A M E T H Y S T
'Pupunta daw dito si Queen Hyacinth.'
'Minsan nga lang sya lumabas ng palasyo diba? Siguro sobrang importante ng pagpunta nya dito.'
'Baka dadalawin si Prince Eirwin.'
'Gaga! Hindi nya dinadalaw dito si Prince! Si Prince Eirwin mismo ang pumupunta ng palasyo.'
'Eh malay mo diba.'
Si Queen Hyacinth? Ang reyna ng Elemental World?
'Amethyst!'
'Goddess Mauve?' tanong ko sa isip.
'Hindi ka pwedeng makita ni Queen Hyacinth! Umalis ka na dyan!' sabi nya.
'Bakit?' sabik akong makilala sya.
'Basta! Umalis ka na dyan, Amethyst.'
'Saan naman ako pupunta?'
'Sa.... Sa..... Sa lugar na hindi ka nya makikita! Tama! Pumunta ka dito sa Palasyo ng mga Dyos at Dyosa. Gumawa ka ng portal!'
'Bakit ba bawal nya akong makita? Sabik akong makilala sya!'
'Hindi pa ngayon ang tamang oras, mahal kong alaga. Maiintindihan mo din ako. Paglalaruan muna natin ang mga darkens!'
Matagal pa kaming nagtalo, sa huli ay napapayag nya din ako kaya pumunta ako sa hardin upang doon gumawa ng portal, tinuruan nila ako.
Hindi ko naman maintindihan si Goddess Mauve eh!
Sabik akong makita sya!
May parte sa akin na gusto syang makita.
Nakarating ako sa palasyo nila, pumunta ako sa kubo, nandoon silang lahat.
"Goddess Mauve naman eh! Bakit bawal?" at nag tantrums ako sa harap nila.
"Paglalaruan natin sila Amethyst."
"Sino? Ang Darkens?"
"Wala ng iba!" ngisi nila.
"Teka, bakit ba? Anong konek ko sa kanila at sa reyna Hyacinth?"
"Makikilala ka ni Queen Hyacinth kapag nakita ka nya. Isa pa, nakalimutan mo bang kaya kong malaman kung ano ang mangyayari sa hinaharap?"
"Gusto ko ngang makilala si Queen eh. At saka, anong mangyayari sa hinaharap?" ngumiti sya.
"Mapaglarong tadhana, Amethyst!" ngisi nya.
"Huwag kang mag-alala, makikilala mo na ang magulang mo."
"Sa ngayon, makiki-sakay muna tayo sa plano ng darkens."
A I D E N Z A C H
Nasaan ba ang babaeng yelo na yun?
Kanina pa sya hinahanap dahil nais syang makilala ng reyna.
Pa-importante talaga. Tsk.
"Mom, wala talaga si Amethyst, hinanap na namin sya sa buong school." sabi ni Eirwin sa Queen Hyacinth.
Nandito kami sa conference room sa school, dito ginaganap ang mga importanteng meeting. At lahat ng mga reyna at hari any nandito ngayon pati si Queen Hyacinth na mataas sa lahat.
Lahat sila, gustong makilala si Amethyst ng malaman nila ang ginawa nya sa forbidden zone o sa hardin na matagal ng patay.
Sa totoo lang, labag sa loob ko ang sinabi ko kahapon na hindi sya ang prinsesa, iba ang pakiramdam ko sa kanya, pero.... parang imposible na posible na sya iyon.
Narinig ko din ang sinabi ni Eirwin ng mag walk out ako, tama sya, maaring pinoprotektahan lang siya ng mga dyos at dyosa.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.
Nakita kong parang komportableng- komportable si Eirwin na naka-upo na para bang walabg importanteng bagay na pinag-uusapan. May koneksyon din naman sa kanya ang topic.
Nagtaka din ako kanina sa inakto nya ng pigilan nya kami na pigilan si Amy, parang alam nya ang mangyayari.
Saan ba kasi nagsuot ang babaeng yon?
Binasa ko ang isip ni Eirwin.
'This is not the right time!' -Eirwin. Kaya kina-usap ko sya using telephaty.
'What do you mean by.. 'This is not the right time'?' - tanong ko.
Tumingin sya sa akin ng gulat kaya tinaasan ko sya ng kilay. Umiling sya.
Tss.
"Mom, next time mo na lang sya kilalanin. Magpahinga nalang po muna kayo."
"But-"
"Please"
Wala ng nagawa ang mga hari at reyna dahil kanina pa talaga kami naghihintay sa kanya. Sa hulo, umuwi sila ng palasyo ng bagsak ang balikat.
Nasaan ba talaga ang babaeng yon!
Sya lang ang nakapag-pahintay sa mga hari at reyna ng ganoon katagal.
Tss.
************
Let us Fix our eyes
On Jesus, The Author and
Perfecter of our FaithHebrews 12:2
BINABASA MO ANG
The Long Lost Legendary Princess
FantasyPrincess Series #1 AMETHYST AMETHYST: Elemental Kingdom Princess She is Amethyst Aphrodite, she is a beautiful woman and has a good heart and mind. A loving daughter and friend. As she enter the world of magic, many things will change. Happy life w...