KABANATA 05
Vibes
Pagod na isinandal ko ang likod sa isang monoblock chair sa labas ng opisina ni General Eliazar nang makaupo. Kakatapos lang nang meeting tungkol sa nangyari sa isla at parang naubos agad ang enerhiya ko dahil sa gulat kanina. Hindi ako kinabahan para sa sarili ko, pero para sa mga kasamahan ko 'yon naramdaman.
Ipinikit ko ang mga mata at inisip nang mabuti kung bakit hindi agad namin napansin ang mga rebelde kanina. Pero dahil sa matatayog at makakapal din na puno sa lugar ay imposible rin naman talaga naming makita ang mga iyon kung nagtatago ang mga ito, p'wera na lang kung bumaba pa kami, na mabuting hindi ko ginawa. Dahil kung sinunod ko ang gusto ni Cadet Del Rosario ay sigurado akong walang matitira sa amin maski isa. Sigurado akong tostado kami.
"You're beautiful when you close your eyes. But you are more beautiful if you stare it on me."
Agad nagsalubong ang kilay ko nang magmulat ako at sumalubong sa akin ang nakangiting pagmumukha ni Lieutenant Espacio malapit sa mukha ko. Amoy na amoy ko na nga ang mabangong panlalaking pabango nito dahil sa sobrang lapit.
The nerve of this guy!
Inis na nginisihan ko na lang ito nang pagkatamis-tamis bago hinead-butt 'saka tumayo at naglakad.
I heard Lieutenant Espacio groaned.
"Outch! Ang sakit no'n, Lieutenant," natatawa nitong reklamo habang nakasunod sa akin.
"Mas masakit ba 'yon kesa sa pagkikipaghiwalay ng girlfriend mo sa 'yo?" pang-aasar ko. Justine pout his lips. I rolled my eyes at him. "May mas isasakit pa 'yan kapag hindi mo ako titigilan freshly brokenhearted Lieutenant," dagdag ko.
Nakangiti itong sumabay sa akin at hindi man lang pinansin ang sinabi ko.
"Aw! Lagi mo na lang pinapaalala sa akin 'yan, Lieutenant." I sighed heavily. Wala ako sa mood makipag-asaran sa kahit kanino man ngayon.
At ang feeling close niya!
"Stop saying 'aw', you're not a dog, aren't you?" mataray kong saad kaya humalakhak ito. Dahilan naman na ikinalingon ng mga nadadaanan namin kaya sinamaan ko ito nang tingin.
"Ang gwapo ko namang aso, kung gano'n, Lieutenant?" natatawa pa rin ito.
"You think so? Come on, Dude, walang gwapong aso." Mas lalo itong humalakhak kaya mas naaagaw namin ang atensiyon ng mga nadadaanan namin. Inis ko itong binalingan.
"Shut up, Lieutenant Espacio, you're disturbing them!" I hissed and pointed the group of air force na parang may importanteng pinag-uusapan.
"E 'di hindi ako aso kasi gwapo ako," pangungulit pa nito at bahagyang ngumuso. "At nakikinig ka pala sa usapan namin kanina, Lieutenant." Mas lalong sumama ang tingin ko dahil sa pang-aakusa nito sa akin.
"Excuse me? Hindi ako nakikinig sa usapan ng may usapan. Sadyang malalakas lang ang mga boses niyo at sa malapit ko pa kayo nagchi-chismisan! Ke'lalaki niyo pero mga kiss and tell."
Lumaki yata ang butas ng ilong ko dahil sa inis. Ngayon lang ako naakusahan sa buong buhay ko. At sa walang kwentang bagay pa. Taena niya!
"Talaga? So gwapo ako kung ganoon?" I impatiently look at Lieutenant Espacio na nakangiting-aso.
"Dream on, Dude," pagtatapos ko sa usapan 'saka binilisan ang paglalakad. Mabuti na lang at hindi na rin ito sumunod at nangulit sa akin.
Agad akong napabuntonghininga pagpasok ko sa quarter at pabagsak na humiga sa kama. Pumasok agad sa isipan ko ang mga nangyari kanina at ang mga pinagdaanan namin sa training. First assignment at muntikan na agad kami kanina. Kung hindi ko lang agad napalayo ang chopper ay siguradong ubos na kami.
