"Venice, are you ready?" tanong sa akin ni daddy gamit ang malakas na boses dahil nasa sala siya habang ako ay pababa pa lamang ng hagdan."Yes, dad," I answered back while I'm walking towards the staircase.
Pagkababa na pagkababa ko ay naabutan ko roon si daddy na naghihintay.
"Let's go," he said smiling to me.
Ginawaran ko rin siya ng isang ngiti bago tumango.
Nagtungo kami sa gray na van na pagmamay-ari namin. When I entered, I immediately sat beside my sister, Paris Jade. She was wearing her highschool uniform. Grade 12 siya ngayong taon sa senior high.
Then after a minute, dad started the engine.
"Bakit ang tagal mo, Venice? Baka ma-late pa kami dahil sa iyo," malamig na sipi ni mommy.
"I'm sorry po."
"Sa susunod, bilisan mo ang pagkilos," dagdag pa niya. She was always been like that to me, cold and distant. Minsan nga ay naisip ko kung bakit ganoon ang trato niya sa akin. I'm her daughter but I never felt like she treated me as one.
"Are you excited for your last year of highschool, Paris?" she asked happily to my sister.
"Yes, 'my. Gusto ko na nga rin mag-college tulad ni ate Venice for me to be able to choose my OOTD's," sagot ni Paris dahilan upang mapuno ng halakhakan ang sasakyan.
My mother favored her so much. Si daddy naman ay ini-spoil din siya dahil siya ang bunso sa aming dalawa. Maliban pa roon ay malambing ang kapatid ko kaya gustong-gusto siya ng lahat ng tao.
Madaldal din si Paris kaya madami na siyang nai-kwento sa akin habang nasa byahe kami, from the series she watched yesterday to the plans she has for this school year.
"Are you excited?"
Am I excited?
I don't know.
"Of course," I answered.
Kailangan kong maging enthusiastic sa pag-aaral. I needed to graduate with latin honors kaya dapat ay first year pa lamang ng college ay pagbutihan ko na.
"Really? I bet you're excited with your outfits as well," wika niya dahilan upang mapatawa na lang ako nang bahagya at kinurot ang ilong niya.
"Para saan 'yon?" tanong niya habang hinihimas ang ilong niya na namumula.
"Life is not all about fashion, Paris."
"I know," aniya at ibinalik ang tingin niya sa harapan.
Dahil sa kadaldalan ni Paris ay hindi ko namalayan na nasa West Ville University na pala kami. Bumaba na kami sa van after we kissed our parents goodbye.
"Goodluck sa enrollment mo, ate," wika niya nang nakangiti bago tuluyan umalis para magpunta sa building ng mga senior high.
Ever since ay dito na kami nag-aaral ni Paris. I was use to the environment however I know college was so different compared to highschool kaya dapat ay pagbutihan ko pa rin.
Today is the college enrollment that's why I just opted to wear a white lace blouse and a dark-washed jeans. I partnered it with my blush pink ballet shoes. Gusto ko ng komportableng suotin at the same time ay cute pa rin.
"Ven."
Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses.
And I am right kung sino siya.
"Hey. Kanina ka pa?" I asked.
"Hindi naman. Mabuti pa ay pumila na tayo at nang matapos agad tayo sa enrollment na ito," ani Kit at hinawakan ang kamay ko't hinila ako dahilan upang makasabay na akong maglakad sa kanya.
Agad naman kaming nagpunta sa hall upang doon maghintay at pumila. Nagtabi na kaming dalawa. Hindi pa nagtatagal ay napansin ko ang tatlong babae na sa tingin ko ay magkakaibigan sa unahan na panay ang sulyap sa katabi ko. Tiningnan ko si Kit at mukhang hindi niya iyon napapansin or sadyang wala lang talaga siyang pakealam.
Siniko ko siya dahilan upang mapatingin siya sa akin.
"Bakit?" tanong niya na may pagtataka sa boses.
"Kanina ka pa tinitingnan ng mga babae sa unahan," wika ko gamit ang mahinang boses.
Ngumisi siya. "Gwapo raw kasi ako," aniya at kinindatan pa ako.
Umiling na lang ako sa sinabi niya. Narinig ko pa siyang humalakhak.
Kahit kailan talaga itong kaibigan ko.
"Ang cute cute mo talaga, Ven," wika niya at pinisil pa ang kanang pisngi ko dahilan upang tampalin ko ang kamay niya.
"Aray ko! Ang sakit naman no'n."
Napatingin ako sa kanya at nakita kong hawak-hawak ng kaliwang kamay niya ang kanyang kamay na tinampal ko.
"Masakit ba talaga? Hindi naman malakas ang pagkakatampal ko ah," nakokonsensya kong wika. Baka nga nasaktan ko siya. Hindi ko naman sinasadya eh.
"Oo. Halikan mo na lang para hindi na sumakit," aniya dahilan upang mapatingin ako sa mukha niya na may nakakaloko ng ngisi. Inismiran ko na lamang siya at ibinalik ko ang tingin ko sa harapan.
Marami ang nag-e-enroll. Sino kaya sa kanila ang magiging kaklase ko? Sana wala naman akong makaklase na masama ang ugali. I wanted to have a peaceful life throughout my college years.
Maya-maya pa ay naramdaman kong umakbay sa akin si Kit. Inirapan ko na lamang siya at narinig ko na lang ang halakhak niya.
Medyo matagal kaming natapos ni Kit sa pag-enroll. Buti na lang at natapos din kami sa wakas.
Nasa hallway ako at hinihintay siya dahil nagtungo na muna siyang cafeteria upang bumili ng makakain namin. Hindi na ako sumama sa kanya sapagka't nakita ko na maraming tao roon.
Pagtalikod ko ay hindi ko namalayan na may nakabangga ako.
"Sorry," saad ko at tiningnan ko na siya.
I blinked my eyes para masigurado ko kung tama ba ang nakikita ko.
He was in front of me. I looked into him intently, securing if it is really him.
Kailan pa siya dumating?
"Can I pass through, miss?"
I was still looking at him in a focused manner.
"Miss?"
"Huh?"
"Padaan ako. Puwede?" aniya sa masungit na paraan kaya naman napatango na lamang ako at binigyan siya ng espasyo upang makadaan.
I can't believe it.
Siya ba talaga iyon? Pero bakit parang hindi niya ako naalalala? Baka hindi niya lang ako namukhaan. Hindi ako naniniwala na hindi niya ako makikilala. We promised each other before that we will never let ourselves forget each other.
"Lay," I whispered to myself whilst I am still looking at his back that is fading slowly from my sight.
"Sinong tinitingnan mo?"
Napatingin ako kay Kit na siyang may dala ng dalawang waffle at bottled water.
Inilingan ko siya bago ako nagsalita. "Wala."
I smiled at him. Kinuha ko ang waffle na binili niya para sa akin bago kami naglakad na dalawa.
~•~•~•~
BINABASA MO ANG
Don't Go
Teen FictionThe first book of 'Don't Cry'. Mira Venice Fortaleza is a pretty and fine young lady. An achiever and a perfectionist at the same time. All she wanted is love from her own mother but she didn't expect to get love from her own bestfriend, Kit James L...