Chapter 2

26 9 0
                                    


Isang linggo na din ang nakalipas nandito pa din kami. Gabi gabi ako nag dadasal na sana makalabas na kami dito. Ako ang unang nagising sa kanila mag luluto ako ng egg and bacon. Yun lang naman ang alam kong lutuin eh.

Hindi ko muna sila ginising habang hindi pa luto ang almusal namin. Bumukas ang pinto at pumasok si Ethan at Lucas.

Saan si Seb?" tanong ko.

Tulog pa." sagot ni Ethan.

Umupo si Ethan sa sopa habang nakatingin kay Ellie, si Lucas lumapit sakin para tulungan ako.

May bagong chef kami ha." pang aasar ni Lucas sakin.

Tinapik ko ang buhok ko at tinignan siya.

Gusto mo mag paturo?" tanong ko.

No thanks." sagot niya.

Siya na ang nag handa ng plato at kanin. Gising na din si Ellie at Hanna, hindi pa din gising si Aria. Pag katapos kong mag luto ginising ko na si Aria.

Babyyy! Gising na." inalog alog ko siya para magising siya.

Eto na." sagot niya.

Kumain na kami at si Lucas ang nag hugas. Sinuot na namin yung uniform namin. Ako lang pala ang mahihiwalay sa kanila.

You sure, you okay?" nag aalalang tanong ni Ethan.

Yep. Don't worry."

Medyo. Medyo nakakakaba, pero okay lang. Bakit kasi may pahiwalay hiwalay pa ng room eh. Suot ko yung fitted na long sleeves, and violet na palda na above the knee.

Sa boys is blue yung pambaba and short sleeves ang pantaas.

Sabay sabay na kaming pumasok, nag hiwalay hiwalay lang kami nung mag i start na ang klase. Dumeretso muna ako sa cr, okay lang kahit malate ako. Nag re-touch lang ako ng onti.

Habang nag huhugas ako ng kamay may babaeng pumasok dadala niya ang cr pass. Ang kapal ng blush-on niya and red lipstick niya.

What's your name?" malditang tanong niya.

Ava Gwen Ford." sagot ko.

Totoo nga na may bubwit na bago dito." bulong niya.

Excuse me? Stop trashtalking me." sabi ko habang nakataas ang kilay ko.

Ayoko mag kagulo lalo na at baguhan lang kami dito. Lumabas na ako at padabog ko na sinara ang pinto. Habang dala dala ko yung body bag ko. Nahulog yung laman ng mga iyon kaya natagalan pa ako bago pumasok sa klase.

Ang dami pa naman laman ng bag ko. Habang inaayos ko yunh bag ko nakita ko na may palakad at inapakan yung liptint ko, at natapon.

WHAT THE HELL!" sigaw ko.

Tumingin ako kung sino iyon. Si Liam! Yung presidente! Siya nanaman, nakakabwisit.

Yung liptint ko, huhuhuhu." naiiyak na sabi ko.

What time is it, Ms. Ford." seryosong tanong niya.

Eto na lang yung lipti- Aray!" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang hawakan niya ng mahigpit yung braso ko.

Lumulubog na ata yung kuko niya sa sobrang kapit niya sakin.

A-aray..pakibitawan na p-please." naiiyak na ako sa sakit.

The rule 3 is do not be late at class." sabi niya.

S-sorry.. aray!" namamalipit na ako sa sakit.

Evil Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon