Nagpunta kami ni daddy sa operator ng CCTV sa bahay upang tingnan kung ano ba talaga ang nangyari. We wanted to prove na wala talaga akong kasalanan.
Pinanuod namin ang mga clips pero wala talaga kaming makitang pumasok sa loob ng kwarto nila maliban sa akin. Yet it seems so odd because kahit ang ginawa ko sa loob ay wala rin doon. Ang pagpasok at paglabas ko lamang ang naroroon.
"Imposible naman ata. Baka naman may nakapasok at nag-delete ng clip sa nangyari," wika ni daddy sa seryosong paraan.
"Dad, may nawawalang five-minute clip at pagkatapos iyon nang pagpasok ko sa kwarto niyo," wika ko nang mapansin ko iyon.
Agad naman izinoom ng operator ang video at tiningnan iyon nang maigi ni daddy.
Mas lumalakas ang gut feel ko na kung sino man ang nagnakaw ay kakilala namin. Alam niya maging kung nasaaan ang operator namin ng CCTV. Baka siya rin ang may pakana sa mga nawawalang clips.
"Baka nga dinelete na ng kung sino man ang kumuha ng pera ni mommy ang clip na iyon upang hindi siya mahuli."
Umiling naman si daddy. "Hindi man natin nakita kung sino pero malinaw sa CCTV na wala kang kinalaman sa nangyari." He looked at me. "Huwag kang mag-alala Venice. Kakausapin ko ulit ang mommy mo. Sasabihin ko ang nakita natin ngayon."
Tinanguan ko naman siya.
Aalis na sana kami nang bigla kong maalala ang tungkol sa nawawala kong relo.
"Ah kuya, baka pwede pong patingin naman ng clips sa kwarto ko. Nang monday lang po iyon."
"Bakit Venice?" tanong ni daddy kaya naman napatingin din ako sa kanya.
"Baka po kasi makita ko kung sakali ang may kumuha ng nawawala kong relo."
Tumango naman siya at ibinalik ang tingin sa monitor.
"Ma'am, parang may nawawala rin pong clip sa CCTV galing sa kwarto niyo."
"Daddy, hindi kaya may kinalaman iyon sa nawawalang pera ni mommy?" I asked while looking at him.
"Sa tingin ko rin, anak. Baka nga isang tao lang din ang kumuha ng relo mo at ng pera ng mommy mo," seryosong sagot ni daddy.
"I think so too," I said as I looked at my father.
I feel so lucky to have him as my dad. He is the best dad one could ever have. He was there on every special occasions of mine: contests, quiz bees, birthdays and days I needed his support. Wala siyang pinalampas. Kung hindi man siya nakakapunta ay sinisigurado niya na magsasabi siya sa akin then bumabawi siya the next day. Alam ko naman na pinupunan niya lang ang naging pagkukulang ni mommy sa akin.
Bago kami umuwi ni daddy ay dumaan muna kami sa isang Chinese restaurant upang kumain muna saglit. Pagpasok namin ay nagulat ako sapagka't nakita ko si Lay na mag-isang kumakain.
"Hindi ba ka-klase mo ang lalakeng iyon? I saw him at your debut."
"Opo."
"Kung maki-table na lang kaya tayo," wika ni daddy at nagsimula nang maglakad patungo kay Lay.
"Daddy, huwag na," pahabol kong sipi pero mukhang hindi ako narinig ni daddy dahil diretso lamang siyang naglalakad.
Umiling na lang ako at sumunod.
"Oh Venice, ayos lang daw sa kaibigan mong makisalo tayo sa kanya. Sige na at umupo ka na," wika ni daddy nang makaupo siya. Wala na akong nagawa kundi ang umupo sa tapat ni Lay.
Maya-maya pa ay nag-order na rin si daddy sa lumapit na waiter sa amin.
"Ano nga ulit ang pangalan mo, hijo?"
BINABASA MO ANG
Don't Go
Teen FictionThe first book of 'Don't Cry'. Mira Venice Fortaleza is a pretty and fine young lady. An achiever and a perfectionist at the same time. All she wanted is love from her own mother but she didn't expect to get love from her own bestfriend, Kit James L...