KABANATA 14

132 17 2
                                    


Magdidilim na nang magkaroon ng malay si Amado sa kanya paggising ay agad niyang nakita si Amor na siyang nagbantay sa kanya. Nang makita ni Amor ang paggising ni Amado ay halos maluha ito sa labis na saya.

"Senyorito Amado, mabuti naman ho at nagising na kayo, salamat sa Diyos." ang siyang nasabi ni Amor na hindi na napigilan pa ang lumuha. Maputla at nanlalata pa din ang pakiramdam noon ni Amado, tinugon niya ang sayang iyon ni Amor ng isang ngiti.

"Labis talaga akong nag-alala sa inyo senyorito nang makita ko kayong nakahandusay na walang malay at ang daming dugo ang kanina'y dito nagkalat."

"Sana'y hinayaan mo na lamang ako na ganoon Amor, sana ay hinayaan mo na lamang ako na mamatay." ang may lungkot na sabi ni Amado at nadama ni Amor iyon at nakita niya din ito sa mga mata ni Amado.

"Senyorito naman huwag niyo po iyang sabihin. Kung nakita niyo lamang kung paano nag-alala sa inyo sila Don Felipe at Donya Olimpia, halos humagulgol sa pagluha niya ang inyo pong mama." at bahagyang napailing at napangisi si Amado nang madinig iyon.

"Nag-alala para sa akin? O mas tamang sabihin na inaalala nila na kapag ako ay namatay ay hindi na sila magkakaroon ng pagkakataon pang mas palaguin ang kanilang negosyo. Natatakot lang sila na mawala ako dahil walang magmamana at magtutuloy sa lintik na negosyo nila." ang magkahalong inis at lungkot na sabi ni Amado. "Kahit kailan Amor hinding hindi sila mag-aalala para sa akin."

"Senyorito..."

"Maaari bang dumito ka muna Amor? Kailangan ko lang ng makakasama sa ngayon, huwag mo munang ipaalam sa kanila na nagkamalay na ako." ang pakiusap ni Amado at sandali siyang tinitigan ni Amor bago ito tumugon ng isang tango.

"Ignacio, ayos ka lamang ba? Bakit tila hindi mo yata ginagalaw ang iyong pagkain?" ang tanong ni Esperanza habang kumakain sila ni Trevin ng hapunan. Napailing naman si Trevin bilang paunang pagtugon niya dito.

"Hindi ko alam pero may kakaiba akong kabang nararamdaman. Kanina ko pa ito nararamdaman bago pa lang umalis si Amado para umuwi ng mansyon." ang tugon ni Trevin at napatingin siya sa kanyang pagkain na kahit isang beses ay hindi niya pa ginalaw. "Pakiramdam ko ay mayroong nangyari sa kanya na hindi maganda." ang dagdag pa nito.

"Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin upang ipanatag mo ang iyong sarili dahil madalas kapag ang isang tao ay kinutuban para sa taong mahal nila iyon ay nagkakatotoo." ang sabi ni Esperanza at inabot niya ang isang kamay ni Trevin na nakalapag sa mesa. "Ngunit sa mga ganitong sitwasyon na hindi natin alam pareho kung tunay ngang may magandang nangyari o mangyayari kahit pa sabihin natin na tama 'yang kutob mo, wala tayong pwedeng gawin kundi ang kumalma at mag-isip ng maaaring gawin kung sakaling tumama man ang iyong nararamdaman." ang dagdag ni Esperanza at tumango na lamang si Trevin bilang pagsang-ayon.

Nang sumunod na araw ay bumisita sa mansyon nila Amado si Clara na kasama ang kanyang mga magulang. Malugod naman silang tinanggap nila Don Felipe at Donya Olimpia. Nakarating sa kanila ang nangyari kay Amado at sa labis na pag-aalala ni Clara ay kanya ngang kinausap ang kanyang mga magulang upang mabisita niya si Amado.

"Mabuti naman at nakabisita kayo dito sa aming mansyon." ang masayang bati ni Donya Olimpia.

"Labis lamang po akong nag-aalala para kay Amado nang makarating sa akin ang balita ay agad kong inaya sila mama at papa dito upang samahan po ako na bisitahin ang inyong anak." ang tugon ni Clara.

"Labis na mapalad talaga ang aking anak kung ikaw ang kanyang mapapangasawa, bukod sa maganda na ay natitiyak na siya ay iyong mapapangalagaan." ang masayang tugon naman ni Don Felipe, at napangiti na lamang si Clara nang madinig niya iyon.

Never FadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon