Chapter 17

7K 276 1
                                    


A M E T H Y S T

"Ikaw gumising!"

"Gisingin nyo na kase para maka-alis na tayo!"

"Ayoko! Baka maging yelo pa ako!"

"Mahal ko buhay ko."

"Eh paano tayo aalis, alangan namang iwan natin yan dito edi mas lalong nagalit yan!"

Nagising ako sa ingay. Sino ba yon! Sabi ng ayaw kong ginigising eh!

"What are you doing here?!" bungad na sigaw ko. Sila Darya pala, lahat ng babae ay nadito. Mukha naman silang nagulat.

"A-ahh ano kase.. Ahh"

"E I O U?" sarkastiko kong tanong at nagtaas ng kilay.

"Gigisingin ka kase namin dahil aalis daw tayo at magm-mall!" sabi ni Katherine.

"Sige, mag-aayos lang ako." matapos kong sabihin yon ay lumabas na sila.

Ako naman ay naligo na at nagbihis ng knee length red dress, naglagay lang din ako ng light make up, pagkatapos ay bumaba na ako at nakita silang kumpleto na kumakain.

Umupo na ako sa tabi ni Zach dahil doon nalang ang bakante. Kumain na lang ako, sila naman ay nagkukwentuhan.

Matapos kumain ay nag prisinta ang kambal na mag-hugas ng pinagkainan. Tinatamad ako eh.

"Saan mall tayo pupunta?" tanong ko habang pasakay ng limo, buti nalang at may limo kami at dumalaw si tay Ben kanina, ang dati naming driver. Sya pala ang caretaker ng bahay nung umalis sila mom.

"kahit saan." sahot ni Katherine. Ang tahimik ng boys.

"Good moring, mga ma'am at sir." bati sa amin ni tay Ben, pinupunasan nya ang limo. Sya ang magda-drive sa amin ngayon.

"Good morning din po." sagot namin, pinagbuksan nya naman kami ng pinto.

"Sanay na ba kayo sa mall dito? Baka maligaw kayo." sabi ni Liam. buti naman at may nagsalita ng lalaki.

"Oo nga, baguhan pa lang kayo." si Luke.

"Not me!" singit ko.

"Diba kasama ka din nila?" tanong ni Caleb.

"Dito ako tumira for 17 years. 4 months ago ng umalis ako dito at pumunta sa Academy."

"Pero tatlong linggo ka pa lang sa academy." si Darya.

Sa Gods and Goddesses pala yun!

"Uhh, nag-training muna ako bago pumasok ng academy." palusot ko.

"Okay!" buti naman at hindi na sila nagtanong.

Nakarating din kami agad ng mall.

"Shopping tayo." yaya ni Aella.

"Nag-shopping na tayo nung isang-araw." sagot ni Chand.

"Pake mo ba! Eh gusto ko mag-shopping!"

"Ganito nalang, hiwa-hiwalay nalang tayo, tapos kita kita nalang tayo sa arcade, okay?" sabi ko.

"Sige, mag-grocery lang kami ni Kathleen." sabi ng kambal at umalis na.

"Mag-iikot lang kami."

"Kami din"

Umalis na sila Jacob, pati sila Andrea at Katelyn. Kami nalang ng royalties ang naiwan.

The Long Lost Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon