Chapter 41

6.2K 232 3
                                    

Trixie's POV

Pagkapasok ko pa lamang sa kwarto ko sa dorm ay agad kong kinuha ang dagger ko sa closet at tinahak ang daa patungo sa silid ni Aella.

I need to kill this bitch!

Hindi na dapat sya ng sikatan ng araw bukas!

Pagpasok ko ng kwarto nya ay nadatnan ko sya ng nakahiga sa kama at nakatalukbong ang kulay asul na kumot sa kanya, lumapit ako sa kama nya at inambahan na sya ng pagsaksak ng dala kong sandata, pero pagtanggal ko ng kumot ay.... unan lamang ito. Nagulat ako ng may magsalita sa likod ko kaya nabitawan ko kaagad ang dala kong sandata.

"Trying to kill me, Huh?" pagharap ko ay bumungad sa akin ang naka-ngising mukha ni Aella. How did she know my plan?

"N-no! A-aella, That's not what you think-"

"Huh? At anong akala mo sa akin? Tanga? Uto-uto?! Pwes hindi! Hindi ba't balak mo kaming patayin ni Amethyst para hindi matuloy ang paglilitis sa iyo bukas? Upang walang nakapagpatunay na isa kang IMPOSTOR?!" sabi nya at makikita mo sa mata ang matinding galit.

Ilang minuto nya akong tinitigan hanggang sa bahagya siyang kumalma, "Ngunit kahit pa paslangin mo ako, madami pa din naman ang makapagpapatunay na isa kang impostor, Pero hindi pa din kita hahayaang gawin iyon dahil nais ko pang mapanood ang pagpaslang sa iyo bukas kapag napatunayan namin na isa kang impostor, at nais ko din mapanood ang seremonyas ng pagsusuot ng korona sa TUNAY na prinsesa." sabi nya at nginisian ako.

Nagulat ako ng bigla syang mawala sa harap ko, narampaman ko nalang ang presesnya nya sa likod ko sabay ng pagtagos ng kanyang sandata sa katawan ko. Inilapit nya ang bibig nya sa tenga ko at bumulong.

"Inunahan na kita sa balak mong gawin sa akin, pero huwag kang mag-alala, hindi ko nilagyan ng lason ang sandata ko upang hindi ka matuluyan, nais pa kitang mapanood bukas na magmakaawang huwag kang patayin, at matanggalan ng Korona." bulong nya at inilalis ang kanyang sandata na nakatarak sa akin.

Napahawak ako sa tiyan ko kung saan nya ako sinaksak, may tumulo na ding dugo sa aking bibig. At hanggat kaya ko pa ay sinubukan kong maglaho papunta sa kahit na saan. At nagtagumpay nga ako, pagmulat ko ay nasa isang gubat na ako.

Third Person's POV

Pagkalabo ni Trixie ay agad naman lininis ni Aella ang kanyang silid na nabahiran ng dugo, matapos ay lumabas ito ng dormitoryo at tumungo sa isang abandonadong dormitoryo sa isang gusali sa likod ng paaralan.

Pagtaas nya sa pinakatiluktok ng gusali ay dumiretso ito sa pinakadulong aandonadong dormitoryo. Madilim sa gusali na iyun dahil hindi na nagagamit lalo na at gabi na.

Pagpasok nya sa dormitoryo, hindi aakalaing abandonado ito dahil malinis sa loob, marong dalawang silid, may kusina, maliit na sala, at pabilog na hapag-kainan.

Sa sala ay nakatambay doon ang walong babae at pitong lalaki na nasa hapag-kainan at kusina. Pagpasok palang ni Aella ay agad na syang dumiretso sa kusina at kinuha ang baso na may lamang alak at agad itong tinungga.

"Problema mo Aella?" tanong ng lalaki sa likod nito. Umiling lang ang dalaga.

"That bitch tried to kill me! Tama ka nga, Carol. Tama ang basa mo sa isip nya." sabi nya at humarap kay Carol na nakatingin lang din sa kanya.

