One of the most painful thing in life is being left without knowing the reasons why.
Pagpasok ko sa room ay umupo na ako sa tabi ni Kit. Dahil hindi na rin naman kami nag-iiwasan kaya minabuti kong tumabi ng muli sa kanya. Just like my normal routine, I put out my handouts and started answering. Dumating na rin si Kit few minutes later. We exchange our greetings as he proceeded to study too.
Nagsimula na ring dumami ang mga tao sa loob ng room. Napatingin ako sa aking kaliwa pero hindi pa rin dumadating si Lay. Maybe ay late lang siya. Minsan talaga ay na-le-late rin ang lalakeng iyon.
I texted him to ask kung nasaan na siya dahil nasa loob na ng room si ma'am Avila. Sayang naman ang points kung hindi siya makakahabol sa quiz.
"Ok. Get one-half crosswise," ani ma'am as we all prepare for our everyday quiz.
Natapos na ang quiz pero wala pa rin si Lay. I looked at the door dahil baka naroon na siya pero wala pa rin. I checked my phone to know if he replied; however, there's still none. I texted him again before I bring my attention to the discussion.
Hanggang sa mga sumunod naming klase ay wala rin siya.
Nagsimula na akong mag-alala dahil baka mayroong nang nangyari sa kanya dahil hindi naman siya pala-absent.na tao. But then, baka may importante lang siyang ginawa.
I immediately dialled his number nang dumating ang vacant namin pero katulad kanina ay out of reach pa rin.
I shouldn't be paranoid. He has reasons why he didn't attend our classes. Kung anuman 'yon ay hindi ko alam pero siguradong importante iyon.
"Baka may emergency lang siya," saad ni Kit nang tumingin siya sa akin.
Tumango naman ako sa kanya. "Baka nga. Sige, aral na ulit tayo."
He nodded then we continued studying.
The next day came yet there is still no Lay in sight. Nag-aalala na ako dahil hindi naman siya ang tipo ng taong nag-a-absent. Sigurado akong may dahilan siya pero gaano ba kahalaga amg dahilan na iyon para bigla na lang siyang hindi magparamdam. Hindi ko na rin naman siya sinubukang tawagan at i-text pagdating sa bahay kahapon dahil baka makulitan naman siya.
But I am now extremely worried.
"Girl, bakit wala ata si Yves? Kahit kahapon ay hindi rin siya pumasok," tanong ni Faye nang makalapit siya sa akin.
"Hindi ko nga rin alam. Nag-aalala na nga ako at baka may masama nang nangyari."
"Baka wala naman. Baka may inaasikaso lang siguro," aniya upang pagaanin ang loob ko kaya naman ay tinanguan ko na lamang siya.
Nagrollcall kami para sa oblicon. Nang dumating ang D ay nagtaka ako dahil wala akong narinig na Dela Cruz. Baka nakaligtaan lang kaya nang matapos ang rollcall ay agad akong nagtaas ng kamay.
"Yes, Miss Fortaleza?"
"Hindi niyo po natawag si Lance Adrian Yves Dela Cruz."
Tumango siya nang bahagya. "Ah si Yves." Kumunot ang noo niya. "Hindi niyo pa ba alam?"
Nabalot ng pagtataka ang buong room dahil sa narinig namin.
"Yves is no longer my student. He just recently dropped."
Parang tumigil ang puso ko sa pagtibok dahil sa narinig ko. Naramdaman ko ang tingin ni Kit sa akin at ang kamay niya na nasa ibabaw ng kanang kamay ko pero hindi ko na lamang iyon pinansin.
Dropped?
Bakit hindi niya sinabi sa akin?
Anong nangyari?
Napuno nang katanungan ang utak ko at pag-aalala naman ang puso ko. Sana ay maayos lang siya. Gusto kong i-contact si Misha pero hindi rin naman siya sumasagot.
May nangyari kaya tungkol sa pamilya nila?
Iyon ba ang dahilan kung bakit kailangang magpunta pa rito ang kapatid niya?
"Ven, saan ka pupunta?" nag-aalalang tanong ni Kit nang matapos ang klase namin dahil agad kong kinuha ang gamit ko at aalis na sana.
"Pupuntahan ko si Lay. Kailangan kong malaman kung ano ang nangyayari."
"Sasamahan kita," aniya kaya naman tumango ako.
Nang makapasok kami sa sasakyan niya ay agad niyang pinaharurot iyon.
Kainis naman oh! Ang bigat pa ng traffic. Kung kailan naman nagmamadali eh.
"Don't worry. Sigurado akong nasa maayos lang siyang kalagayan," Kit tried to comfort me but no words can make my heart be at ease.
Nagbuntong-hininga na lamang ako at pilit inisip kung may nabanggit sa akin si Lay tungkol dito pero kahit anong halukay ko ay wala talaga akong matandaan. Maybe he really intend not to tell me.
It hurted me a bit because I trust him with my life yet he couldn't even confide it with me. I shook my head. I shouldn't think ill of him. Wala siyang ibang ginawa kundi ang tulungan ako. I should understand him a little more. Baka may family problem talaga siya.
Pagkatapos nang mahaba-habang paghihintay ay nakarating din kami sa apartment ni Lay.
I shouted his name many times. Kahit ang pangalan ni Misha ay isinigaw ko na rin. There's no use of calling them through phone. Hindi naman sila sumasagot.
"Hanap niyo ba iyong magkapatid na nag-renta riyan?" tanong ng isang ginang na lumapit sa amin.
"Opo."
"Ako ang landlady dito, ineng. Umalis na ang magkapatid kahapon."
Agad nanlaki ang mata ko. "Po? Saan po sila nagpunta? Saan po sila lumipat?"
"Ang alam ko ay nagpunta silang airport dahil babalik na sila sa States."
Nangatog ang mga binti ko dahil sa narinig, buti na lang ay nahawakan ako ni Kit kundi ay baka bumagsak na ako nang tuluyan.
"K-kailan po sila babalik?" nauutal kong tanong pero umiling lamang siya.
"Pasensya na pero hindi ko alam, ineng," aniya. "Sige at mauna na ako."
"Salamat po," wika ni Kit sa ginang.
Nagbagsakan ang mga luha ko. My heart is clenching because of too much pain.
Hindi ko maintindihan. Bakit hindi niya sa akin sinabing aalis siya?
Niyakap ko si Kit nang mahigpit at doon patuloy na umiyak. Ang kaninang magandang panahon ay bigla na rin nawala. Nagbagsakan ang ulan.
I wish that the rain will just washed my tears and the pain it comes with it, yet I know that it never will.
"Shh...Ven, nandito lang ako," wika ni Kit habang hinahagod ang aking likuran pero hikbi lamang ang naging ganti ko sa kanya.
I slowly close my eyes and in there, I saw him. I saw Lay. But, when I opened it, reality hits me. He's gone. There's nothing left for me to do but to wish that someday he'll come back again.
~•~•~•~
BINABASA MO ANG
Don't Go
Teen FictionThe first book of 'Don't Cry'. Mira Venice Fortaleza is a pretty and fine young lady. An achiever and a perfectionist at the same time. All she wanted is love from her own mother but she didn't expect to get love from her own bestfriend, Kit James L...