Chapter 1

57 11 0
                                    


Malayo pa ba? Naiinip na ako." naiinis kong tanong sa kanila.



Alam mo, mag pabuhat ka kay Lucas para hindi ka mainip." sagot ni Ellie sakin.



Inirapan ko na lang siya. Bakit ba kasi kailangan pa namin lakarin ito. Pagod na ako. Dala dala ni Ethan yung map na sinusundan namin. Hindi ko din alam kung saan galing yung mapa na iyon.


Napulot ko lang din yon sa tabi tabi. Kaya sinubukan namin sundan. Sa end of way, may school yun na nakasulat sa mapa. Cypress University ata tawag doon. Nung sinearch namin, wala naman lumabas.


Gustong gusto nila puntahan pati na din ako. Mahilig kasi kami sa hiking so nag try kami puntahan ito. Wala kaming makitang ibang building dito, puro matataas na puno lang. Posible ba iyon? Na yung pupuntahan namin gubat lang ang nasa paligid.


Iniisip mo diyan?" tanong sakin ni Hanna.


Wala. Iniisip ko kung paano mawawala yung pagod ko." malditang sagot ko.


Paulit ulit. Mag pabuhat ka nga kasi ka Lucas para mawala pagod mo, duh." maarteng sabi ni Ellie.


Si Lucas. Lucas Torres crush ko. Ilang beses na ako bumanat sa kaniya pero no effect. Sinasayang ko lang din oras ko sa kaniya,  minsan naisip ko hindi ko siya kakausapin, pero dahil nga marupok ako. Kinausap ko na lang.


Malapit na tayo." pag inform samin ni Ethan.


Siya kasi may hawak nung mapa. Siya din sinusundan namin, siya yung nag li-lead ng way.


I'm so excited." tumatalon talon pa si Ellie sa sobrang excite.


Walang nag tanong." sarkastikong sagot ko, inirapan lang niya ako.


Moody mo ngayon." sabi ni Lucas sakin habang tumatawa.


Kelan ba hindi naging moody yan?" pag eepal ni Aria.


Papunta pa lang tayo, itsura niyan parang gusto ng gulo." pang aasar sakin Hanna.


Nakakapagod kasi! Wala na nga kami tubig ang layo pa ng pinupuntahan namin. Eto na ata yung worse hiking na naranasan ko.


Sa wakas. Sa sobrang layo ng nilakad namin nadating na din namin. Medyo nakakakilabot yung paligid. Ang taas ng gate, at may nakalagay na Cypress University. Medyo mabaho ang paligid.


Wow." namamanghang sabi ni Lucas.


Pwede pumasok na tayo? Kanina pa kayo diyan." maarteng pag aaya samin ni Ellie.


Mamaya na mamaya sabihin pa nila trespassing tayo." pag pigil samin ni Hanna.

Inaantay namin na may lumabas na ibang students, pero wala. Medyo nakakainip din. Hindi din nag tagal may lumabas na mama, medyo mahaba yung balbas niya at puti ang mga ito.


Baka mang kukulam yan ha." pananakot ni Lucas.


Tinitigan namin siya ng masama dahil sa sinabi niya. Sana hindi narinig nung mama yung sinabi ni Lucas. Lumapit kami ni Ellie sa mama at ngumit kami kahit nakakakaba yung tingin niya.


Ano ang mapag lilingkod ko sa inyo, ire?" tanong ng mama samin habang tinitignan kami isa isa.


Uhm, school..po ba ito?" nauutal na tanong ko, kinakabahan ako sa tingin eh.


Baka mang kukulam talaga ito.


Mang kukula-" hindi natuloy ni Lucas ang sasabihin niya nang batukan siya ni Ethan.


Evil Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon