KABANATA 07
Ain't Impressed
"Lieutenant Monroeville, this is Officer Motrin from Tower Control room, do you hear me?"rinig kong tanong ng isang personnel sa Tower control room.
"This is Lieutenant Monroeville. Roger, Officer."
Ilang minuto na lang ay magla-land na kami sa DIA Airport. Naka-alert na rin ang Ground Controllers para sa pagdating namin kaya sinisigurado na lang ng nasa Air Traffic Controllers ang pag-landing namin.
"Delta 10 on your recovery time-you are scheduled to land in 10 minutes later." Galing iyon sa ground control room.
"Roger, Officer Millian," agad na sagot ko bago hinanda ang sarili sa pag-landing.
"Captain Sullivan, wait for a minute, we need to let the air force's chopper to land first." Narinig ko sa radio na sinabi iyon ni Officer Millian. Siguro ay ang piloto ito ng eroplano na magla-land kasunod ko.
Agaw-pansin ang pagbaba namin sa chopper at ang pagsalubong sa amin ng iilang tauhan ng DIA. Nagpasalamat ang mga ito dahil sa agarang pagtugon sa request nila para maimbistigahan ang mga banta sa airline na ito.
I roamed my eyes on the Alley at agad napansin ang tatlong eroplanong magkakasunod lang na nag-landing. Hindi ko maiwasang 'di humanga sa mga ito, lalo pa't isa akong piloto.
Aviating becomes my passion. It gives me a different kind of happiness that only pilots can explain. Saya na tanging sa pagpapalipad ko lang nararamdaman. At ang makita ang naglalakihang eroplano ngayon ay hindi ko lubos maipaliwanag ang excitement na nararamdaman ko. Iba ang pakiramdam kapag nakasakay ka lang. At iba rin kung ikaw mismo ang nagpapalipad nito. You can literally feel the cloud9 that they're talking.
Nanatili ang paningin ko sa mga pasaherong isa-isang bumaba na inaalalayan ng mga cabin crews. Ilang minuto lang ang lumipas ay agad kong napansin ang pagbaba ng piloto sa eroplanong pinakamalapit sa gawi namin. May nakatatak na malaking Duke's International Airline sa eroplanong iyon. Agaw-pansin ito dahil hindi ito nagmumukhang simpleng piloto lang, bagkus, nagmukha itong modelo ng eroplano dahil sa tikas nang tayo nito.
I heard some girls giggles. Pero nanatili ang mga mata ko sa pilotong iyon.
Napaigtad ako nang magtama ang paningin namin. Agad akong nag-iwas nang tingin dahil sa biglaang paglakas nang kabog ng dibdib ko.
It was a strange feeling to a stranger.
"This is Second Lieutenant Monroeville, our Pilot Captain."
I was snapped from my thoughts when I heard my name. Kaya binalingan ko si Justine na ipinakilala pala ako sa mga sumalubong sa amin. Bahagya akong ngumiti at agad na tinanggap ang kamay ng kaharap na nakalahad sa akin.
"Engineer Lazada, nice to meet you, Lieutenant," nakangiting saad ng pinakabata sa mga sumalubong sa amin na kaagad kong tinanguhan.
"My pleasure, Engineer." I shook his hand.
"So... Shall we proceed to the area?"
"Yes, please." I nodded.
Lumingon pa ako nang isang beses sa piloto kanina at nakita itong may kausap na na babaeng crew bago tuluyang sumunod sa mga kasamahan.
Habang naglalakad palapit sa main office ng DIA ay namataan ko ang isang agaw-pansin na babaeng piloto na may bitbit na mga luggage. I stared at her because I was mezmerized by her charteuse eyes that is in snob set.
"That is Captain Maisha Arachne Granada..."
Nilingon ko si Engineer Lazada dahil sa binanggit nitong pangalan nasa tabi ko na pala ito at hindi ko man lang napansin. Ang tinutukoy nito ay ang babaeng piloto na tinitingnan ko kanina.
BINABASA MO ANG
Soul Of An Airplane- COMPLETED (PUBLISHED Under GSM)
RomanceAviator's Series #02 Synopsis Delaney Adair Monroeville is an airforce that has a cheeky smile and beautiful long legs that you can't help but to notice. A hot Russian babe that boasts a wicked set of baby blues which will keep you captivated. Dela...