KABANATA 10

167 18 0
                                    


Magdidilim na nang makauwi sa mansyon si Amado, mula sa pagpasok niya sa bakuran hanggang sa loob ng mansyon ay hindi mabura ang ngiti sa kanyang mga labi at nawala lamang iyon nang biglang sumulpot si Amor.

"Ginabi na yata po kayo sa pag-uwi?" ang bungad na tanong ni Amor. "Naging maayos naman ba ang ginoo, ang ibig kong sabihin ay si Ignacio sa pananatili niya doon sa bahay ninyo sa Tumana?" ang dagdag nitong tanong.

"Sinulit ko lang ang oras ko sa labas ng mansyon alam mo naman na bihira lang ako makalabas kapag narito ang mama at papa." ang paunang tugon ni Amado. "At sa tingin ko naman ay magiging ayos lang naman siya do'n lalo na at nandoon naman ang iyong ate para asikasuhin siya." ang dagdag niyang tugon.

"Mabuti naman po pala kung gano'n."

"Hindi ba tumawag ang mama at papa habang wala ako?" ang tanong ni Amado at biglang nagbago ang mukha ni Amor at napansin niya iyon.

"Bakit tila nagbago ang ekspresyon ng iyong mukha, kanina lamang ay panatag ka bakit parang may halong pagkabagabag at inis ngayon ang iyong reaksiyon sa aking tanong?" ang usisa ni Amado. "Tumawag ba ang aking mama at papa, at ikaw ay kanilang nasemonan?" ang dagdag nito.

"Sana nga ho senyorito ay ang mama at papa niyo na lamang po ang tumawag ngayong araw, pero hindi po sila ang tumawag." ang tugon nito at bigla namang napaisip si Amado sa sinabing iyon ni Amor.

"Kung gano'n ay sino? Teka isang tao lang naman ang kaiinisan mo ng ganyan." ang biglang nasabi ni Amado na tila naisip na din ang sagot sa kanyang tanong, at napatango naman si Amor bilang pagkumpirma na tama ang taong iniisip ng kanyang amo.

"HIndi po kayo nagkakamali ng iniisip, tumawag po kaninang tanghali si Senyorita Clara at hinahanap niya po kayo, ang sabi ko sa kanya ay nasa inyong silid po kayo at may inaasikaso na mahalagang bagay at ayaw magpaistorbo. Matapos no'n ay sinabi niya sa akin na paparito siya bukas ng umaga para po ikaw ay makausap ng personal." ang tugon ni Amor na may pagkainis dahil alam niya kung gaano hindi kagusto ni Amado si Clara.

"Kailan niya kaya ako titigilan." ang tanging nasabi ni Amado sa inis at napabuntong hininga na lamang. "Hayaan mo na Amor, ayokong matapos ang araw na ito na puno ng inis dahil lamang kay Clara, bukod doon ay muntik na niyang sirain ang araw na ito kanina nang magkita kami, buti na lang..." ang hindi naituloy na sabihin ni Amado dahil muntik na niyang maikwento kay Amor ang pagyakap ni Trevin sa kanya at kung paano bumilis ang tibok ng kanyang puso nang ginawa yakapin siya nito.

"Mabuti na lamang na ano po senyorito?" ang tanong ni Amor na hinihintay niya ang kadugtong ng sasabihin ni Amado.

"Wala kalimutan mo na lang ang aking sinabi, ipaghain mo na lamang ako ng makakain at ako ay nakakaramdam na ng gutom. At sabayan mo na din ako sa pagkain kung maaari." ang tugon at pag-iiba ni Amado sa usapan. At napangiti naman si Amor na umalis upang sundin ang iniutos ng amo sa kanya.

Sa silid kainan ay tahimik na kumakain si Amor upang sabayan si Amado habang si Amado naman ay tahimik lamang at tila ba nakikipagtitigan lamang sa pagkain na nasa kanyang harapan. Napansin iyon ni Amor at naisipan nitong gumawa ng kaunting ingay para tawagin ang pansin nito kaya naman sinadya niyang ilaglag ang kanyang hawak na kutsara, pero sa kabila ng ingay nito ay nanatiling nakatitig si Amado sa pagkain.

"Senyorito Amado..." ang pagtawag ni Amor sa amo ng pabulong ngunit hindi siya pinansin nito. "Senyorito Amado..." ang pagtawag muli niya sa kanyang amo ng medyo malakas na ngunit hindi pa din siya nito pinansin. "SENYORITO AMADOOOO!" ang malakas at pasigaw na tawag ni Amor sa amo at nabigla ito at kanyang nailaglag ang hawak na tinidor at kutsara.

"Ano ka ba naman Amor bakit kailangan mong manggulat ng gano'n." ang inis na sabi ni Amado at kanyang kinuha ang nalaglag na tinidor at kutsara. "Gusto mo ba akong mamatay ng maaga?" ang dagdag nito.

Never FadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon