S-si Ellie? Nasaan?" natatarantang tanong sakin ni Ethan.
Kwinento ko na lahat sa kanila ang nangyari. Kaba pa din ang nararamdaman ko dahil hindi ko kakayanin na mawala si Liam.
O-okay lang siya, wag kayo mag alala." pag papakalma ko sa kanila.
Si Presidente?" tanong ni Hanna sakin. "Tsaka si Gavin? K-kamusta?"
Okay si Gavin. P-pero si Liam." napiyok nanaman ako dahil sa pag iyak ko.
Agad silang lumapit sakin para yakapin. Si Lucas ay kumuha ng tubig para ipainom sakin. Hindi mawala sa isipan ko kung anong itsura niya kanina habang walang malay. Mas lalong bumubuhos ang luha ko dahil sa sinabi ni Doktora Candice na posible na hindi na makaya ni Liam.
Kilala mo si Presidente. Makakaya niya yan." pag papakalma sakin ni Aria.
Mabuti pa mag pahinga muna kayo. Dito na kaming tatlo matutulog." sambit ni Sebastian habang inaayos ang kama namin.
Tumango na lang ako at dumeretso na sa kama ko. Nagamot na nila ang hiwa ko sa kamay. Buong gabi na lang ako umiyak. Halos lahat na yata ng tubig sa katawan ko nailabas ko na kakaiyak. Nakailang tayo ako para pumunta sa kusina at uminom. Hindi din nag tagal ay nakatulog na ako.
Gumising na kayo." nagising ako sa lakas ng boses ni Lucas.
Dinilat ko ang mata ko at nakita ko na handa na ang pagkain. Natuwa ako kasi hindi naman nila kayang mag luto pero masarap ang kinalabasan.
Sarap." sambit ko habang nakangiti sa kanila.
Bilang guy bestfriend niyo.." turo niya saming tatlo nila Hanna at Aria. "Kung may problema kayo, nandito kami para pagaanin ang loob niyo."
Thanks, Seb." ngumiti ako sa kaniya at ginulo ang buhok niya.
Dalawin na lang natin mamaya sila sa clinic." sabi ni Ethan.
Tumango na lang kami at pinag patuloy na ang pagkain. Sa tuwing nakikita ko na nakangiti sila, halos lahat ng problema ko nawawala at gumagaan ang pakiramdam ko. Pag katapos ko kumain ay iniwan ko muna sila sa hapag at dumeretso sa kusina para mag toothbrush. Nabagsak ang hawak na plato ni Hanna nang may biglang kumatok ng malakas sa pinto namin.
Kung makakatok kala mo may sunog." inis na sambit ko habang pinupunasan ang bunganga ko.
Lumakad ako papunta sa pinto at binuksan ito. Nabagsak ako sa sahig sa sobrang lakas ng sampal sakin ni Celine.
What the fuck!" sigaw ko.
Gago ka? Inaano ka ba?" inis na sambit ni Lucas habang lumalapit sakin.
Ako gago? Baka siya." turo niya sakin.
Ano ba ginawa niya sa'yo?" nangigigil na sabi ni Hanna na onti na lang hihilahin na niya ang buhok ni Celine.
Calm down, Hanna." sabi ni Aria.
Ramdam ko yung hapdi ng pisngi ko sa lakas ng pag kasampal niya sakin. Tumayo ako at pinag pagan ang sarili ko.
Ano ba problema mo?" mahinahong tanong ko.
D-dahil sayo!" turo niya sakin habang tumutulo ang luha niya. "W-wala na si Liam..dahil sayo."
Napaawang ang labi ko sa narinig ko. Parang nabingi ako at nawala sa sarili ko. Napaluhod si Celine sa sahig habang ako hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
BINABASA MO ANG
Evil Love
Mystery / ThrillerInside the Cypress University, it's legal to killed someone you hate.