Chapter 10

11 5 0
                                    


Are you okay?" seryosong tanong sakin ni Liam habang nakaupo kami sa secret garden niya.


Pwede na.." sagot ko habang nakatingin sa taas.


Isang linggo na din ang nakalipas simula nang malaman ko na si Ellie ang pumatay. Ewan ko ba, hindi ko alam naguguluhan na din ako. Kaya ko naman protektahan sarili ko. Hindi ko sila kailangan para protektahan ako.


Nasa panganib ba buhay ni Ellie?" malungkot na tanong ko. Humarap siya sakin at hinawakan ang mag kabilang braso ko.


Ako bahala. Hindi ako papayag na may mangyari sa inyo."


Kasi ganito. Baka yung mga kaibigan nung pinatay ni Ellie baka pag tulungan siya. Kaya ko naman kasi sarili ko. Hindi ko sila kailangan para protektahan ako. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na nagawa niya yon. Hindi ko alam. Maarte at ma attitude si Ellie pero alam kong hindi niya kayang gawin yon. Hindi ba baka may nang blackmail sa kaniya kaya niya ginawa yon?" sunod sunod na sabi ko.


I told you, leave this problem to me."


Bakit? Ugh! Hindi ko na alam!" sinabunutan ko sarili ko dahil gulong gulo na ako.


Ms. Ford, kaya nga kita dinala dito para kalimutan mga problema mo."


Hindi na ako sumagot. Pumikit na lang muna ako at nag relax. Sinubukan kong kalimutan muna lahat lahat. Sinubukan ko munang mag pahinga.


Nagising na lang ako sa pag 'meow' ng pusa na lumakad padaan samin. Tatayo na sana ako nang naramdaman kong may nakahawak sa bewang ko at sa aking mga kamay. Nang sinubukan kong tignan, nakita ko na masarap ang tulog ni Liam habang hawak ako. Napangiti na lang ako sa pwesto namin.


Hindi. Hindi ko dapat nararamdaman ito eh. Pero wala talo. Sobrang lalim na ata ng hulog ko dito hindi ko na kayang akyatin. Tinitigan ko siya sa mata niya, sobrang pogi. Sinubukan kong kumalas sa pag kahawak niya sakin. Tatayo na sana ako nang hilahin niya ako pabalik at niyakap ng sobrang higpit.


I hope we stay like this forever, because my heart really likes you." bulong niya habang nakayakap siya sakin.


Uh,." hindi ko alam sasabihin ko.


Nag init pisngi ko sa sinabi niya. Nananaginip ba siya o gising siya. Jusmeyo ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganitong kilig. Hindi ko din ito naramdaman kay Lucas, jusq tulungan niyo ako ang lalim na ng pag kahulog ko.


Nanaginip ka ba?" tanong ko habang nakatingin sa mga mata niyang nakapikit.


Hindi." walang emosyong sagot niya.


Uhm..ano..let's go?" awkward kong tanong.


Kasasabi ko lang diba? I hope we stay like-"


Tara na Liammm!" hinihila ko yung kamay niya para tumayo siya. Hindi talaga siya tumatayo. "Bahala ka diyan." naiinis na sabi ko.


Hindi din nag tagal tumayo na din siya. Hindi siya makatingin sakin kung nag tatama minsan mata namin iiwas din siya. I hate this awkward atmosphere, huhu. Tumatawa na lang ako minsan kapag naiilang siya sa tingin ko.


Nag punta na kami ng office. Pag kapasok namin nandon ang 2 gang nakaupo. Sabay sabay silang napatingin samin na parang prinaktis pa sa sobrang sabay sabay. Ngumiti na lang ako at pumunta na sa table ko. Naiinis nanaman ako kay Gavin na nakatingin sakin pabalik kay Liam. Inirapan ko na lang siya at inabala ako sarili ko sa pag aayos ng gamit kahit wala naman akong aayusin.


Evil Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon