Day 30

7 0 0
                                    

Dear diary,

Si Nana Ester ito. Ako na naman ang sumusulat dahil biglang inatake si Jasmine kanina. Tatlong araw na siyang sunod sunod na inaatake at natatakot na kaming lahat. Ngayon tulog ang alaga ko.Tinurukan siya ng maraming gamot kanina para mawala ang sakit at kumalma na siya pero halata sa mukha niya ang bakas ng luha at sakit na iniinda. Alam na alam ko na sinusubukan niyang lumaban, hindi siya nagpapakita ng kahit ano mang magpapahina ng loob ng mga magulang niya, alam ko kung gaano siya nagtitiis. Madalas, tuwing gabi ay rinig na rinig ko ang inda niya ng sakit at pagtago ng mga hikbi para hindi malaman ng mga magulang niya. Napakabuti ng batang ito, kaya bakit siya pa?

Sabi ng Doctor ay mas lalong bumilis ang pagkalat ng mga cancer cells sa kanyang utak at kahit sila ay hindi na maigagarantiya kung makakaabot pa ng isang taon o ilang buwan si Jasmine. Hindi na nila alam kung hanggang kailan makakaya ng katawan ni Jasmine. Lahat kami ay parang nawalan ng lakas sa napakasamang balita. Hindi magtigil ang bawat isa sa pag-iyak lalo na ang mag-asawa. Si Dominic naman ay mahinang umiyak na lamang sa isang gilid. Bakit kailangang maranasan ito ni Jasmine?

Kung nakikita niyo lang siya ay malamang, maiiyak kayo sa awa para sa batang ito. Kinakaya niya, lumalaban siya pero sa tuwing inaatake siya ay kitang kita namin kung gaano siya naghihirap. Sinong mag-aakala na ang masiyahing batang ito ay may stage 4 cancer at magkakaroon ng isang napakapangit na tadhana? Nariyan ako simula noong bata siya, ako na ang nag-alaga sa kanya sa loob ng dalawampung taon at parang anak ko na ang batang ito. Paano ako magpapatuloy kung kukunin niyo siya sa amin? Paano magpapatuloy sina Edison at Marie, paano ang mga kaibigan niya, paano si Dominic, at paano nalang ang mga pangarap ng alaga ko? Huwag niyo naman kunin si Jasmine si amin! Pakiusap, huwag po!

                -Nana Ester (July 14, 20XX)





*







_____________________________________
A/N:
Please play media above!
Song: Keep Holding On by Avril Lavigne💗
(Sino nakapanood ng Bridge to Terabithia? I love this movieeeee)

Btw, sa una I decided to write this diary entries story kasi para brief lang pero kahit ganon i'm getting carried away din. Thank you for reading😊

Her Last 50 Days (Completed)Where stories live. Discover now