Pagpasok ko pa lang sa room ay sinalubong na agad ako ni Faye na siyang nakangiti. I can feel the same vibe of Kit in her. Para siyang babaeng version ng kaibigan ko.
"Ang ganda no'ng debut mo, Venice. Ang gara. Masasarap pa iyong mga pagkain," nakangiti niyang wika. I also smiled back at her.
I'm glad she enjoyed attending my party. Nakakataba ng puso ang marinig iyon mula sa kanya o kahit sa sino pa mang dumalo.
"Thank you nga pala sa pagpunta. I didn't expect na almost all of you were present on my birthday."
"Naku! Maliit na bagay," wika niya pang muli at nakuha pang banggain ang braso ko ng kanya.
I immediately went to Lay when I saw him looking at me. Nahihiya man ako sa niregalo niya sapagka't iyon ay kay mahal, ang feeling ko ay kailangan kong magpasalamat muli. Para ngang hindi pa sapat ang paulit-ulit kong pasasalamat considering na hindi niya naman kailangan bigyan ako ng ganoon na regalo. A simple watch would do.
"Ah...Yves," tawag ko sa kanya at tiningnan niya naman ako.
I just wanted our interaction to be short. Ramdam ko na naman kasi ang mga mata ng mga ka-block namin. It's like they are anticipating me and Lay's interaction. Nakakakaba nga pero pinagsawalang bahala ko na lamang iyon.
"Salamat nga pala sa niregalo mo. Hindi ka na sana gumastos ng ganoon kalaking halaga para lang may mairegalo sa akin. Appreciative naman akong tao kaya kahit ano naman ay masaya kong tatanggapin."
He raised his brow while still looking at me. "Did you like my gift?"
"Oo. Kaya lang...." hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita siyang muli.
"Then a simple 'thank you' is enough," aniya at ibinaba na ang tingin.
Gusto ko sanang tanungin pa siya kung bakit niya ako binigyan no'n kaya lang napansin ko na ang balak kong kausapin siya nang maikli ay mukhang humahaba na. I stepped backward and decided to went to my chair.
"Anong sinabi mo kay Yves?" agad na tanong ni Kit nang makaupo ako sa tabi niya.
"Nagpasalamat lang ako sa regalo niya," sagot ko at napaiwas naman siya sa akin nang tingin at hindi na kumibo.
I also needed to extend my gratitude to my best friend too. Hindi biro ang ginawa at ibinigay niya kaya gusto kong malaman niya kung gaano ko iyon nagustuhan.
"Salamat sa Eiffel Tower statue na ibinigay mo," nakangiti kong wika dahilan upang mapalingon siya sa akin.
"Nagustuhan mo ba?" seryoso niyang tanong.
I chuckled.
Bakit parang tensionado siya sa isasagot ko?
"Of course, I do. Isa pa, natatangi nga iyong regalo mo. That was the only gift I received on that day that was solely made by the giver himself."
Ngumiti naman siya. "Salamat naman at nagustuhan mo."
"Kit, I appreciate it a lot. Lalo na iyong time at effort na iginugol mo para lang magawa iyon. It was also beautifully done at kahit panget pa iyon, I would still appreciate it lalo pang galing sa iyo," I said smiling and I see his ears are turning into color red again as he averted his gaze from me.
Maya-maya pa ay dumating na rin si ma'am. We just continue discussing. Nag-quiz din kami sa tax ngayong araw. Halos lahat ng professor ay nagmamadali upang makahabol lang sa lessons dahil next week ay midterms na rin namin.
Our classes ended, nagtungo si Kit sa CC upang sa practice niya. Although midterms na next week, sa Wednesday pa magiging totally effective ang activity ban.
BINABASA MO ANG
Don't Go
ספרות נוערThe first book of 'Don't Cry'. Mira Venice Fortaleza is a pretty and fine young lady. An achiever and a perfectionist at the same time. All she wanted is love from her own mother but she didn't expect to get love from her own bestfriend, Kit James L...