A M E T H Y S T
2nd Day na ng Magic Festival at nag-enjoy nga ako kahapon. Sobrang enjoy!
"Amy! Let's Go!" aya nila sa akin kaya sumabay na ako papunta sa booth.
"Nung pumunta pala ako sa room mo kagabi, may nakita akong dalawang box at roses sa study table mo, kanino galing yun?" tanong ni Alira. Nakita nya pala?! Hindi ko kasi sinabi sa kanila about sa 'Secret Admirer' ko.
Napatingin naman sa amin si Zach. Problema nya?
"Anooo... H-Hindi ko kilala eh." sagit ko at napakamot ulo.
"So you mean... It's from yoir secret admirer, ganun ba?" kunot noong tanong ni Aella.
"Siguro?" tanong na sagot ko.
"Ohh.... So someone is trying to destroy our AiThyst?! Pag nakilala ko ang lalaking yon, I will surely papakain sya sa lupa." natawa nalang kami sa pag-eenglish ni Alira.
"Hhmm! Ako, lulunudin ko sya sa tubig!" sabi ni Darya at naglabas pa ng water ball.
"Papalipadin ko naman sya hanggang Dark Kingdom." ang sabi naman ni Aella at nagpahangin ng malakas kaya napatingin sa kanya ang mga estudyante na tinaasan nya lang kilay. Taray.
Napansin ko naman si Zach na napangisi at nauna ng maglakad sa amin. Psh.
****
"Kung sino ka mang Zaden ka! Sorry. Pero may mahal na akong iba."
-Amy."Sana mahal din ako ng mahal ko. Pero parang malabo. Kasi may mahal na syang iba."
-Amy.Iyan ang isinulat ko sa Message Board namin dito sa booth. Madami na ang naka-sulat doon kaya sa gilid ko yun nasulat. Sana mabasa nung Zaden.
At yung pangalawa namang sulat ay para yun kay Zach. Ang sabi nya noon ay may mahal na syang iba. At ang sabi naman nila Aella ay naka-takda na syang ikasal sa prinsesa. So wala talaga akong pag-asa diba?
KINABUKASAN. Pangatlong araw na ng Magic Festival. Last day na din pala ngayon.
Naglalakada ako sa field, may nadadaanan din akong mga booth. Nag-iikot-ikot ako. Ganun din ang royalties pero humiwalay muna ako.
Nandito na ako sa bandang dulo, may nakita akong itim na tent, wala masyadong pumapasok, pero curious ako kaa pumasok nalang ako.
May tatlong upuan at isang bilog na lamesa ang nasa gitna. Ang paligid naman ay may mga kung ano-ano na display.
Sa gitna ng lamesa ay may bolang crystal. May isang babae naman ang pumasok sa tent at naka-itim sya, madaming mga naka-sabit sa kanya.
"Gusto mo bang magpahula?" tanong nya. So manghuhula sya?
Medyo matanda na sya, siguro nasa 40's siya?
"Pwede po ba?"
"Oo naman, maupo ka." sabi nya at umupo sa isang upuan, umupo naman ako sa harap nya. Hinawakan nya ang kamay ko at pumikit.
Maya-maya ay bigla syang napamulat at napabitaw sa akin. Tuminhin sya sa akin na nanglalaki ang mata.
"Tandaan mo, hija. Hindi lahat totoo. Madaming traydor sa paligid. Kaibigan laban sa kaibigan. Hindi lahat tapat sayo. Gugulo ang lahat. Madaming nakatago, madaming kasinungalingan. May darating na magpapagulo sa lahat. Mapapa-alis ang mabuti, paniniwalaan ang masama." sabi nya na nagbigay sa akin ng takot.
Hindi lahat totoo.
Madaming traydor sa paligid.
Kaibigan laban sa kaibigan.
Mapapa-alis ang mabuti.
May darating na magpapagulo sa lahat.
**********
Nothing
Can stop
God's
Plan for
Your Life.Isaiah 14:27
BINABASA MO ANG
The Long Lost Legendary Princess
FantasíaPrincess Series #1 AMETHYST AMETHYST: Elemental Kingdom Princess She is Amethyst Aphrodite, she is a beautiful woman and has a good heart and mind. A loving daughter and friend. As she enter the world of magic, many things will change. Happy life w...