Amethyst's POV
"AAAAAHHHHHHHH!!!! Mga walang kwenta!! Paano nila nalaman ang planong pagsugod?!" sigaw ni ina sa harap ng kanyang mga nakayuko at nakaluhod na natirang kawal. Gaya ng una, kakaunti lang ang nakaligtas sa pag-salakay sa elementalians dahil nakapag-handa sila.
Hindi pa lumalamig ang ulo ni ina ay may isa nanamang kawal ang pumasok sa bulwagan. At base sa nakikita kong mukha nito ay alam kong may masama nanaman itong dalang balita.
Mabilis syang nagbigay galang sa reyna at nagsalita, "Mahal na reyna. May--"
"Ano?! Anong balita! Siguraduhin mong magandang balita iyan!!!"
"P-patay na po si Kilford."
Mas nag-init naman ang ulo ni ina sa narinig kaya naibato nito ang hawak na baso ng alak sa sahig.
"Aaarrrgghhhhhh!!!!!! Paano namatay si Joshua??"
"Nakita lamang namin ang bangkay nya sa Dark Forest nang duman kami doon upang magmanman muli sa Academia. May saksak ito sa leeg. Naagnas na ito kaya sigurado akong ilang araw na ang nakalipas ng patayin sya." nakayukong saad ng kawal.
"Mga walang kwenta! Lahat nalang ng inuutos ko palpak!!" sigaw muli sa kanila, nagpabalik-balik naman ng lakad si ina sa harap ng trono na animo'y nagpaplano.
May isang kawal ang lumapit sa kanya, "Mahal na reyna, hindi kaya't mayroon tayong taksil dito sa palasyo?"
Napukaw naman ang atensyon ni ina kaya agad itong napatingin sa kawal na nagsalita.
"Malinis at maayos trumabaho si Kilford, walang makaka-pansin sa kilos nya sa Academia, maaring pinatay sya ng isa sa mga tauhan dito na syang traydor." patuloy ng kawal.
"Isa pa, sino sa tingin nyo ang nagsabi sa elementalians ng mga kilos natin?"
Parang nasagot naman ang lahat ng tanong sa isip ni Ina, humarap ito sa akin, "Bilang prinsesa, nais kong ikaw ang tumuklas kung sino ang traydor na tinutukoy ng kawal." bilin nya sa akin bago lumabas ng bulwagan.
Kailangan ko ng malaman kung sino ang traydor! Dahil kung hindi ay maari din nyang malaman kung ano ang plano ko sa elementalians at masira pa iyon!
Aella's POV
Lumapit ako sa kama na hinihigaan ni Darya at Alira, hanggang ngayon ay tulog pa din sila. Wala kaming maibigay na lunas sa kanila dahil hindi namin alam kung sino ang prinsesa, hindi nga namin alam kung nasaan sya o kung buhay pa ba talaga sya.
Malapit ng nagdalawang buwan, dalawang araw na lamang bago iyon matapos ngunit wala pa din kaming lunas. Madalas ay pinagpapawisan na sila Alira kahit na naka-higa lamang sila, siguro ay tanda na iyon na malapit ng nagdalawang buwan.
Pero hindi dapat kami mawalan ng pag-asa.
Hinawakan ko ang kamay ni Alira at Darya, "Sorry, sorry dahil hindi ko alam na nilalason na pala kayo ng impostor na yun. Sorry dahil nagalit ako sa inyo s kadahilanang kinakampihan nyo sya, hindi ko alam na nilalason na pala nya kayo. Patawad mga kaibigan ko." saad ko sabay yakap sa kanilang dalawa.
Napa-upo lamang ako ng maayos ng biglang bumukas ang pinto ng silid nila Alira. Pumasok dito si Amethyst na kunot ang noong nakatingin kila Darya. Sandali pa bago ako mapansin nito at tumabi sa akin.
"Bakit ngayon ka lamang nagpakitang muli, Amy? Hindi mo ba alam ang nagyari kila Alira? simula ng makita ka namin noon sa cafeteria ay hindi ka na nagpakita pati sa paglilitis ni Trixie." dirediretso kong sabi sa kanya ngunit nanatili lamang ang kanyang mata sa walang malay na sila Alira at Darya.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Legendary Princess
FantasyPrincess Series #1 AMETHYST AMETHYST: Elemental Kingdom Princess She is Amethyst Aphrodite, she is a beautiful woman and has a good heart and mind. A loving daughter and friend. As she enter the world of magic, many things will change. Happy life w...