A M E T H Y S T
"May Magic Festival tayo and tomorrow na ang simula kaya kailangan na natin maka-isip kung anong booth ang gagawin natin." sabi ni Alira.
Bawat section ay mahahati sa dalawa at tig-isa ng booth. Nahati na ang section namin at sa royalties ako nasama. Sa ibang section kasi sila Kate.
May tatlong section dito. Ang Royalties, Superior, Charm, Manipulator, and Beginner. At bawat section ay may ranking din din like Superiors 1, Superiors 2. Pero ang royalties ay isan lang.
Ang Royalties, nandoon lang ng prince ang princess of course. At kung sino pa ang ibang malalakas gaya ng royalties. Nandoon din ako kasi rare na daw ang ice element na hawak ko. Tatlo nalang daw kasi ang natitira na Ice user.
Sa Superior, doon naman si Kate at Carol. Mga element user din sa Superior pero mas malakas ang nasa royalties. Apat naman ang rank ng superiors, one ang pinaka malakas.
-Superiors1
-Superiors2
-Superiors3
-Superiors4Sa Charmers, nandoon naman ang may mga powers na poison, Illusion, at mga kagaya ng powers nila Jacob. Nandoon ang limang lalaki, ang kambal, at si Andrea.
-Charm1
-Charm2
-Charm3Sa Manipulator naman ay mga manipulator ang nandoon syempre. Like Stone manipulator, Object Manipulator, Plant manipulator, etc.
-M1
-M2
-M3At sa Beginners, para sa mga beginners na kakalabas palang ng power. Or para sa mga unidentified power.
-B1
-B2"Amethyst Aphrodite Watrius. You're spacing out." nabalik ako sa diwa ng may sumigaw sa harap ko.
"What?! Mr. Fyr?" tanong ko dito at tinaasan ng kilay.
"You're spacing out, wifey!" namula naman ako sa itinawag nya sa akin. Loko ba sya? Nasa harap kami ng royalties!
Nagngisian naman ang mga nakarinig ng itinawag nya sa akin. Pati ang ibang students na nandito sa room. Pahamak!
"So! Iyun na nga, Amy! Balak sana namin na Message Booth nalang ang gawin natin." sabi ni Aella.
"Message Booth?" kunot noong tanong ko.
"Yeah. Message Booth. Gagawa ng message ang mga students para sa kaibigan nila or love ones. Tapos ibibigay nila sa atin tapos tayo na ang magbibigay ng message na yun sa mga gusto nilang pagbigyan. Pwede din naman nilang samahan yun ng gifts." paliwanag ni kuya Chand.
"Tapos maglalagay tayo ng board sa booth natin. Pwede sila magdikit ng sticky note doon at lagyan ng message. Baka sakaling mabasa ng kung sino man ang sulatan nila." sabi ni Darya.
"Or pwede maglabas ng sama ng loob. Or nararamdaman. Pwede nila isulat doon." Sabi ni kuya Aster at ngumiti.
Napaisip naman ako. Maganda nga. Pwede ko doon isulat kung gaano ko kamahal ang lalaking yelo sa tabi ko ngayon na tulala lang at pinaglalaruan ang fire dagger nya. Psh.
Cold na nga manhid pa! Sapakin ko sya eh!
"Okay! Maganda! Perfect!" sabi ko at tumayo. "What can I do?"
"Samahan mo nalang kami bumili ng materials para paggawa ng booth." sabi ni Darya.
"Sure, let's go!" sabi ko at hinila na sila. Iniwan namin ang boys dahil iba ang gagawin nila.
Habang naglalakad kami ay nakasalubong namin sila Kate at Carol. Kasama nila sila Jacob.
"Eyy! Saan kayo pupunta?" tanong ni Kate.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Legendary Princess
FantastikPrincess Series #1 AMETHYST AMETHYST: Elemental Kingdom Princess She is Amethyst Aphrodite, she is a beautiful woman and has a good heart and mind. A loving daughter and friend. As she enter the world of magic, many things will change. Happy life w...