T H I R D P E R S O N
"Amethyst, nag-iba ka na! Ano ba ang nangyayari sayo?" kunot noong tanong sa kanya ng Dyosa ng Tubig(Anahita). Malamig syang tinignan ng dalaga.
"Pinatay nila ang ama ko, masasama sila!"
Alam nilang lahat na mangyayari ito, pero hindi nila inaasahang magiging malamig ang pakikitungo ng dalaga at maniniwala ito sa kasamaan ng Darkens.
"Amethyst, hindi sila ang pumatay sa ama mo!" ang Dyos ng Kadiliman(Drake).
"Ang sinabi ng ina ko ang paniniwalaan ko!" sigaw sa kanila ng dalaga.
Lumapit sa kanya si Goddess Mauve at hinawakan sa magkabilang braso.
"Kailangan mo ng malaman ang lahat, kailangan mo ng malaman ang totoo. Sasabihin ko na sa iyo kung sino ang tunay mong pamilya, Amethyst. Hindi ako papayag na gamitin ka ng ina-inahan mo sa kasamaan. Makinig ka Amethyst...."
C A R O L
"Anong meron at tila masaya ang mga estudyante?" tanong ko sa mga kasama ko habang naglalakad sa pasilyo.
Masasaya ang mukha ng bawat isa at mukhang nasasabik.
"Hindi din namin alam." sabay-sabay na sagot nila. Biglang lumapit sa amin si Aella na may malaking ngiti sa labi. Oo, nagka-ayos na kami. Pati sila Prince Aiden, at Prince Eirwin. Tanging ang apat na lang ang hindi.
"Aella, anong meron? Tila masaya ang lahat?" tanong ni Andrea. Napangiwi naman si Aella.
"Magkakaroon daw ng Grand Ball para kay Amy-- Pekeng Amy pala. Psh. Gagawan nila ng engrandeng party ang isang impostor?! Isa pa, doon na nya mame-meet si queen Hyacinth. And for her birthday. So tatlong celebration ang magaganap. Ang pagganap nya na prinsesa, ang pagkilala sa reyna, at ang birthday nya." sabi nya at umirap ka sa hangin kaya lahat kami ay napangiwi na din. "Teka may itatanong pala ako sa inyo." dugtong nya.
"Ano?"
"Paano nyo pala nalaman na peke ang prinsesa na nakilala namin, kilala nyo ba ang tunay na prinsesa?" tanong nya kaya nagkatinginan kami. Tinaasan ako ng kilay ni Kate at nag-iwas sila ng tingin na para bang may hinahanap. Tsk.
Humarap ako kay Aella. "You want to know who is the real princess?" agad naman syang tumango, nginitian ko sya at inilapit ang bibig sa tenga nya at bumulong. "She is Amethyst Aphrodite." bulong ko dahilan ng pagkasimangot nya.
"Alam ko na yung name nya! Ang gusto kong malaman ay kung sino sya at ano ang ginagamit nyang pangalan!"
"Amethyst Aphrodite is her name!" natatawa kong sabi. Maging ang mga kaibigan ko sa likod ay tumatawa at nakuha agad ang ipinupunto ko.
"Ehh?" kumunot ang noo nya kaya mas lalo kaming natawa.
"HAHAHA!! Think about it, Aella!" sabi ng kambal at naglakad na kami, iniwan si Aella na nakasimangot.
Nandito naman kami sa cafeteria with the two prince and Aella.
"Wait, diba bukas na birthday ni Amy?" tanong ni Caleb kaya nabilaukan kami sa kinakain.
"Oo nga pala! Muntik ko ng makalimutan." si Kate.
Dapat pala ay maihanda namin si Amy bukas, masakit at mahirap ang pagdadaanan nya. Mahihirapan syang ilabas ang tunay nyang lakas. Alala kaming nagkatinginan ni Kate.
"Kailangan natin maka-usap si Goddess Mauve about this. Kapag hindi tayo na alerto bukas, maaring madaming mamatay." Telepathy ko kila Kate, Alexa at Alexis.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Legendary Princess
FantasíaPrincess Series #1 AMETHYST AMETHYST: Elemental Kingdom Princess She is Amethyst Aphrodite, she is a beautiful woman and has a good heart and mind. A loving daughter and friend. As she enter the world of magic, many things will change. Happy life w...