinabi ko din sa kanya na ipapaalam ko sa iyong mga magulang ang pagpayag ni Amor na lumabas ka ng mansyon niyo ng hindi siya kasama kung hindi siya magsasabi sa akin ng totoo, alam ko kung gaano ka iniingatan ng iyong mga magulang Amado, at ayaw mo naman siguro na may mapahamak pa ng dahil lang pinagtatakpan ang iyong mga kapritso." ang sabad ni Clara na tila nainip na sa paghihintay na kausapin siya ni Amado.

"Sige na Amor iwan mo muna kami ng iyong Senyorita Clara." ang utos ni Amado at agad namang umalis si Amor bilang pagsunod dito.

"Doon tayo sa silid tanggapan mag-usap." ang sabi ni Amado sa malamig na tono at nagpatiuna na lumakad.

"Ano ba ang iyong nais? Bakit napakaaga ay nais mong sirain ang aking araw." ang tanong ni Amado na hindi itinatago ang pagkainis sa pagdating doon ni Clara.

"Bakit tila inis na inis ka sa akin? Hindi ba dapat ako ang mainis sa'yo dahil ginawa mong pagpapahiya sa akin sa iyong kaibigan kahapon sa may simbahan?" ang tila nang-iinis pang tugon ng binibini. "At bukod pa roon ay ang tagal mo na palang nakauwi upang magbakasyon ay hindi mo man lamang ako naisip na dalawin sa aming mansyon?" ang dagdag nito.

"Iyon lamang ba ang ipinunta po dito? Kung pakiramdam mo ika'y aking napahiya sa harap ni Ignacio, ipagpaumanhin mo. At bakit naman ako bibisita sa inyong mansyon? Dahil sa ikaw ang aking mapapangasawa? Por dios por santo Clara, hindi ako ang may gusto na tayo ikasal, at gagawa ako ng paraan kung kinakailangan huwag lamang matuloy ang kasalan." ang tugon ni Amado na bahagyang napagtaasan ng boses si Clara.

"Ganyan ka ba talaga kasuklam sa akin Amado? Alam mo simula pagkabata ay ikaw lamang ang aking minahal, masisisi mo ba ako kung naisin ko na sa'yo ako ikasal kahit na alam kong ang dahilan lamang para mangyari 'yon ay ang negosyo ng ating pamilya?" ang halatang nasasaktang tugon ni Clara at pinipigilan ang kanyang pagluha.

"Sabihin mo sa akin Amado, ni minsan ba ay hindi mo ako tinignan ng may pagmamahal?" At tinignan ni Amado ang binibini sa mga mata nito.

"Patawad Clara, pero kahit ni minsan hindi kita tinignan ng higit pa sa isang kaibigan. Mayroon tayong pinagsamahan Clara, at halos ikaw na ang naging matalik kong kaibigan pero lahat iyon ay nagbago dahil lamang sa kasunduan ng pamilya natin na alam mo na hindi ako sang-ayon." ang tugon ni Amado at umagos ang mga luha sa mata ni Clara.

"Hindi ko alam na ganito pala kasakit ang sampalin ng katotohanan, lalo na kung ang katotohanang madidinig mo ay magmumula pa sa taong minahal mo ng matagal na panahon." ang sabi ni Clara na patuloy sa kanyang pagluha, at nakita niyang iniabot ni Amado ang isang puting panyo sa kanya, ngunit umiling siya at hindi iyon tinanggap.

Never FadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon