Chapter 2

10.9K 354 21
                                    

A M E T H Y S T

Naguguluhan ako sa paligid, nagkakagulo ang mga kawal at ang mga kababaihan. Sa isang silid, nakahiga sa kama ang isang ginang na sa tingin ko ay malapit ng manganak. Nakapalibot sa kanya ang ilang manggagamot. Ilang sandali pa ay nanganak na nga ito at naging alerto na ang lahat.

"Princess" sabi ng ginang, may lumapit naman sa kanyang bata na sa tingin ko ay tatlong taong gulang pa lang.

"Mom, I want hug to her, Can I?!" makulit na tanong nito sa ina.

"No, not yet, my Prince Eirwin." tila nalungkot naman ang bata.

"But I want to hug her, I want to hug my little sister, my little princess." naka-nguso na sabi nito.

"Later, my prince Eirwin."

•••••

Ang ginang ngayon ay naka-upo na sa kanyang trono, isa syang reyna, isa lang ang trono at para iyon sa reyna, may isang upuan naman sa tabi ng trono at naka-upo doon ang prinsipe Eirwin daw kanina.

May mga lumitaw nalang bigla na apat na babae na naka-color green, blue, sky blue at kulay purple na bestida. May kasama silang apat na lalaki, naka color red, white, black, at brown na damit, kung anong kulay din ng damit nila ay syang kulay ng kanilang buhok, hindi ko makitang mabuti ang kanilang mukha dahil blurred ito.

Nagyukuan naman ang mga tao sa paligid.

"Maraming salamat at pina-unlakan nyo ang aking imbitasyon."

"Maraming salamat din sa pag-imbita mahal na reyna." sabi ng naka-itim na lalaki.

"Nandito kami para sa prinsesa, mahal na reyna. Siya ang itinakda! Sya ang nasa propesiya." nakangiting sabi ng naka color purple na dress. Nagulat naman ang lahat.

"Paano?!"

Tinanguan siya ng babae at inilapag ang sanggol sa higaan. Hiniwaan nila ang kamay nila at itinapat sa sanggol, umilaw iyon. Ganoon ang ginawa ng lahat.

"Bigyan ka ng tapang gaya ng alon na nangangalit kapag ikaw ay sinaktan at kinakailangang lumaban. Ngunit gaya ng tubig ay mapayapa ang iyong kalooban."

"Naway maging kasing bilis nya ang hangin. Kasing bilis ng hangin kung mag-isip, kumilos, o tumuklas."

"Maging kasing tapang ng apoy kung kinakailangang lumaban kapag sya'y nasa panganib. Ngunit kasing init din ng apoy kung magmahal."

"Kasing tulis ng yelo ang kanyang isip, at kakayahan na lumaban kapag siya ang nasasakdal."

"Bigyan ng maliwanag na puso at maliwanag na pag-iisip. At tapang kung kinakailangan."

"Naway biyayaan sya ng ganda gaya ng mga bulaklak, ngunit kasing talim ng tinik ng rosas kung sya ay sinsaktan, at kailangang lumaban. Kasing talino ng mga hayop at tagapag-alaga nito."

"May itim na mahika ngunit gagamitin ito sa ikabubuti. Kung gaanong kadilim ang mahikang ibibigay ko ay sya'ng liwanag ng kanyang puso, biyayaan siya ng lakas at tapang hindi lamang sa pisikal, pati sa emosyonal."

Matapos noon ay ang babaeng kulay purple ay tinaas ang kanyang kamay at tinapat sa prinsesa, umilaw iyon ganon din ang sanggol.

"Bunga ng pagmamahalan ng pinuno ng magkaibang lahi.

The Long Lost Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon