Chapter 19

19 4 0
                                    


Hey, you know? I miss you so much. Ang duga mo kasi eh.." pinunasan ko ang luhang tumulo mula sa pisngi ko. "bakit mo ako iniwan? Gabayan mo na lang ako mamaya ha. Ayoko pa sumunod sa'yo." tumawa ako habang hinihimas ang puntod ni Liam. "Sige, mag hahanda pa ako."


Nag lakad na ako paalis. Pag dating ko sa dorm ay nag hahanda na ang mga kaibigan ko, dahil mag sisimula na ang sobrang delikadong oras ng 30 mins. Kanina ko pa iniisip kung sino o anong pangalan ng papatayin ko. Medyo kinakabahan ako dahil baka habang pumapatay ako, may sumaksak bigla sa likod ko.


Mag ingat kayo ha." paalala ko sa kanila.

No matter what happened, sama sama lang tayo. Kung kinakailangan mang mag hiwalay hiwalay tayo mag hiwalay tayo, pero mag iingat kayo." seryosong sabi ni Ellie

Seryoso na si ateng!" pang aasar ni Hanna.


Tatlong patalim ang dala ko at inipit ko sa gilid ko. Yung bigay ni Liam ang una kong gagamitin sa pag papatayan, dahil matibay at sobrang talim. Pumunta ako sa dorm ng boys, nag hahanda na din sila.


Ready?" tanong ko.

Mamaya na tayo bumaba. Pag tumunog na ang kampana." sambit ni Ethan.


Tumango na lang ako at bumalik na sa dorm namin. Umupo muna kami habang inaantay ang kampana. Nag usap usap muna kami ng kung ano ano.


Shit. Ayan na." nag panic ako bigla nang umalingawngaw ang kampana.


Matagal huminto ang kampana. Agad naman kaming tumayo para lumabas. Sama sama kaming bumaba at nag kalat na ang mga nakaitim na lalaki. May hawak na pulang papel. Ang iba ay naka handa na ang mga patalim. Nakita ko ang dalawang gang na may hawak na 2 patalim.


Ingat!" sigaw ko sa kanila.

Kayo din!" sigaw nila Gavin.

This is it." nakangising sambit ko.


Hindi ko alam kung bakit parang sumaya ako bigla. Hindi ko mabilang kung ilang mga itim na lalaki ang nakakalat, sa pag kahula ko baka nasa 100 daan pataas sa dami nila. Marami nang nag sisimulang mag patayan.


Ukininam!" sigaw ko nang muntik akong sumubsob nang may idikit sakin sa likod.


Ferdinand Fernandes. Agad akong tumakbo at hinanap ko sa board para makita ang itsura ng lalaki. Agad akong nag lakad para mahanap siya. Nahihirapan ako sa paglakad dahil siksikan na. Nahiwalay na ako sa mga kaibigan at hindi na ako nag abalang hanapin pa sila.

Marami silang ididikit na papel sa likod kapag napatay mo na ang dapat mong patayin. Muntik na akong masaksak sa likod kung hindi ko lang siya nasiko sa ilong. Agad kong kinuha ang patalim na binigay sakin ni Liam, at sinaksak ko sa bewang niya.


Gago ka." inis na sabi ko sa kaniya.

Ikaw ang gago, papatayin kita kahit anong mangyari." nakangising sabi niya.

Hindi na. Unahin na kita."


Tatlong beses ko siyang sinaksak at tumalsik ang dugo niya sa pisngi ko. Wala na akong oras para matakot sa ginawa ko, hinanap ko na ang lalaki.


Shit!" napatakip ako sa bibig ko nang makita ko ang lalaking dapat na papatayin ko na nakabulagta na sa sahig.


Nandito ako ngayon sa likod ng university, ang daming taong nakabulagta. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mga kaibigan ko na papunta din sa pwesto ko.


Evil Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon