KABANATA 16

125 13 1
                                    


"Sigurado ka ba na mabuti na ang iyong pakiramdam? Lalo na ang iyong kamay dahil kakailanganin mo 'yan sa plano ko para magkasama na kayo ni Ignacio." ang sabi ni Clara habang nakaupo sa isang silya at si Amado naman ay nakaupo sa kanyang higaan at napatingin sa kanyang kamay na kanyang muntikan nang masira dahil sa ginawa nang siya ay minsan na magwala dahil sa sama ng loob.

"Sigurado ako na maayos na ako." ang may pagtango na tugon ni Amado at tumingin siya kay Clara.

"Mabuti kung ganoon."

"Pero ano nga pala ang iyong planong sinasabi mo?"

"Anong oras ang sigurado na tulog na ang mga magulang mo?" ang seryosong tanong ni Clara at napaisip naman si Amado kung bakit iyon natanong sa kanya ng binibini.

"Maaga sila kung matulog, pero ang pinaka nakakasiguro ako na tulog na sila ay alas-diyes ng gabi." ang tugon ni Amado dahil iyon din ang oras kung kailan palihim siyang lumalabas ng kanyang silid upang lihim na magtungo sa silong ng kanilang mansyon.

"Mabuti kung ganoon. Itatakas kita mamayang gabi saktong alas-diyes ng gabi ay paparito ako para itakas ka." ang tugon ni Clara.

"Pero Clara, paano mo ako maitatakas? Sa tingin mo ba hindi ko naisip na tumakas? Pero nakakandado ang pinto at tarangkahan palabas kaya mukhang malabo na magawa mo iyang plano." ang bahagyang nalungkot na sabi ni Amado.

"At sino naman ba kasi na nagsabi sa'yo na sa pinto at tarangkahan ka dadaan?" ang nakangiting tugon ni Clara at napatingin si Amado sa kanya. Sinundan ni Amado nang tingin kung saan nakatingin si Clara nang mga sandaling iyon.

"Huwag mong sabihin na?" at napatango sa kanya si Clara.

"Tama, sa bintanang iyan ka dadaan, at mas mahihirapan ka na makita kung magising man ang mga magulang mo kung sa bakod sa likod bahay ninyo ikaw dadaan. Huwag kang mag-alala, umupa na ako nang makakatulong ko para maitakas ka dito." at nang madinig iyon ni Amado ay hindi niya napigilan na mayakap si Clara, na kinabigla naman ng binibini dahil iyon din ang unang beses na niyakap siya ni Amado.

"Salamat Clara! Salamat talaga!" ang masayang pasasalamat ni Amado, at napangiti si Clara at tinapik tapik niya sa likod si Amado.

"Ano ka ba hindi ba sabi ko naman na gagawin ko ang lahat maging masaya ka lang." ang tugon ni Clara. "Malas mo lang hindi ako ang pinili mo." ang pabirong tugon ni Clara.

"Salamat ulit talaga." ang muling sabi ni Amado nang bumitaw na siya sa kanyang pagkakayakap kay Clara at tumango naman sa kanya si Clara.

"Pero huwag ka munang masiyadong magsaya at magpasalamat sa akin hanggang hindi pa natin nasasakatuparan ang plano. Sasabihin ko din ito kay Ignacio, pero mas makakabuti kung sa tabing ilog na lamang kayo magkitang dalawa kaysa sa bahay niyo sa Tumana." ang dagdag na sabi ni Clara at sinang-ayunan naman 'yon ni Amado.

Matapos ang pagbisitang iyon ni Clara kay Amado ay wala na siyang sinayang na oras at dumiretso na siya papunta ng Tumana upang sabihan din si Trevin patungkol sa magiging plano at gagawing pagtakas nila ni Amado. Bagama't walang kasiguraduhan na magiging tagumpay ang lahat ng plano ay desido si Clara na kahit lamang sa ganoong paraan mapadama niya kay Amado ang kanyang pagmamahal.

Tanghali na nang umuwi si Archie ng bahay na kasama si Derek para makapagpahinga dahil ipinayo din iyon sa kanya ng doktor. Ang pagkawala ng malay nito ay dahil sa sobrang pagod, stress at puyat kaya naman para hindi siya pagbawalan na magbantay kay Trevin ay laging minamabuti na lamang ni Archie na umuwi tuwing tanghali upang magpahinga at hayaan na muna sila Nana Huli at Lolita ang magbantay kay Trevin.

"Gusto mo ba samahan na kita sa iyong kwarto?" ang tanong ni Derek kay Archie nang makapasok na sila sa loob ng bahay, at isang iling ang unang itinugon sa kanya ni Archie.

Never FadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon