Chapter 5

18 6 0
                                    


Agad akong tumakbo pababa dahil sa sinabi ni Ellie sa akin. Ako ang nag paplano na pumatay sa nag tangka sa akin pero naabutan ako. Muntik na ako madapa dahil ang dami nakakabunggo sa akin dahil nag tatakbuhan, papunta sa lalaki na patay.

Agad akong napatakip sa bibig ko nang makita kong puro hiwa ang kaniyang bewang, punit punit ang damit niya dahil sa patalim na tumama sa kaniya.

A-ano nangyari?" nauutal na tanong ko.

Sino pumatay?" narinig ko na sinabi ng isang student.

Tumingin ako sa paligid, hindi ko matagpuan ang mga lalaki kong kaibigan. Hindi ba't sila ang maaring pumatay? Hindi. Mali. Mali ang iniisip ko alam kong hindi nila magagawa ito.

Tumakbo ako para hanapin sila. May nabunggo ako na lalaki, si Liam. Hindi siya sumulyap sakin, nakatingin lang siya ng seryoso sa bangkay. Hindi na ako nag salita o nag tagal at tumakbo na ako papunta sa dorm.

Pag kapasok ko sila ang nakita ko, tila ba kinakabahan at pinag papawisan.

B-bakit?" naluluhang tanong ko.

Nanlaki mata nila nang makita akong umiiyak, tumakbo silang tatlo papunta sakin pero agad ko din silanh tinulak.

Kayo ba!? Kayo ba ang pumatay!?" sigaw ko sa kanila.

A-ava.." sinubukan akong lapitan ni Lucas pero agad ko siyang tinulak.

Hindi namin alam ang sinasabi mo, Ava." nakakunot na sabi ni Ethan.

Utang na loob! Wag na kayong mag sinungaling! Pagod na pagod..na pagod..na ako." napaluhod ako sa iyak.

Ava." lumuhod si Lucas at niyakap ako, hindi ko na siya matulak dahil nanghihina na ako.

Bakit niyo..ginawa?" naiiyak na sabi ko habang seryoso akong nakatingin sa kanila.

Hindi nga kami, Ava." naiinis na sambit ni Sebastian.

Kung hindi?SINO!? Sino pa ba ang pwede gumawa?Tayo tayo lang mag kakaibigan dito! Sino pa?..sino ba?..wag niyo na ako lokohin parang aw-"

FUCK AVA! HINDI NGA KAMI! NAKAKAINTINDI KA BA?" sigaw ni Sebastian.

Hindi ko alam kung ano pa ba ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung sino pa ba ang paniniwalaan ko.

Sebastian!" galit na pag pigil ni Ethan kay Seb.

KUNG PAPATAY MAN KAMI! PARA SA KALIGTASAN NIYO AT NATIN!" sigaw ulit ni Sebastian sabay alis.

Bumuhos ang luha ko na napigil dahil sa pag sigaw ni Sebastian. Ngayon lang siya sumigaw ng ganito sakin. Sinundan siya ni Ethan at tinapik ang braso ni Lucas bago siya sumunod kay Seb.

Tinayo ako ni Lucas at pinaupo sa sopa. Kinuhanan niya ako ng tubig. Tumabi siya sakin, pero lumayo din ako

Ava." nag pakawala siya ng malalim na hininga.

Pumikit ako ng mariin dahil gusto ko muna mapag isa. Tumayo ako at iniwan siyang mag isa doon. Ayoko muna ng kasama. Gusto ko ako lang muna ngayon.

Ang daming tanong na pumapasok sa aking isip na, bakit? Bakit nila ginawa iyon? Gusto ko sila paniwalaan pero hindi ko magawa. Hindi ko kaya.

Napapatingin sa akin ang ibang tao at nag tataka kung bakit ako umiiyak. Hindi ko sila pinansin at dere-dretso lang ako lumakad.

Ah!" napahawak ako sa noo ko nung may nabangga ako.

Si Liam. Bakit sa tuwing mag kikita kami, laging banggaan?

Sorry." panghingi ko ng umanhin.

Did you cry?"seryosong tanong niya.

Evil Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon