019

64 16 2
                                    

Three days had pass but still I couldn't find the Chopard watch. Hindi pa rin ako tumigil sa paghahanap pero hindi ko talaga iyon matagpuan. Pilit kong inaalala na baka kinuha ko iyon o inilagay kahit saan pero ang huli ko talagang memorya doon ay ang pagtago ko no'n sa drawer. Imposible nga naman talaga na mawala ko iyon ng basta dahil hindi ko pa naman iyon ginagamit.

"Ano bang problema at noong isang araw ka pa parang may pinoproblema?" tanong ni Kit sa akin habang nasa library kami.

Tumingin ako sa paligid upang alamin kung nariyan ba si Lay o kung sino mang ka-block namin. Nang makita kong wala ay inilapit ko nang bahagya ang mukha ko kay Kit upang kami lang ang makakarinig ng pag-uusapan namin. Hindi ko talaga kaya na baka malaman ni Lay ang nangyari sa relo na ibinigay niya.

"Nawawala kasi iyong niregalo sa akin ni Lay. I tried searching but still couldn't find it."

"Ano bang iniregalo niya sa'yo?"

"A Chopard watch."

"Ano?!" he almost shouted.

"Ang mahal no'n ah," mahina na niyang wika.

Napatango naman ako nang bahagya sa kanya.

"Hindi ko na alam kung saan pa ako maghahanap. Wala naman akong maalala na ibang pinaglagyan ko no'n."

"Baka naman niloob kayo ng magnanakaw."

"You know that our village is heavily secured. Ni minsan ay hindi pa kami nanakawan."

"But still, it wasn't an assurance. Crimes nowadays are scattered everywhere, Ven."

"Kung totoo nga iyan. Paano ko na mahahanap iyon?" nanlulumo kong tanong.

"Gusto kong pagaanin ang loob mo pero hindi ko rin alam kung paano ka tutulungan."

"It's fine. Wala na siguro talaga akong magagawa. Sana lang ay huwag niyang hanapin sa akin ang relo dahil wala akong maipapakita sa kanya."

He reached for my hand and squeeze it gently. "Ven, I know how much you value gifts especially kung galing sa taong pinapahalagahan mo ng tunay but don't forget na malapit na ang midterms. The best thing that you could do is forget about it first and then concentrate on our upcoming exams."

He has a point that's why I simply nodded at him.

I need to focus dahil malapit na ang midterms. I need to ace the exams.

Lately ay hindi nga talaga ako nakakapag-aral nang maayos dahil sa iniisip ko ang nawawalang regalo ni Lay. Kung talaga ngang ninakaw iyon ay wala na siguro akong magagawa muna upang ma-retrieve iyon.

I feel the need to pee. Kaya naman ay tumayo na ako at naglakad papunta sa CR. I am in the middle of walking when I bumped into someone.

"Sorry," I immediately said.

Inangat ko ang tingin ko at nakita ko si Lay na nakatingin sa palapulsuhan ko kaya agad kong inilagay iyon sa likuran ko. Is he looking if I'm wearing his gift?

"Parang hindi ko pa nakikitang ginagamit mo iyong ibinigay ko."

"Ah...ano kasi... Natatakot akong gamitin at baka mawala. Ang mahal-mahal pa naman no'n," wika ko at sinubukan pang tumawa nang bahagya. I am not a good liar but I hope he believes that white lie of mine.

Nakita ko naman siyang tumango na lamang.

We stood there a few more seconds with no one speaking.

Nang maalala ko kung saan ako magtutungo ay nagsalita na akong muli. "Ah..una na ko."

He nodded again and that's the signal I have been waiting for.

Don't GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon