025

68 15 1
                                    

Saturday came and just like what Lay has promised, he taught me how to drive. Hindi ko naman iyon matutunan sa isang araw lang kaya naman napagpasyahan naming every Saturday niya ako tuturuan. Pag-Sunday naman ay depende kung wala naman kaming ibang gagawin ay pwede at kung meron naman ay ipagpapaliban na muna namin.

True to his words, hindi nga siya humingi ng pera kapalit nang pagtuturo niya sa akin kahit pa ipilit ko na babayaran ko siya. Nahihiya na rin kasi talaga ako sa kanya.

First, he spent thousands in order to gave me a luxurious watch as a present just for it to be lost. Then, he accompanies me now that Kit and I are avoiding each other. He exchanges his solitude just to be with me. Now, he offers me to teach me the things I need to know on driving at hindi pa niya tinatanggap ang bayad na ibinibigay ko sa kanya.

"I feel insulted, Mira." Iyan lamang ang mga katagang lumabas sa kanyang bibig nang ipilit kong babayaran ko siya kaya minabuti kong sundin na lang ang gusto niya.

Our session ended at ang hiningi na lang niya sa akin na kapalit ay i-libre ko siya pagkakatapos niya akong turuan in which I immediately agreed. Laking tipid nga naman talaga pagdating sa part ng family ko dahil hindi na kailangan magbayad para sa isang driving instructor. To spend a few hundreds won't hurt just to treat him. Besides a few more hours with him is what I wanted. Kapag kasama ko kasi ay ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. It is like, I have no problems to worry about. 'Yon nga lang, I couldn't help but to think of my best friend every now and then.

Kumusta na kaya siya?

I hope he is doing good even without me.

Nasa isang fast food chain kami ngayon ni Lay. Ang sabi niya ay matagal-tagal na rin ang huli niyang kain dito kaya napagpasyahan namin na dito na lang kumain.

Umupo na rin naman kami pagkatapos naming um-order. Buti na lang ay wala naman masyadong tao ngayon na bihira lang mangyari.

Kumakain lang ako ng spaghetti, sundae at fries nang bigla ko siyang narinig na tumawa. This is one of the rare moments that I heard him laugh.

I looked at him questioningly.

"Bakit?"

"Para kang bata kumain," aniya habang natatawa pa rin.

"Hala," saad ko at dali-daling kinuha ang bag ko upang kunin ang salamin ko sa aking purple Kipling pouch.

Hindi ko pa man nakukuha ang salamin ay natigil ako dahil naramdaman ko ang mainit na kamay ni Lay sa aking pisngi. He brushed his thumb against my tender skin.

"There. No more sauce on your cheeks," anito nang mailayo na niya ang kamay sa aking mukha.

I am still looking at him with awe and I don't even know why I could not stop on staring at his gorgeous face.

"Mira, pwede ka nang kumain ulit," saad niya dahilan upang mabalik ako sa katinuan. I averted my look from him especially that I could feel my cheeks blushing.

Nakakahiya.

Buti sana kung si Kit ang kasama ko eh.

Pinagpatuloy ko na lamang ang pagkain pero sa pagkakataong ito ay mas maingat na ako. Baka masabihan na naman niya akong parang batang kumain.

"Ah, Mira."

"Bakit?" I asked while my eyes were still on my plate.

"Where is the watch I gave to you?"

My heart is now pounding nonstop.

Ano na ang isasagot ko? I don't want to lie but at the same time, I don't want to tell him that it is missing. I can't afford to see the disappointment in his eyes just in case he finds out the truth. Siya na lang ang mayroon ako. Ayokong pati siya ay mapalayo sa akin.

Don't GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon