Day 25

8 0 0
                                    

Dear diary,

Si Nana Ester ito ni Jasmine. Hindi siya makakasulat sayo ngayon kaya ako ang sumulat. Minsan niya na akong hiningan ng pabor na kung sakali mang hindi siya makakasulat sa diary niya sa kadahilanang hindi niya na kaya ay ako nalang daw ang sumulat para sa kanya. Nangako daw siya kasi sa sarili niya na bawat araw ng buhay niya ay itatala niya bilang memorya. Sa mga oras nato ay tulog na ang alaga ko pagkatapos siyang turukan ng pain reliver at kung ano-anong gamot ng doktor kanina. Inatake na naman siya ng sakit niya. Nagkaroon siya ng matinding pananakit ng ulo na parang nabibiyak daw ito at umiyak siya ng sobra habang hawak hawak ang ulo. Hindi rin siya makatayo dahil hindi raw klaro ang mga nakikita niya. Umiiyak lang siya habang humihingi ng tulong sa sakit. Lahat kami ay hindi alam ang gagawin liban sa umiyak pati na si Dominic. Alam kong hindi man niya sabihin ay napalapit na ito sa alaga ko. Nagpapasalamat ako na nakilala ni Jasmine si Dominic kahit papaano ay napapasaya niya ito. Habang patuloy sa pag-iyak sa sakit si Jasmine ay hindi niya ito iniwan hanggang sa makatulog. Sina Edison at Marie naman ay hawak hawak ang kamay ng anak. Nasasaktan ang lahat lalong lalo na si Jasmine.

Awang awa na ako sa alaga ko. Nahihirapan kaming nakikita siyang nahihirapan. Kung sana may himala, wala akong hihilingin kundi ang gumaling siya. Mahal na mahal ko ang batang ito. Napakabata niya pa para dumanas ng ganito!

-Nana Ester ni Jasmine (July 09, 20XX)




*






_____________________________________
A/N:
I feel sad writing this as well. Napa english tuloy. Love you Nana Ester😘

Song: Death Bed by Powfu ft. Beabadoobee💗

(I really like this song, lowkey pero masakit)

Her Last 50 Days (Completed)Where stories live. Discover now