Chapter 49

7.4K 267 20
                                    

A M E T H Y S T

Nagising ako dahil sa ingay ng TV, kinusot ko ang mata ko bago tignan ang paligid. Sila Aella at Chand na magkayakap sa sofa, nakasandal naman ni Darya Kay Aster, Naka akbay naman si kuya Eirwin kay Alira.

Magkakatabi naman sila Kate at ang ibang boys. At ako na nakaunan kay Aiden na nakasandal sa sofa. Nakasandal sya sa dulo ng sofa at ako naman ay naka-unan sa lap nya. Kawawa naman ang hubby ko. Baka magka-stiff neck ang ito.

Bumangon ako at dahan dahan kong inalalayan ang ulo nya na humiga naman sa lap ko. Tulog pa naman sila. Napuyat kasi kami kagabi dahil nanuod kami ng movie pagkatapos kumain ng hapunan kaya hindi na din naka-uwi sila Zach sa dorm nila.

Bukas pa din ang TV at makalat. nakakalat ang mga pinagkainan nila ng snacks.

Napatingin ako kay Zach, ang cute nya matulog. Mukhang inosente. Mapula pa ng ang labi nya, daig pa ako. Makapal din ang mushroom hair nya at May mga ilang hibla pa ang nasa mukha nya na mas nagpagwapo sa kanya. Hindi ko naman masisisi ang mga babaeng nagkandarapa sa kanya. Dumapo naman ang mata ko sa matangos niyang ilong hanggang sa singkit nyang mata, pati sa hugis ng kanyang mukha.

"Baka matunaw ako nyan?" pikit mata ngunit nakangisi nyang tanong. Gising na pala ang loko.

"Psh!"

"Tampo ka naman! Halika nga, kiss nalang kita!" Sabi nya, mainggat nyang nilapit ang mukha ko at hinalikan ako.

"Baka magising sila! Ang ingay mo!"

"Hayaan mo sila!"

"Psh! Bangon na nga, magluluto ako!" Agad naman syang tumayo kaya tumayo na din ako. Mahimbing pa din ang tulog nilang lahat.

Pinatay na ni Zach ang TV at pinulot ang mga kalat, ako naman ay nagtali ng buhok at pumunta sa kusina, dahil madami kami ay marami din ang niluto ko.

Pagkatapos kong magluto ay inihanda ko ito sa lamesa at naglagay ng mga kutsara. Pagkatapos ay bumalik ako sa sala. Naririnig ko na ang ingay kaya gising na panigurado ang mga yun. Pagbalik ko ay mga nagkukusot pa ng mata at ang iba ay masama ang tingin kay Zach.

"Oh? Problema nyo? Mukha kayong pinagsakluban ng langit at lupa." tanong ko.

"Eto kasi si Master, ginising kami! Psh!" sumbong ng Leen at inirapan si Zach.

"Psh!"

"Hayyst! Kumain na nga lang tayo!" pag-ayaya ko sa kanila.

"Ikaw nagluto Amy?" tanong ni Liam na nagniningning pa ang mata.

"Sino sa tingin nyo ang magluluto kung tulog pa kayo?" pabalang kong sagot, nagsitakbuhan naman sila sa dining at nag-unahan sa pagkain na akala mo May contest.

"Sarap talaga ng luto mo Amy!" sabi pa ni Jacob habang punong puno ang bibig.

Napailing nalang ako at kumain na din.

"Aiden? Masaya ka yata?" tanong ni kuya Eirwin kay Aiden na ngayon ay ngiting ngiti na umiiling kay kuya Eirwin, problema ng lalaking to?

At dahil kaharap ko lang sya ay sinipa ko ang Paa nito sa ilalim ng lamesa, nakangiti pa din syang tumingin sa akin. Tinaasan ko sya ng kilay pero nginisian nya lang ako at kumain ulit.

*BOOGSH*

"Ano yun?" tanong nila ng marinig ang malakas na pagsabog.

"Sigurado akong sa field yun!" Sabi ni kuya Chand.

The Long Lost Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon