Dear diary,
Nandito na kami sa resort, kumain kami kanina pagkarating at nilagay ang mga gamit namin sa rooms. Nagpicture taking sa dagat kasama ang parents niya, naglaro ng tubig sa dalampasigan at nag-usap. Sa dalampasigan lang kami dahil hindi pwedeng sumulong sa dagat si Jasmine.
I chose to stay with Jasmine's room for the next two days. Hindi naman nagalit sina tita na sasamahan ko si Jasmine sa kwarto niya. Mas mapapanatag ako pag nasa tabi ko siya. We stayed at the beachfront for quite long noong gumabi na after the dinner, pumasok lang kami nung mga 10 pm na. I made a small bon fire and we stayed there talking about our ill-fated love story. Nagpasalamat na naman siya sakin na kung tutuusin ay ako dapat ang magpasalamat sa kanya for letting me spend the rest of the days with her. Mahal na mahal ko ang babaeng to! Matagal ang hinintay ko para sa oras nato and I'll cherish every remaining time with her. I'll do my best to make her happy.
Hindi na siya masiyadong nakakalakad. Hirap na hirap na si Jasmine at konting trigger lang ay bigla bigla nalang siya umiiyak sa sakit ng ulo niya. Masakit sobra! Masakit ang makita siyang ganyan! Marahil tama nga ang sabi nilang may mga tao talagang pinagtagpo ngunit hindi itinadhana.
With our case, we may not end up with each other but she will be the best memory of my heart. I might be able to move on someday but my heart will always remember her. My heart will always allocate a part for Jasmine Jade Alvarro.Bucket list checked:
✓20. Family bonding in a beach-Dominic (August 01, 20XX)
*
_____________________________________
A/N:
Please play media above.
Song: Hindi Tayo Pwede by The Juans❣️2 pages left.
YOU ARE READING
Her Last 50 Days (Completed)
Ficção AdolescenteWelcome to the diary of a dying lady. (Diary-entry type short story) HER LAST 50 DAYS GENRE: TEEN FICTION/SHORT STORY WRITTEN BY: ETHERNICA STARTED: 6|15|20 ENDED: 07|01|20