003

118 22 1
                                    

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang nangyari noong isang araw. I know na maaring wala lang iyon kay Lay but it means something to me.

Kung sana nga lang ay maging magkaibigan kaming muli. But I guess it is impossible lalo pa't parang ibang tao na siya ngayon. He is mysterious, quiet and snob. Pero kahit na ganoon siya ay hindi pa rin iyon hadlang upang walang magkagusto sa kanya. Kahit nga sa ibang colleges ay naging matunog na agad ang pangalan niya. Well, he's handsome and charismatic. A perfect combo to make every girl's crave for his attention.

"Ven, nakikinig ka ba?"

Napatingin ako kay Kit na diretso ang tingin sa akin.

Nasa library kami ngayon dahil wala ang prof namin sa business communication kaya napagpasyahan namin na dumito na muna ni Kit at magpalipas ng oras.

"Huh? May sinasabi ka ba?" tanong ko sa kanya dahilan upang mapailing siya sa akin.

"Ano na naman bang iniisip mo? No. Let me rephrase that. Siya na naman ba ang iniisip mo?" seryoso niyang tanong sa akin.

Hindi ako sanay na ganito ang gamit niyang tono sa akin. Madalas kasi ay mapagbiro at masayang boses ang mayroon siya.

Hindi ko na lamang siya sinagot at yumuko na lamang ako.

"Hindi na siya ang dati mong kaibigan. Huwag mo na siyang pagtuonan ng pansin."

"Pero naisip ko lang kasi na baka may nangyaring hindi maganda sa buhay niya kaya siya nagkaganun. Hindi naman pwedeng wala siyang kaibigan."

Nagbuntong-hininga siya bago tumingin muli sa akin. "Maybe he has friends. Wala nga lang dito sa university."

"But still. Paano ang magiging buhay niya rito sa university kung lagi lang siyang mag-isa?"

"What are you going to do now? Magpapakilala ka sa kanya na ikaw ang dating kaibigan niya?" nanghahamon niyang saad. "If he really do remember you, he would not act as if he doesn't know you."

"Hindi naman kailangan na maalala niya na ako ang kaibigan niya. Pwede naman kaming maging magkaibigan ulit, bilang si Yves at Venice," sipi ko at nagbigay ng isang maliit na ngiti kay Kit pero inilingan niyang muli ako.

Alam ko naman na nag-aalala lang siya sa akin pero ayoko lang talaga na ibaon na lang sa limot ang pinagsamahan namin ni Lay. It is one of my most cherished memories and I don't want it all to go to waste.

Nang matapos ang vacant namin ay napagpasyahan na namin ni Kit kunin sa locker namin ang PE uniform at nang makapagpalit. Nagtungo na rin kami sa CC para sa aming klase.

Our PE teacher is teaching us about the different folk dances. Bata pa lang ako ay hatest subject ko na talaga ang PE. Maliban sa lampa ako, parehas rin kaliwa ang mga paa ko.

Itinuro lang sa amin ni ma'am ang history ng kada folk dances. Sa susunod na meeting na ang bawat steps. Nang matapos ang klase ay agad akong tumayo galing sa pagkaka-indian sit ko. Nasagi ako ni Faye nang magsimula na siyang maglakad dahilan upang mawalan ako ng balanse.

I thought I will fall down. Buti na lang ay may mga kamay na agad umalalay sa dalawang braso ko. Maya-maya pa ay binitawan niya na rin ako.

"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong sa akin ni Kit.

Nginitian ko siya at tumango.

Nang maalala ko ang tumulong sa akin kanina ay agad akong tumalikod upang magpasalamat sa kung sino man siya pero wala na akong nakitang tao sa aking likuran. Napansin ko na lamang ang papalayong pigura ni Lay na naglalakad mag-isa.

Siya kaya ang tumulong sa akin upang hindi ako tuluyan bumagsak kanina?

"Ven," tawag sa akin ni Kit kaya naman napatingin akong muli sa kanya.

Don't GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon