Chapter 9

7.5K 321 0
                                    

A M E T H Y S T

Tapos na silang lahat makipaglaban, kami nalang ni Zach ngayon ang hindi pa.

Walang nagbago, wala ding nadagdag sa section ng royalties.

"And for our last Battle. Prince Aiden Fyr From Fire Kingdom versus Ms. Amethyst Aphrodite Watrius." WHAT?

Nagkatinginan kami ng katabi kong si Zach! Eh Ang lakas nito eh!

Ngumisi sya sa akin at nagteleport sa field, may barrier doon para hindi maapektuhan ang mga nanonood.

Magkaharap na kami ngayon, hinihintay nalang namin ang signal ni Head-

"GO!" Waaaahhhhh

Una syang umatake pero iwas lang ako ng iwas, hanggang sa nagpalabas sya ng fire ball.

Hinagis nya yon sa akin kaya naalala ko yung ginawa ko kay God Flint, ginawa ko din sa kanya.

Sinalo ko yung fire ball nya kaya ako na ang kumokontrol doon, nagulat sya syempre Ice user lang ako, iyun ang alam nya. Kaya binelatan ko sya, ang loko ngumiti.

Mas pinalaki ko ang fire ball at hinagis sa kanya, nadaplisan sya sa braso.

Gumawa naman ako ng Ice ball, dangerous type, mas nagsanay ako sa Ice element dahil iyon ang ilalabas ko.

Nagulat sya kasi dangerous type ang hawak ko. Binato ko sa kanya yon at nadaplisan ulit sya.

Pinaulanan naman nya ako ng Ice arrow kaya gumawa ako ng Ice shield.

Nagpalabas naman sya ng blue flame. Ang weakness ko!

Agad nanglaki ang mata ko kaya sinalo ko ang blue flame, sana gumana kahit hindi ko pa to na try.

Nagulat ako ng maramdaman ang malakas na enerhiya sa kamay ko kaya napamulat ako. Na-control ko ang blue flame.

Nag-wink ako sa kanya.

Nag-Tss lang siya.

Pina-ulanan ko sya ng Fire arrow sya naman todo iwas.

Pina-ulanan nya ako ng ice needles. kaya gumawa ako ng shield.

Bigla naman kaming napalibutan ng apoy. Hala! Lagot!

Napatingin ako sa kanya, nginisian nya lang ako.

Walang laban ang apoy sa tubig.

Tama!

Tinaas ko ang dalawa kong kamay na para bang may buhat akong mabigat, at sa pagbagsak non ay isang malakas na pagsabog ng tubig. agad naman nawala ang apoy at natuyo ang tubig. Nabasa si Zach pero ako, hindi.

"You're a Fire, Ice and Water user?" tanong nya. Uh-Oh...

"Nope!"

"Then how?!" taas nya ng kilay.

"Secret!"

Natapos ang laban namin, pareho kami ng puntos na nakuha, 96. Pero hindi ko inaasahan ang sumunod na sinabi ni Headmaster.

"Prince Eirwin Storm Hamilton From Elemental Palace will have a fight with Miss Amethyst Aphrodite Watrius."

Napatingin sa akin si kuya Eirwin ng gulat.

Dapat nga ako ang mas magulat dahil mas malakas sya sa akin.


E I R W I N

Ha?

Legendary Princess makakalaban ko?

"Pero Headmaster, tapos na akong lumaban." tanggi ko.

"Yeah, I know. But this is an order from Queen Hyacinth, Prince Eirwin"

"But--- Hayystt! Fine." nagteleport na ako sa harap ni Amy, nakabalik na si Aiden sa pwesto nya.

"Kuya Eirwin, wag mo akong papatayin ah."

"Ha? Pero kay Aiden hindi ka natakot? Kaya ka kayang patayin non."

"Duh! 3 elements ang hawak mo sa kanya dalawa lang." irap nya.

"Mas malakas pa din sya sa akin. Mas malakas ang hawak nya. Pangalawa ang fire sa pinaka-malakas na element at rare na ang ice element." paliwanag ko at hinagisan sya ng ice ball na agad nyang iniwasan at pina-ulanan ako ng ice shurikens. Ang lakas nya!

"Pero Elemental Prince ka!" sabi nya. gumawa naman ako ng sword gamit ang ice, pero invisible. Pero nagulat ako ng ngisian nya ako at gumawa ng fire sword. Patay!

"Legendary Princess ka!" bulong ko na sana ay walang nakarinig.

Aatakihin ko na sana sya ng ice sword ko pero naharangan nya agad ng fire sword nya. Nakikita nya ang sword ko?

"I'm an Ice user. Remember?!" ngisi nya.

Pero nagulat ako ng saksakin nya ako mismo ng fire sword nya, yung ikamamatay ko na. Nagulat at napatayo ang lahat.

"MISS WATRIUS!"

Napahiga na ako sa sahig, hindi ko kayang gamutin ang ganito kalala.

Ngumiti lang sa kanila si Amy. Tsk. Now I know.

"Hindi ko naman sya sasaktan ng ganyan, kung hindi ko kayang gamutin." ngisi nya at umupo sa harap ko, tinapat nya ang kamay nya sa sugat ko at umilaw yon.

"Ikaw! Sa susunod, wag kang lutang!" at nag roll eyes sya pero tumawa din. Ngumiti lang ako. Pagkatapos nya akong gamutin ay nakahinga ng maluwag ang lahat at ako umupo at ginulo ang buhok ni Amy.

"Akala ko papatayin mo na ako eh, mawawalan ka ng kuya Eirwin." Siguro sa iba ay biro lang iyon pero may ibig sabihin yon.

"Mapapatay ba kita?" ngiti nya.

"Muntikan na nga eh!" tawa ko.

"Dapat pala ay hindi na kita ginamot."

"Ahh... Gusto mo nga akong patayin?" taas ko ng kilay. Tinawanan nya lang ako.

*********
We have this hope
As an anchor
For the Soul
Firm and Secure

Hebrews 6:19

The Long Lost Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon