Chapter 9

15 6 0
                                    


He cares naman pala sa iyo eh!" malanding sabi ni Ellie, habang tinatanggal niya ang make up sa mukha niya.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Liam kanina, He cares? Hindi ko alam. Si Lucas nasa room na nila, pinapakalma nila Ethan. Nakaramdam ako ng init sa mga pisngi ko habang iniisip ko ang nangyari kanina.

Ikaw tatanungin ko ha." lumapit sakin si Hanna at tinignan ang dalawang mata ko. "May gusto ka ba kay Presidente? Hindi bilang presidente, bilang Liam. Liam Carter."

Wala."

We know your galawan, sa pag tingin mo pa lang sa kaniya halata na na may gusto ka sa kaniya." maarteng sabi ni Ellie.

Okay lang naman na magustuhan mo siya eh, pero kung sakali maging kay-"

Aria! Ang dami mong alam!" pag putol ko sa sinabi ni Aria.

Wait! I'm just explaining. Kung sakali nga na maging kayo, maraming hahadlang sa relasyon niyo." paliwanag ni Aria sabay buntong hininga.

Tumayo ako at lumakad papunta sa kusina para kumuha ng tubig. Tama nga naman, maraming hahadlang sa amin. Lalo na yan si Francine. Muntik ko nang madura yung tubig sa bunganga ko nang may sabihin si Ellie.

Gusto ko siya para sa iyo, mapagkakatiwalaan ko siya para sa iyo." nakangusong sabi niya. "Alam ko naman na tatanungin mo kung paano ko nasabi, diba? Well, kanina diba nga sabi mo pawis na pawis siya? Isa lang ibig sabihin non, binantayan niya yung nag tangkang mang lason sayo. Kakilig kaya non! Mala teleserye pa kayo!!" sunod na sunod na satsat niya.

Pero hindi niya sinabi kung sino nagtangkang mang lason sa iyo diba?" tanong ni Aria.

Baka naman kasi ayaw na pag alalahanin ni Liam este Presidente si Ava, kaya siya na ang bahala doon." paliwanag ni Hanna.

Matulog na tayo!"

Pinatay ko na ang ilaw at humiga na. Hindi ko talaga matanggal sa isip ko na nag aaway yung dalawang lalaki dahil sakin? Pangalawang beses na to ha! Hays. Ayoko. Ayoko umasa. Mamaya pafall lang pala si Liam eh, sapakin ko siya eh.

What the fuck." bulong ko sa sarili ko dahil ang dami kong iniisip na walang kwenta.

Nakailang pwesto na ako hindi parin ako makatulog. Parang gusto ko na lang gumala sa labas kahit Bloody Hell Night na, buti na lang illegal amg pagpatay kanina during Acquaintance Party.

Nagising ako sa liwanag ng araw na nangagaling sa bintana. Napasarap ang tulog ko ngayon ha! Pag tingin ko sa paligid ko wala na mga kaibigan ko, aga nilang wala eh wala naman pasok. Tumayo na ako para mag hilamos, muntik na akong madulas nang tumingin ako sa orasan.

12:30 pm!?" sigaw ko. "Shit. Shit."

Agad akong nag hilamos at nag toothbrush hindi na ako naligo nag pabango na lang ako. Sobrang late na ako sa pagiging secretary ko, huhuhu handa na ako mamatay. Hindi ko na din plinantsa yung unif. ko dahil hindi naman masyadong lukot. Nag suot na ako nang sapatos at tumakbo na palabas.

Nakasalubong ko sila Ethan at Lucas na pabalik pa lang sa dorm nila. Hindi ko na sila pinansin at patuloy lang ang pag takbo ko. Nagtataka siguro mga estudyante na nakatingin sakin kung bakit ako natakbo. Ang layo pa naman ng office ni Liam sa dorm ko!

Mas lalo akong natagalan dahil sa mga siksikan at takbuhan ng mga estudyante. Natapilok tuloy ako! Nanlaki mga mata ko nang makita ko ang pinag kakaguluhan, isang babaeng patay. Hinayaan ko na lang iyon dahil aalisin naman na at baka galing na si Liam dito.

Evil Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon