A L I R A
Naguguluhan pa din kami sa nangyari.
Pero si Amy ang iniisip namin. Nasaan sya?
"Where's Aphrodite?!" sigaw sa amin ni Master Aiden. Kailangan talaga sumigaw dahil maingay ang paligid dahil sa pagyanig ng lupa, at sa napakalakas na ulan, at sa mga sigawan ng elementalian.
"We don't know!"
Pumasok kami sa double door sa harap namin at doon nakita sila Tita Wendy at Tito Armel na magkatabing naka-higa sa sahig habang si Amy ay buhat buhat ang ulo nilang dalawa na nakapatong sa lap nya habang naka sara ang mga kamay na galit na galit.
Nagayon ko lang sya makita na magalit ng ganito.
"Amy!" napatingin sya sa amin ng luhaan. Lumapit kami sa kanya, yinakap namin syang tatlo, isinandal ko naman ang ulo nya sa balikat ko at hinahagod sya nila Darya at Aella.
Ang apat na lalaki naman ay pinupulsuhan sila tita at tito. Tumingin sila sa amin at umiling.
Lalo naman napa-iyak si Amy at mas lalo pa din lumakas ang ulan na para bang dinadamayan si Amy.
Nakasara ang kamao nito at nakatitig lamang sa sahig na para bang may binabalak na masama.
No!
Sana mali yon!
Ayaw kong nasasaktan ang mga kaibigan ko, lalo na si Amy dahil sya ang bumuo sa aming magkakaibigan at sa buong Elemental World. Binuo nya ang lahat dahilan para makampante kami.
*****
A E L L A
Tatlong araw na matapos ang pagkamatay nila tita at tito.
Mabuti nalang at hindi nagbago si Amy. Masayahin pa din sya gaya ng dati at iche-cheer ka kapag may problema, pero isang gabi narinig ko sya sa kwarto nya na umiiyak.
Magaling sya magtago. Magtago ng nararamdaman.
Sa likod ng masaya at mga nakangiti nyang labi ay kalungkutan. Ang isang jolly, childish, at masungit na Amethyst ay may itinatagong malungkot, at galit na Amethyst.
Nandito kami sa hallway at naglalakad. Madami ang napapatingin sa amin lalo na kay Amy.
Alam kasi nila ang nangyari sa kanya kaya buong academy ang dumamay sa kanya. Ganun namin sya kamahal. Napalapit na sya sa puso ng iba pang students.
"Amy, are you really sure na kaya mo na?" tanong ko. Tumingin naman ito sa akin at ngumiti... ng peke.
"Aella. How many times do I have to tell you that, Yes, I can! I'm strong!" sabi nito habang nakangiti pa din ng peke pero sadyang traydor talaga ang mga mata nya na nagpapakita ng sakit.
A M E T H Y S T
"Amy, always remember that we're always here for you. We can be your crying shoulder." Sambit ni Darya sa kabilang tabi ko.
"And we're always here by your side in bad and good times." singit ni Alira. Yinakap ko silang tatlo.
Sana nga...
Sana nandito sila parati sa tabi ko...
Kapag kailangan ko ng karamay...
"WOAAHH!! Sali naman kami dyan!" sabay na sigaw ni kuya Chand at kuya Aster kaya binatukan sila ni kuya Eirwin.
Yinakap din namin sila pero hindi sumama si Zach kaya hinila ko sya sa tabi ko at sinali sa group hug.
Sana ganito nalang palagi.
Sana wala ng dumating na gulo.
Natatakot ako na baka magkahiwa-hiwalay kami, lalo pa at alam ko na. At napamahal na din ako sa kanila.
**********
Let the
Peace of Christ
Rule in your Hearts.Colossians 3:15
BINABASA MO ANG
The Long Lost Legendary Princess
FantasíaPrincess Series #1 AMETHYST AMETHYST: Elemental Kingdom Princess She is Amethyst Aphrodite, she is a beautiful woman and has a good heart and mind. A loving daughter and friend. As she enter the world of magic, many things will change. Happy life w...