At tama kayo, sila Carol at sila Aiden ang nasa loob ng dormitoryo. Nilinis nila ito upang maging pribadong dormitoryo nila kung may pag-uusapan na plano.

Ngumisi naman si Amethyst at kumuha din ng alak, tinungga nya muna ito bago magsalita. "She's really a bitch!" saad nya at akmang lalabas na ng dormitoryo ng tawagin sya ni Leen.

"Where are you going?!"

"Pupuntahan ko lang ang mama ko." sabi nya, napakunot naman ang noo nilang lahat.

"Mama mo? Nahanap mo na ang tunay mong ina- Aray!" napahawak naman sa batok si James ng batukan sya ni Carol.

"G*go ka ba?! Sya nga ang nawawalang prinsesa diba?!" bulong sa kanya ni Carol n buti ay hindi narinig ng mga prinsipe at ng prinsesa.

"Oo nga pala." bulong sa sarili ni James.

"Oo, nakita ko na ang tunay kong pamilya." sabi ng dalaga at bahagya silang nginitian bago ito umalis.

Nagtaka naman ang iba na nakakaalam ng tunay nyang pagkatao. Sino ang tinutukoy nyang tunay na pamilya ngayong hindi pa naman nya alam ang totoo?

Nakaramdam naman ng kaba ang ilan sa kung sino ang nagpakilalang pamilya ng kaibigan. Marahil ay iyun din ang dahilan kung bakit naging malamig ang pakikitungo sa kanila ni Amethyst.

Habang si Amethyst naman ay tinatahak ang daan papuntang Dark Kingdom. Iniisip nya ang mga kaibigan na nagtaksil sa kanya, ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang ama, at pagkawalay nya sa tunay na pamilya. Galit ang nararamdaman nito sa mga kaibigan.

Kaya kailangan nyang magpanggap na maayos sila ng mga kaibigan, upang maisagawa ang plano nya sa mga ito.

"They need to die! Papatayin ko sila gaya ng pagpatay nila sa ama ko!"

******
Dark Kingdom...

Nakasilip muli sa isang gilid ang dalaga noon. Nagmamanman sa palasyo. Muli nyang hinila ang kawal na hinila din nya noon at inutusan na bumuo ng grupo laban sa Reyna ng kadiliman.

Agad naman syang nakilala ng kawal kaya agad itong nagbigay galang sa kanya.

"Kamusta ang samahan na ibinilin ko sayo?" tanong ng dalaga.

"Maayos na mahal na prin--"

"Ayoko ng may tumatawag sa akin ng ganyan. Nais kong binibini ang itawag nyo sa akin." malamig na saad ng dalaga na hindi man lang tinitignan ang kawal.

"Patawad, Binibini. Madami ang sumang-ayon na kapwa ko darkens na kalabanin ang Reyna Beatrix. Madaming sumama sa grupo na binubuo nyo. Kalahati na ng Darkens ang sakop natin." pagbabalita ng kawal. Napangisi naman ang dalaga sa narinig na balita.

Wala pa man ay nararamdaman na nya ang pagkapanalo.

"Mabuti, ipagpatuloy mo ang iyong trabaho. Gagawin kitang pangalawang pinuno sa samahan na ito." sabi ng dalaga.

"Karangalan ko ang pagiging pinuno, Kamahalan." saad ng kawal. Aalis na sana ang dalaga ngunit tumigil ito sa paglalakad ngunit hindi pa din lumilingon sa kawal na nakatingin sa likod nya.

"Ano nga palang pangalan mo?" tanong ng dalaga.

"Ako si Raquil, Binibini."

"Pamilya?"

"Meron along asawa na punong-tagasilbi dito sa palasyo. At ang aking limang taong gulang na anak." sagot ng kawal. Tumango lang ang dalaga at nagpatuloy na sa paglalakad sa mahabang pasilyo.

"Ako ang magtatagumpay sa digmaan! Malapit na ang iyong kamatayan, Ina!" saad nya at ngumisi.

*******
Faith is confidence
In God and a belief
That his Promises
Are true.

Romans 8:15

The Long Lost Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon