Kabanata 12
Call
Naabutan ako ni Santi na nakaupo sa right cockpit. Nagtataka itong nakatingin sa akin. Sa inis ko ay inirapan ko ito kahit na wala naman itong ginagawa. Napataas tuloy ang kilay ni Santi sa akin kaya mas lalong sumama ang templa ng mukha ko.
"Your co-pilot is spreading his sperms in the comfort room!" inis na bulyaw ko. Gulat akong tiningnan ni Santi pero para akong nag-aalburuto sa inis. "Seriously? Even in the plane's comfort room? Tsk!" nadidismaya kong dagdag.
I know boys like them. They can do it anytime, anywhere. At hindi naman ako bata para hindi malaman kung ano ang ginagawa nila. But d*mn boy! Hindi ako makapaniwalang unti-unting nababahiran ng kalaswaan ang inosente kong pandinig! Thank you to Officer Cohan for that!
I gritted my teeth dahil sa inis.
"Sorry for that." Santi clenched his jaw.
Napabuntonghininga ito at tila ito pa ang nahiya sa ginawa ng co-pilot. Well, dapat lang talagang mahiya sila 'no! Hello, hindi lang sila ang tao sa aircraft na ito at alam nila 'yon. Alam nila na mag-iinspeksiyon ako!
Ilang saglit pa ay namataan ko nang papalapit sa gawi namin si Anthony. Nakapamulsa pa at sumisipol.
The nerve of this guy! Nanggigigil kong asik sa isipan.
Kung puwede ko lang talagang suntukin itong si Anthony ay gagawin ko without hesitation.
Umingos ako nang tuluyan na itong nakalapit sa amin. Halos ngumiwi pa ako dahil feeling ko naririnig ko pa rin ang mga halinghing na narinig ko kanina!
Oh my God! Spare me with this guy!
"What?" inosenting tanong nito dahil sa masamang tingin na ipinukol ni Santi sa kanya.
"Tss!" Santi hissed.
"C'mon, Captain?" natatawang saad nito sa piloto. "Hi, Lieutenant," sabay baling nito sa akin.
I snorted at him.
"Stop your naughty doings in plane, Officer Cohan." Bahagya akong sinipat ni Santi matapos sabihin iyon kaya napahalakhak naman si Anthony.
"Oh! My bad. You heard us, Lieutenant?" My eyes narrowed at him. Talaga bang kailangan tanongin pa ako? Gago ba siya?!
"Isn't it obvious? The comfort rooms are not soundproof, so what do you think, Officer?" pabalang na sagot ko. Naiinis pa rin.
"I'm sorry ei. Next time I'll tell my girls to minimize their voice while moaning, you might hear us again," sabay kibit nito ng balikat.
I shut my eyes and squeezed it tightly in frustration at malakas na bumuntonghininga. Napapailing akong tumayo at lumabas sa flight deck. Narinig ko pa ang mahinang reklamo ni Anthony bago ako tuluyang nakalabas.
Nagsimula akong mag-check sa mga upuan hanggang sa matapos doon. Namataan ko ang paglabas ni Santi sa flight deck pero hindi ko na ito pinansin. Agad akong lumipat sa isa pang eroplano samantalang nasa ikatlo na eroplano si Alaister at nasa ika-apat naman si Evin.
I shoved my hands in my pocket as I finished the last plane, which is the AD-4681 flight to Milan. Ito ang huling eroplanong ba-biyahe sa araw na ito. Mamaya pa namang alas tres ng hapon ang flight nito pero tinapos ko na lahat dahil may mga darating pa mula sa iba't-ibang flights mamaya.
I tilted my head. These planes are d*mn big and it gives me a tiring moment.
I drew a long breathe bago naglakad pababa sa eroplano. Sa 'di kalayoan ay nakita ko si Alaister na pababa na rin sa isa pang eroplano. Gano'n din si Evin. I walked towards them.
"You're done with the last plane, Lieutenant?" Si Alaister agad ang nagsalita. I nodded at her.
"How's the checking? Wala bang kahina-hinala na napansin niyo?" I glanced Evin at ibinalik ulit ang paningin kay Alaister na nagkibit-balikat.
"As usual, wala naman. It seems like normal. How about you, Cadet Sanchez?" sabay baling ni Alaister sa katabi.
"Nah uh. Just like these past days, wala rin naman. Normal lang din ang mga nakikita ko, Lieutenant."
Tumango ako. Isinenyas ko sa kanila ang bottled water sa 'di kalayoang bench. Sumunod ang dalawa sa akin pero napatigil ako sa paglalakad nang biglang tumunog ang cellphone ko para sa isang tawag.
"Go ahead. I'll just take this call."
Alaister and Evin nodded at me bago nauna ang dalawa. Agad kong kinuha ang cellphone ko at nakitang si Tita Metchelle ang tumatawag.
I flinched a bit. Bigla akong nakaramdam ng kaba sa 'di malamang dahilan.
-
GorgeousYooo ✈️
![](https://img.wattpad.com/cover/217777287-288-k665324.jpg)
BINABASA MO ANG
Soul Of An Airplane- COMPLETED (PUBLISHED Under GSM)
RomansaAviator's Series #02 Synopsis Delaney Adair Monroeville is an airforce that has a cheeky smile and beautiful long legs that you can't help but to notice. A hot Russian babe that boasts a wicked set of baby blues which will keep you captivated. Dela...