KABANATA 06
Mission
"Lieutenant Monroeville, pinapatawag po kayo ni General Eliazar."
Isang araw iyon nang matapos kaming mag-boxing sparring ni Lieutenant Esperanza at nagpapahinga na lang. Agad akong nag-ayos sa sarili bago sumunod kay Evin papunta sa opisina ni General Eliazar.
Pagpasok namin ay nasa loob na sina Alessia at Avionna na prenteng naka-upo sa sofa. I salute to General Eliazar bago naupo rin sa pandalawahang sofa.
Hindi pa man nag-iinit ang p'wet ko ay pumasok na si Justine kasunod si Talia, na agad ngumiti nang makita ako.
Katulad ko ay sumaludo muna ang dalawa bago dumiritso sa tabi ko si Justine. Napaingos na lang ako dahil sa pagtabi nito.
"Nandito na ba lahat?" agad na tanong ni General Eliazar.
"Major, wala pa si Lieutenant Esperanza at Lieutenant Lustre," si Evin ang sumagot noon kasabay nang pagbukas ng pintuan at magkasunod na pumasok sina Alaister at Adonis at sumaludo. Kunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang seryosong mukha ni Alaister.
Pagka-upo ng dalawa ay agad na binuksan ni General Eliazar ang laptop na nakakonekta sa projector. Pinakita doon ang isa sa pianakasikat na airline sa buong Asya, the Duke's International Airline.
"Siguro naman ay alam niyo na kung saan ang airline na ito," tukoy ni General Eliazar sa airline na nasa projector kaya tumango kami bilang sagot.
"Nakatanggap nang report ang militar na may banta ng mga terrorist sa Duke's International Airline. Kaya nangangailangan ang airline ng mga sundalong magbabantay at mag-iimbistiga sa nangyayari. Kayo ang aatasan ko para mag-conduct nang check point sa airport." Tumango kaming lahat at nanatiling tahimik.
"Lieutenant Monroeville," tawag pansin ni General Eliazar sa akin dahilan para umupo ako nang tuwid. "You will aviate the military chopper na gagamitin niyo papunta sa DIA. And you, Lieutenant Espacio, will be in charge of this team," sabay turo nito sa katabi kong si Justine.
"Yes Sir," magkasabay na sagot namin ni Justine.
"Siguraduhin niyo ang seguridad ng mga pasahero, kaya e-check niyo ng mabuti ang mga eroplano na babiyahe. Maghanda na kayo, because tomorrow 06:00 Zulu Time ang alis niyo. Is that clear?"
"Sir, yes, Sir," sabay-sabay na sagot namin.
Marami pang sinabing impormasyon si General Eliazar tungkol sa misyon namin. I stay attentive.
"Any question?"
"None, Sir," sabay-sabay ulit na sagot namin.
"Okay, dismissed."
It lasted almost an hour and a half bago kami e-dismissed.
"Thank you, Sir."
Pagkalabas namin sa opisina ay agad na lumapit sa akin si Talia at malaki ang ngiting nakapaskil sa labi nito. Kinunotan ko ito ng noo.
"What?" walang gana kong tanong.
"Maraming gwapong piloto sa DIA, Lieutenant," sabay hagikhik nito.
I coughed. Sinipat ko si Justine na sumabay sa paglalakad namin ni Talia.
"Tss! Hindi na kailangan ni Lieutenant Monroeville ng karagdagang gwapo, Lieutenant Madrigal. I'm enough."
Agad na nginiwian ni Talia si Justine dahil sa sinabi nito. Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga ang desisyon nitong si Justine.
"Gwapo ang sinasabi ko. Hindi feeling gwapo, Lieutenant." Talia rolled her eyes heavenwards. "At mas gwapo pa sa 'yo ang ibig kong sabihin, Lieutenant." She quoted her fingers in the air.
"I'm more than enough for her, Lieutenant Madrigal."
"Oh? Sino nagsabi? Ikaw? Desisyon ka! Ayaw ni Lieutenant Monroeville ng sundalo, Lieutenant, lalo na kapag laging kasama niya sa mission. Kasi nakakasawa 'yong gano'n. Mas maganda 'yong piloto, kasi bukod sa minsan lang silang magkita, mas nakakamis 'yong gano'n!"
