Kabanata 23

511 17 0
                                    

Kabanata 23

Friends

Hindi agad ako nakapunta sa Hospital para masundan si Santi dahil kailangan pa naming siguraduhing ligtas na ang paligid. Justine was talking to the security team habang sina Adonis, Evin, Talia at Alaister ay nagche-check sa paligid. Kasama naman ni Alessia si Avionna sa Hospital.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isip ko kung paano natumba si Santi kanina. Para iyong sirang plaka na paulit-ulit sa pagpi-play sa utak ko.

It hurts me. Hindi man lang agad ako nakasunod para malaman kung kumusta ang kalagayan niya. It was Alessia who’s with him. And I hate thinking about it.

Yumuko ako at pinakatitigan ang mga kamay kong nakahawak sa bote ng tubig na naubos na ang laman. I can see my hands shaking because of the memory flashed on my mind.

Parang bumalik lahat ng alaala sa nakaraan nang bahagyang lumitaw at makita ko ang maliit na tattoo sa right wrist ko na natatabunan ng itim na G-shock ko. Isa itong syringe na may airplane wings at may kulay pula sa loob nito na nagsisilbing dugo.

I sighed.

These memories will hunt me forever.

Muli akong bumuga ng hangin bago tumayo at naglakad palapit sa cooler para kumuha muli ng tubig. Ramdam ko ang uhaw dahil simula nang magsimula ang hostage taking kanina ay lumipas na ang limang oras at ngayon pa lang ako makakainum. I’m draining!

“Kumusta ka na?”

I leaned my back to the wall na nagsisilbing sandalan nitong upuan bago ulit bumuntonghininga.

Alaister sat beside me and leaned her back too. Nasa loob kami ng opisina.

“I’m fine,” maikling sagot ko kay Alaister.

Alaister crinkled up her nose bago ako nginisihan.

“You’re fine, really?” she sarcastically said bago nagpakawala ng malalim na buntonghininga.

I know he don’t believed me.

“Alam mo, Lieutenant, hindi mo naman kailangan na sarilinin lang ang problema mo e. Nandito kami para pakinggan ka. Nandito ako para damayan ka. Nandiyan din si Talia kung kulang pa ako para pagsabihan ng problema mo. You can count Justine and Adonis too… Alam kong may problema ka, you can share it to me. Hayaan mong gumaan ang pakiramdam mo by sharing your problems to me,” Alaister paused. Nanatili lang akong nakatitig sa kawalan habang nakikinig kay Alaister.

“We’re not just your teammates. We are also your friends and family.” I bit my lower lip para pigilan ang pamumuo ng luha ko.

My heart skipped a beat. I am silently in pain. I don’t want to be a burden to them.

“P’wede mo naman akong gawing taga-pakinig mo. I won’t speak unless it’s needed.”

I choked back my tears. My heart is aching so bad thinking about my father. How my mother hurt him. How my father suffered and still suffering because of my mother. Kung paano ako kaapektado dahil sa mga problemang meron ako.

Minsan, naiisip ko na ring siguro isa ito sa mga pagsubok Niya sa akin para lalo kong tatagan ang sarili ko. Si Daddy na lang ang meron ako aside from my relatives.

Ayaw ko mang magtanim ng galit sa puso ko dahil sa ginawa ni Mommy. Pero hindi ko mapigilan. I’m just a human. Napapagod at nauubos din ang lakas na meron ako. Lalo na kung si Daddy ang pag-uusapan.

Thousand words were hidden as I said I’m fine.

“I-I’m…tired,” tanging mahinang usal ko na lang bago ko naramdaman ang sunod-sunod na pagpatak ng luha ko dahil sa yakap ni Alaister sa akin.

I’m tired of pretending. I’m tired. Just simply tired.

“Just cry, Lieutenant. It’s alright not to be fine.”

I let myself cry in Alaister’s shoulder. Mabuti na lang at walang ibang tao dito sa opisina. Tanging kami lang ni Alaister ang nandito sa loob dahil may inaayos pa si Justine sa labas.

Halos kalahating oras kaming nasa ganoong ayos. Hinayaan lang ako ni Alaister na umiyak.

Sobra-sobra akong nagpapasalamat dahil may mga taong katulad pa rin nina Alaister. She’s right, they’re not just a friend but also a family.

“Don’t you want to go to the hospital?” bungad ni Talia sa akin pagpasok nito sa opisina.

Kakalabas ko lang galing sa rest room dahil naghilamos ako at inayos ko ang sarili ko.

“Hahayaan mo na lang bang si Alessia ang nando’n?” dagdag nito. Dumiritso ito sa sofa at padabog na umupo.

“Hindi naman ako kailangan do’n.” Talia sharpened her eyes at me pero nagkibit-balikat lang ako.

I won’t expect that he needs me there. Too much expectation will cause you too much pain.

Soul Of An Airplane- COMPLETED (PUBLISHED Under GSM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon