Chapter 11

7.5K 309 5
                                    

A M E T H Y S T

"Mag-iingat kayo doon, ikaw na ang gumabay sa kanila Ms. Watrius, iba ang buhay doon sa buhay natin dito."

"Yes, Headmaster!" sagot namin.

Pumasok na kami sa portal na ginawa ni Headmaster papuntang Mortal World, namimiss ko na ang bahay namin doon.

Paglabas namin ay sa park kaya pinagtitinginan kami sa suot namin.

Naka long dress kasi kaming mga babae at naka cloak base sa mahika namin. Naka-suot din ng tiara sila Darya, Aella, at Alira. Ganon daw talaga pag prinsesa.

Mortal World nga diba? Hindi naman sila Prinsesa dito!

Tinanggal ko ang hoddie ko at humarap sa kanila.

"Malapit dito ang bahay namin, tara na." aya ko sa kanila.

"Amy, ganto ba talaga ang mga damit dito?" tanong ni Kuya Aster.

"Oo kaya mamaya ay aalis tayo para bumili ng mga damit nyo, sila Aella lang ang mapapahiram ko ng damit."

Naglalakad kami papunta ng bahay ng madaanan namin ang apat na bakla na naka-upo sa bench ng park. Pinag-titinginan nila kami at bumubulong. Tumayo sila at lumapit sa amin at inikut-ikutan kami na parang sinusuri.

"Bakla! Ang taray ng damit oh! Cost player kayo?! Taray ah!" sabi nung isa.

"Ano yun, Amy?" anong ni kuya Chand using telepathy.

"Mukha kasi tayong cost player dahil sa suot natin." Sagot ko.

"Mga bakla! Ang ga-gwapo oh! Fafa! Anong name nyo?" taong naman nung isa. Ang mga kasama ko ay hindi maka-palag dahil hindi nila alam ang gagawin.

"Taray oh! Mga mukhang prinsesa! May tiara, bakla!!" sabi pa nung isa at hahawakan na sana si Aella ng biglang napa-atras lahat ng kasama ko.

"Ang ilap, bakla!" tawa ng isa.

"Mga bakla! Saang costume party kayo pupunta at ganyan ang gayak nyo? Sama kami!" sabi ng isa at nag high five silang apat at tumawa.

"Pasensya na po. Ngunit kailangan na naming umalis ng mga kaibigan ko. Excuse us!" singit ko. Magsasalita pa sana yung isa ng umilaw ang mata ko ng kulay pula kaya sila naman ang napa-atras. Nanlalaki pa din ang mata nila ng kumaripas ng takbo kaya malaya na kaming umalis.

"Anong ginawa mo, Amy? Bakit tumakbo sila?!" tanong ni kuya Aster sa likod ko.

"Wala. Tinakot ko lang." sabi ko at nagsimula ng maglakad. Sumunod naman sila.

**

"We're here!" sabi ko at binuksan ang gate ng mansion.

Kasya naman siguro kami dito, madami namang guest room.

Dumiretso ako sa kwarto ko at kumuha ng apat na dress. Sinuot ko na yung knee length purple dress ko at flat shoes.

"Aella, Darya, Alira. Taas kayo dito dali!" sumunod naman sila at pumasok sa kwarto ko.

"Ano yun Amy?"

"Suot nyo to." binigyan ko sila ng dress. Blue ang kay Aella, Green kay Darya, at Brown kay Alira. Tapos pinahiram ko din sila ng flat shoes. Buti nagkasya sa kanila.

"Paano naman sila Chand?" tanong ni Aella.

"Tara sa baba!" hinila ko sila.

"Wow!" ngiti nila, si Zach wala lang, nakatitig sa akin.

The Long Lost Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon