"Medyo gumagaling ka na ah," saad ni Lay nang makababa kami sa kotse ko."Aba. Syempre. Magaling ang nagtuturo sa akin eh," may pagmamalaki kong sipi.
Lay and I entered into a coffee shop and in there, we saw Misha waving her hands at us with a big smile on her lips.
After we ordered, agad naming pinuntahan si Misha. She looks so cute. Para siyang Korean idol sa get up niya. She's wearing a simple white tee and and a powder blue slip dress was on top of it. May cream-colored beret din siyang suot at blue crystal heart na pass-through earrings.
"Hi, ate Venice! Na-miss kita," aniya at nakipagbeso sa akin.
Nginitan ko siya. "You look so cute. Pwede ka ng maging kpop star."
"I know na that one, ate," aniya dahilan upang mas mapangiti pa ako.
She's really a breath of fresh air. Iyong kahit gaano pa ka-toxic ng buhay mo, makita mo lang siya ay mapapangiti ka na.
Umupo naman na kaming dalawa. Si Lay pala ay kanina pa umupo. Maaring nainip sa amin ni Misha. Napatawa pa ako nang kaonti nang makita kong nakakunot ang noo niyang naghihintay sa akin.
"Is this really your treat? Nakakahiya naman," tanong ni Misha habang nakatingin sa akin.
"Yes. Deal talaga namin ito ng kuya mo kapalit nang pagtuturo niya sa aking magmaneho."
"Oh. That's why kuya is having a hard time lea—" hindi na natapos ni Misha ang sasabihin niya sapagka't nagsalita si Lay.
"How's our long quiz yesterday?"
Nanibago ako sa kanya dahil hindi naman niya ugali ang magtanong tungkol sa scores.
"Ok naman. Bakit?" saad ko na may bahid ng pagtataka.
He just nod his head instead of answering me.
Tingnan mo nga itong lalakeng ito. Minsan talaga hindi ko rin siya maintindihan. Nagtanong-tanong pero mukhang hindi naman interesado sa sagot ko.
Ibinalik ko na lang ang tingin ko kay Misha.
"Ah, ate Ven. Here's my gift for you," wika ni Misha at may inabot sa aking box. I smiled sadly as I heard the name she calls me.
I masked that sadness and accept her gift. I looked at her with my questioning eyes.
"Para saan ito?"
"Lance told me, you had your debut recently. Kaya I bought you a present."
"Hindi ka na sana nag-abala. Isa pa ay medyo matagal na rin naman iyong nakalipas."
"It is no big deal," she said while slightly waving both her hands. "Open it na. I'm sure you're going to love it."
The smile on her face is very contagious. So carefree... So bright...
I opened her present straightaway. My eyes widened when I saw her gift. She just gave me a Chanel barette. At hindi lang isang piraso, kundi pares pa talaga!
Magkapatid nga talaga sila ni Lay. Ang gagalante. May kaya rin naman kami pero hindi ko kayang gumastos para sa mga ganito kamamahal na bagay.
"Did you like it?" nakangiti niyang tanong.
I smiled at her and nodded. Kahit namamahalan sa iniregalo niya ay ayoko namang tanggalin ang kasiyahan sa kanya especially nang makita ko ang hopeful niyang mga mata.
The barista called our names after a couple more minutes.
Nang makabalik kami sa aming inuupuan ay walang tigil na naman ang bibig ni Misha. It is like she has many stories to tell. Hindi siya nauubusan. Magkabaliktad na magkabaliktad sila ng kapatid niya kaya naman hindi talaga mapagkakamalan na magkapatid eh.
BINABASA MO ANG
Don't Go
Genç KurguThe first book of 'Don't Cry'. Mira Venice Fortaleza is a pretty and fine young lady. An achiever and a perfectionist at the same time. All she wanted is love from her own mother but she didn't expect to get love from her own bestfriend, Kit James L...