A M E T H Y S T
Mahigit 3 buwan din akong nag-ensayo sa tulong ng mga Gods and Goddesses. Nalaman ko na daw lahat ng dapat kong malaman, pero kalahati pa lamang ng mahika ko ang nailalabas ko, sa ika-labing walong taon ko daw lalabas ang tunay kong lakas.
Hawak ko ang anim na elemento at itim na mahika ngunit bawal iyon malaman ng iba. Kaya napagdesisyunan namin na Ice lang ang gagamitin ko. Hindi pa din lumalabas ang itim na mahika ko pero meron ako nito.
Nandito kami ngayon sa hardin at kumakain ng umagahan. Nang may tanong na pumasok sa isip ko.
G O D D E S S M A U V E
"Nasaan nga po pala si Prinsesa Amethyst?" tanong ni Amethyst.
"Hindi pa sya maaring bumalik dito, Amethyst." tanging sagot ni Alizeh.
"Nasasabik na akong makilala ang prinsesa." matamis na ngiti ang binigay nya sa amin.
'Ngunit bakit parang may parte sa akin na..... Kilala na sya.' basa ko sa isip ni Amethyst. Napangiti ako.
"Ngunit bakit po ba kailangang ilayo ang prinsesa at palabasin na patay na sya?"
"Nagkaroon ng digmaan noon sa palasyo dahil nais nilang kunin ang prinsesa, nalaman nila na sya ang nasa propesiya at hawak nya lahat ng elemento at abilidad. Kaya nais nilang kunin ito para gamitin sa kasamaan."
"Ngunit ang Hari po ng Dark Kingdom ang ama ng prinsesa diba?" tanong nyang muli.
"Oo, maayos pa ang lahat noon, magkaibigan ang dark and light, walang away. At doon nagsimula ang pagmamahalan ni King Blake Hamilton ng Dark Kingdom, at Queen Hyacinth Emerson-Hamilton. Naging unang anak nila ay si Prince Eirwin Storm Hamilton. Ang Elemental Queen at ang anak nito, sila ang matataas sa mundo natin, ngunit hindi gaya ng prinsesa, sa lahi nila ay 1 hanggang 3 lamang ang pwede nilang makuha. Ice, Fire at Water ang mahika ng Reyna, Dark magic naman ang sa Hari. Si Prince Eirwin ay Ice, Light at Nature. Hindi nya nakuha ang Dark magic sa ama nila. Si Princess Amethyst Aphrodite Hamilton, sya ang kanilang bunsong anak, sya ang natatanging may hawak ng lahat ng elemento sa kanila pamilya dahil nga sya ang itinakda.
"May kapatid si King Blake, si Queen Beatrix, gusto nyang maging reyna, pero ang kuya nya ang naging hari, at mas lalo pang nagalit si Queen Beatrix ng malaman nyang nagmamahalan sila Queen Hyacinth at ang kapatid nya. Kaya unti unti nyang nilalason ang utak ng mga Darkens at nagplano na pabagsakin si King Blake. Doon nagsimula ang away sa Light at Dark. Sumugod ang mga Darkens noon upang makuha ang anim na makapangyarihang bato at ang prinsesa para patayin ito. Ngunit bago pa nila iyon magawa ay inunahan na namin sila, nasa plano namin ang lahat, gumawa kami ng pekeng sanggol at pinalabas na iyon ang prinsesa at patay na.
********
Madami pang tinanong sa amin si Amethyst, Tungkol sa kanyang mahika at sa Elemental World.
"Amethyst" tawag sa kanya ni Flint.
"P-Po?!" takot talaga siya kay Flint.
"Ngayon na ang alis mo" walang emosyon na sabi nito.
"Po? Pinapaalis nyo na ba ako?" Parang naluluha na tanong nya kaya nataranta si Flint kami naman ay napatawa. Napatayo sya sa pagkakahiga sa damuhan at tarantang tumingin kay Amethyst na pekeng humihikbi.
"H-Hindi! Shh! W-Wag kang umiyak! Shit! Ang i-ibig kong sabihin ay nga-ngayon na ang alis mo patungo s-sa Academy!" Napangiti naman ng malaki si Amethyst.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Legendary Princess
FantasiPrincess Series #1 AMETHYST AMETHYST: Elemental Kingdom Princess She is Amethyst Aphrodite, she is a beautiful woman and has a good heart and mind. A loving daughter and friend. As she enter the world of magic, many things will change. Happy life w...