Tamad akong bumangon para makaligo nang sumapit ang alas sais. Pagkatapos magbihis ng isang washed jeans at simpling itim na t-shirt ay lumabas ako sa quarter para makapaghapunan. Naabutan ko sina Talia, Alaister, Justine at Adonis sa cafeteria, nagtatawanan habang kumakain. Agad namang kumaway si Talia nang mapansin ako.
"Lieutenant, come over!" Malapad ang ngiting tawag nito sa akin. Pero agad na ngumiwi ako nang tumayo si Justine at naglakad pasalubong sa akin, with his wide arms open. Aambang yayakap pero agad ko itong tinaasan ng kilay.
Dahil sa ginawa ni Justine ay nagtawanan ang mga nasa mesa na nagpalingon sa mga nandoon sa gawi namin.
"What the f*ck, Dude!" mahinang singhal ko kay Lieutenant Espacio. Mas lalo pa itong ngumiti sa akin. I looked at him annoyingly.
"Gusto lang kitang e-welcome, Lieutenant."
"Tss! Welcome my ass," sabay una ko nang lakad at umupo sa tabi ni Talia.
"I heard about what happened earlier. I want to meet that Cadet Del Rosario," natatawang salubong nito.
Kinunot ko ang noo ko para magtanong sana. Agad naman nitong nginuso si Justine sa tabi ko.
"Tss!" singhal ko. "Kapag ba brokenhearted nagiging chismoso?" I gritted my teeth.
Sabay na nagtawanan ang mga kasamahan namin dahil sa sinabi ko, maliban lang kay Justine na nakanguso sa tabi.
"Hindi halatang broken, Lieutenant, kasi dumidiskarte agad." Si Adonis iyon na ipinagkibit-balikat ko na lang.
May nilapag na tray si Justine sa harap ko kaya mas lalong tumaas ang kilay ko.
"Kina-career mo ang pagiging broken, Lieutenant," asar ni Alaister. Talia and Adonis chuckeled.
"For my Lieutenant," natatawang tukoy nito sa pagkain.
"I am not yours, Lieutenant. No one owns me."
Nagtawanan sina Talia at Alaister kaya ngumuso ito lalo. Hindi ko na lang pinansin si Justine.
Nagsimula na akong kumain nang biglang umingay ang cafeteria. Sabay-sabay na pumasok sina Cadet Del Rosario, Cadet Valdez at Cadet Sanchez. Nagtatawanan ang mga ito, inaani ang atensiyon ng mga kumakain. Nagkibit ako ng balikat nang taasan ako ng kilay ni Talia at ipinagpatuloy na ang pagkain.
"Hmm... Don't like the vibes." Alaister shrugged her shoulder after saying it. Natatawa itong binalingan ni Adonis.
"What?" suminghal si Alaister.
"The same positive energy ain't no good, huh," Adonis teased kaya mas lalong sumama ang mukha ni Alaister.
Nagsimula ang bangayan ng dalawa na tinatawanan lang nina Talia at Justine. Tahimik lang akong kumain, hindi na pinansin ang pag-iingay ng dalawa sa harap at tatlo sa likuran namin.
"It's just her luck. Masyadong mayabang," malakas ang boses na saad ni Cadet Del Rosario.
Agad naagaw ang pansin ni Talia doon at mataray na bumaling sa likuran ko. I gave her a half shrugged at hindi na nagkomento pa.
Alam ko na ako ang tinutukoy ni Alessia.
"Let's see for the next assignment, then. 'Wag tayong magyabang kung wala pa namang napapatunayan." Si Talia iyon na may nanghahamong boses na ikinailing ko na lang.
-
GorgeousYooo ✈️

BINABASA MO ANG
Soul Of An Airplane- COMPLETED (PUBLISHED Under GSM)
RomanceAviator's Series #02 Synopsis Delaney Adair Monroeville is an airforce that has a cheeky smile and beautiful long legs that you can't help but to notice. A hot Russian babe that boasts a wicked set of baby blues which will keep you captivated. Dela...