Napangiwi ako dahil sa sinabi ni Talia. Pero hindi na ako nagsalita pa at hinayaan na ang dalawang magbangayan. Hindi ko nga alam kung tama ba ang desisyon ni General Eliazar na magsama sa isang mission ang aso at pusa.
"Tss! Hindi niya naman sinabi 'yon!" kontra ulit ni Justine. I massaged my temple and sigh.
"Tsaka, self-proclaimed ka na gwapo, Lieutenant."
"Gwapo naman talaga ako ah."
"Ang tunay na gwapo, Lieutenant, hindi pinagyayabang," banat ni Talia sabay tawa ng malakas.
"Hindi ako nagyayabang, sinasabi ko lang ang totoo."
"I refused to believe," Talia waved her hand.
Napailing na lang ako at mas binilisan pa ang paglalakad at hinayaang maiwan ang dalawa na patuloy pa rin sa pagbabangayan.
Agad kong inayos ang mga gamit sa luggage pagdating ko sa quarter. Mabuti na lang at hindi ko pa nailalabas ang ibang gamit ko kaya kaunti lang ang aayusin ko.
Pagkatapos kong gawin iyon ay agad kong tinawagan si Tita Metchelle para sabihing matatagalan ako nang balik dahil ma-a-assign ako sa DIA. Kinumusta ko rin si Daddy at nagpasalamat dahil mabuti at nakakapaglakad na ito.
I sighed after turning off the call. Naalala ko na isa ang DIA sa pinangarap ni Mommy na pagtrabahoan noon maliban sa QIA. This is a big airline at ang kambal nitong airline ay ang Queen's International Airline na nasa Canada naka-base ang main building.
Kahit na ilang beses nang may nababalitang plane crashed mula sa eroplano ng QIA, isa pa rin ito sa pinakatanyag na airline sa Asya. At ang huling plane crashed na nangyari ay last 5 years na nangyari. Iyong eroplanong pinapalipad ng isang piloting nagngangalang Pilot Adriel De Lanaza patungong France, na kahit ni isang pasahero ay walang nakaligtas. No wonder kung bakit may pagbabanta ng mga terorista sa mga airline na ito.
Mapait ang ngiting gumuhit sa labi ko dahil sa naalala. She's not worthy to be remembered. Dahil alam kong hindi naman kami nito naaalala.
Kinabukasan, alas singko y medya pa lang ay kompleto na kami at nakahanda na rin sa pag-alis. Talia and Alaister are excited for this mission. Kay Talia, alam ko ang rason kung bakit ito excited, kay Alaister ang hindi ko alam. At dahil ito ang unang mission na magkakasama kami siguradong hindi ako mababagot sa misyong ito.
Sinipat ko si Alessia na nakataas ang maayos na pagkaka-ahit na kilay, kausap nito sina Aviona at Evin. Nang napagawi ang tingin nito sa akin ay mas tinaasan ako ng kilay. I tilted my head at hindi na ito pinansin pa.
Cadet Alessia Del Rosario is a competitive woman. I can clearly see it in her eyes, kaya hindi ko na lang ito papatulan. She look so familiar to me too, pero hindi ko ma-pinpoint kong saan at kailan ko ito nakita. May kakaiba rin akong nararamdaman dito na hindi ko lubos matukoy kung ano.
"This is Second Lieutenant Delaney Adair Monroeville speaking. Prepare yourselves, let's kick the tires and light the fires," seryoso kong anunsiyo bago minaniubra ang chopper para mag-takeoff.
-
GorgeousYooo ✈️
BINABASA MO ANG
Soul Of An Airplane- COMPLETED (PUBLISHED Under GSM)
RomanceAviator's Series #02 Synopsis Delaney Adair Monroeville is an airforce that has a cheeky smile and beautiful long legs that you can't help but to notice. A hot Russian babe that boasts a wicked set of baby blues which will keep you captivated. Dela...