009

79 17 2
                                    

Wednesday came and I don't feel any nervousness right now. Sana nga lang ay magtuloy-tuloy ito hanggang mamaya.

Kung class report lamang iyon ay wala na akong mararamdaman na kaba lalo pa't sanay naman na ako. Kahit ng highschool pa lamang kami ni Kit ay ako na ang madalas naatasan mag-report ng mga naging ka-grupo ko pero ibang usapan na kung pagsayaw ang pag-uusapan. It wasn't really my forte.

"May 1/4 ka ba?" tanong ni Kit kaya naman ay napalingon ako sa kanya.

"Hindi ka rin pala nakikinig," naiiling na sipi niya.

"May quiz tayo, Ven," mahina niyang saad.

Nang magsimula nang magbilang si ma'am ay dali-dali akong kumuha ng papel at binigyan si Kit at ang iba pang humihingi ng papel.

The quiz went well. I also answered the questions perfectly. Medyo kinabahan nga rin ako kanina dahil medyo hindi ako nakikinig sa lesson. Good thing, I always study in advance.

"Believe talaga ako sa inyong magkaibigan. Ang talino niyong dalawa. Sa susunod pagaya ako ah," birong saad ni Wanda na siyang katabi ko sa BCOM. Yet, I know it was half meant.

"Naku, Wanda. Asa ka pa, hindi iyan magpapagaya," ani Kit at nakuha pang tumawa. It is true, though.

Nakakainis nga ang mga ganyang ka-klase. I mean, if someone doesn't want to share their answers, they should learn to respect that. Ang iba kasi ay nagagalit at kung ano-ano pa ang pinagsasabi. Kesyo madamot daw at masyadong grade conscious kaya ayaw malamangan.

Ilang beses ko na rin iyan naranasan at narinig lalo na ng highschool. Isa sa dahilan kung bakit hindi ako naging malapit sa iba.

Pinaghirapan ko ang bawat markang nakukuha ko. Why do they only saw my achievements but never my sacrifices? Then, they still have the guts to judge me by it.

It is not because I am a selfish person. Naniniwala lang kasi talaga ako na dapat pinagiigihan ang isang bagay lalo na kung gusto itong makamtan. Everybody wants good grades or high grades but most are not willing to work hard on it. I have nothing against them dahil buhay naman nila iyan pero sana respetuhin din naman nila ang kagustuhan ko.

Nang ma-realize ko na papalapit at papalapit na ang PE ay doon na ako kinain ng kaba. Sinasabi ko na nga ba at baka atakehin ako nito ngayon.

I could not even bring myself to smile.

"Kinakabahan ka?" tanong ni Kit.

I simply nodded.

"Sabagay. Parehas kaliwa ang paa mo eh," aniya at nakuha pang tumawa. Binigyan ko siya ng isang matalim na tingin.

"Hindi ka nakakatuwa."

"Oo. Titigil na," wika niyang muli pero pinipigilan pa rin ang pagtawa.

Inirapan ko na lang siya. Kahit kailan talaga ay napaka-alaskador ng kaibigan kong ito. Hindi ko nga sukat akalain na magiging malapit kami sa isa't isa.

Naalala ko pa tuloy ang una naming pagkikita.

We were grade seven back then in this same university. Nasa junior high building nga lang kami ng pagkakataong iyon.

Tahimik talaga ako ever since. Hindi rin palakaibigan. Marami rin kasi ang nagagalit sa akin lalo na kapag halos karamihan ng kaklase ko ay bagsak ngunit mataas naman ang nakuha kong marka. They are somewhat blaming me when they fail.

I don't get them why. If they fail, the only way to get back on track is to study harder, not blaming the ones who got a higher score than you. It just means that they study a little less for them to fail.

Don't GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon