"Senyorito Amado, ano pong nangyari?" ang nag-aalalang tanong ni Esperanza.
"Hindi ko din alam kung anong nangyari bigla na lang siya nawalan ng malay bago pa ako makapagpaalam bago umuwi." ang tugon ni Amado at kanyang hinawakan ang noo nito at doon niya lamang nalaman ang dahilan bakit biglang nawalan ng malay si Trevin. "Inaapoy siya ng lagnat, madali ka Esperanza ipaghanda mo ako ng pamunas at malinis na tubig." ang utos niya.
"Pero paano po si Ignacio, tatawag na po ba ako ng makakatulong niyo na bumuhat sa kanya?"
"Hindi na ako na bahalang bumuhat sa kanya."
"Sigurado ho kayo senyorito, parang hindi niyo siya kakayanin na buhatin ng mag-isa."
"Kaya ko, minsan ko na siyang nabuhat kaya sige na sundin mo na ang inuutos ko." ang tugon ni Amado at agad nang sumunod si Esperanza. Nang makapasok sa bahay si Esperanza ay sinubukan nang buhatin ni Amado si Trevin, at tulad noong una niya itong buhatin ay nahirapan siya dahil sa may kabigatan ito pero pinilit niyang madala si Trevin hanggang sa silid nito.
Nang makarating sa silid nito ay maingat niya itong ibinaba sa higaan, at nanatiling walang malay. Kumuha siya ng silya at naupo sa tabi ni Trevin at pinagmasdan lamang ito habang hinihintay na dumating si Esperanza.
"Hanggang ngayon ba naman pinapahirapan mo ako." ang nakangiting sabi ni Amado habang nananatiling nakatingin kay Trevin.
"Sabihin mo sa akin Trevin, sabihin mo paano ko pipigilin ang puso ko na mahalin ka." ang pabulong na sambit. Sandaling tumahimik ang buong silid hanggang sa basagin ito ng ilang pagkatok sa pinto.
Ilang sandali pa ay pumasok na si Esperanza dala ang isang palangganang tubig at malinis na pamunas at agad na ipinalapag iyon ni Amado sa mesang nasa tabi ng higaan ni Trevin. "Salamat Esperanza ako na ang bahalang umasikaso sa kanya." ang sabi ni Amado.
"Sigurado po kayo?"
"Oo sige na, gawin mo na lamang ang gagawin mo kung wala ka namang gagawin na ay maaari ka nang magpahinga." ang sagot ni Amado at nginitian niya ito.
"O siya sige po senyorito pero kapag kailangan niyo po ng tulong ko o may kailanganin kayo ay tawagin niyo lamang po ako sa ibaba." ang tugon naman ni Esperanza at tinugon na lamang siya ni Amado ng isang tango.
Sa paglabas ni Esperanza ay isinara niya ang pinto ng silid. Nang makaalis si Esperanza ay sinimulan na ni Amado na punasan si Trevin, una niyang pinunasan ang mukha nito at hindi niya inialis ang paningin niya dito. Nang matapos mukha ay hinubadan niya ng suot si Trevin at tsaka niya ito muling pinunasan upang mas guminhawa ang pakiramda nito. Nang matapos ay kinumutan niya ang hubad na si Trevin at dali-daling kumuha nag damit na isusuot niya dito, buong ingat niya din itong binihisan, at isang malalim na buntong hininga ang ginawa ni Amado nang matapos siya sa pag-asikaso kay Trevin. Mas inilapit niya ang silya sa higaan ni Trevin at muli niyang pinagmasdan si Trevin na bagama't wala pa ding malay ay makikitang naginhawaan naman ito.
"Ano bang gagawin ko sa'yo, ano bang gagawin ko sa sarili ko para sa'yo, pakiramdam ko ay masisiraan na ako ng bait dahil sa'yo, ng dahil sa nararamdaman ko para sa'yo." ang nangingiting sabi ni Amado at kanyang hinaplos ang ulo ni Trevin.
Muling napabuntong hininga si Amado at aktong aalis na ito nang bigla niyang maramdaman ang kamay ni Trevin na humawak sa kamay niya para pigilan siya, agad na napatingin si Amado kay Trevin na nakatingin din sa kanya noon ngunit mababanaag pa din ang nararamdaman nito na sama ng pakiramdam.
"Maaari bang dumito ka na lang muna? Maaari bang samahan mo na muna ako kahit ngayong gabi lang?" ang nakikiusap na tanong ni Trevin sa halos bulong na nitong sabi.
BINABASA MO ANG
Never Fade
Historical FictionNEVER FADE [BXB|Yaoi|BL Novel] Ang tunay na pagmamahal nga ba ay nasusukat sa kung gaano kabilis o katagal ito nabuo? Sapat ba na sabihin ang mga pangakong hindi natin malilimutan o iiwan ang taong pinakamamahal natin? Sapat ba ang pagmamahal na mer...