Chapter 40

6.3K 248 5
                                    

T H I R D  P E R S O N

Sa isang napakadilim na gubat, may isang dalaga ang lakad-takbo habang sinusundan ang isang lalaki na naka-itim.

Bumuhos ang napakalakas na ulan ngunit hindi pa din tumitigil ang dalaga sa paghabol.

Hanggang sa maabutan nya ito, hinila nya ang braso ng lalaki at agad na isinaksak sa leeg nito ang dala-dalang espada.

Ngumisi ang dalaga, "Joshua Kilford huh? Traitor!" saad nito at pinagpagan ang kamay bago iwan ang bangkay ng naturang traydor.

Pagbalik nito sa akademya ay agad na pumunta sa palikuran at hinugasan ang kamay at ang mukha. Tumingin ito sa salamin

"Kailangang matapos na ang kasamaan sa mundong ito!" saad nito sa sarili at lumabas ng palikuran.

P R I N C E S S  A ME T H Y S T

Nasaan na ba ang Kilford na yun? Naiinis na ako ah!

Sabi nya, magkita daw kami dito dahil may ibabalita sya sa akin na plano daw nila HM. Tapos ngayon sya pa late?

At dahil naiinis na talaga ako, pumunta muna ako ng cafeteria at bumili ng juice, uupo na sana ako sa malapit na table but someone bumped me! Arrrgghh!

Tumingin ako sa babaeng bumangga sa akin, nanglalaki ang mata nya na nakatingin sa damit na suot ko na ngayon ay basang-basa ng juice. How dare she to messed with a princess like me?!

"S-sorry princess A-amethyst. S-sorry po, sorry p-po talaga!" paghingi nya ng tawad, madami na ang nakatingin sa amin but I don't hella care!

"Luhod!" matigas kong utos, napatingin naman sya sa akin ng gulat na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Tinaasan ko lang sya ng kilay.

"P-po?"

"Ang sabi ko lumuhod ka at halikan mo ang paa ko! Now, do it! Or else, I'll kill you, bitch!" mas lalong nanglaki ang mata nya ngunit agad din syang kumilos kaya napangisi ako.

Luluhod na sana sya, hindi pa lumalapat ang isang tuhod nya sa sahig ng may humawak na sa balikat nya at itinayo sya.

Tinignan ko ang babaeng gumawa noon, and it's Amethyst. Ngayon makikialam din sya?

"Hindi ka luluhod, huwag kayong nagpapa-uto sa prinsesang kinikilala nyo. Hindi mo naman sinadya, hindi ba? Isa pa, nabangga mo lang sya, luluhod ka na?! Mali yon." then she looked at me kaya tinaasan ko sya ng kilay. "And you! Huwag kang mapag-mataas! You're just a princess! You're not a God! Dapat nga nirerespeto mo sila dahil nirerespeto ka nila. Iyan ba ang ugali ng prinsesa? Ang nananakit at nangmamaliit ng nasasakupan? O baka naman.... Hindi talaga IKAW ang prinsesa?!"

"Hah?! Sino kaba para magsabi ng mga ganyan sa akin?! I am Amethyst! I am the Legendary Princess, and you're just an Ice Girl! At dapat, nirerespeto ako!" sinamahan ko sya ng tingin pero nginisian lang nya ako kaya mas lalong uminit ang ulo ko.

Arrrggghhh!!! I hate this girl!

"Talaga? Legendary Princess ka? Parang hindi naman." mapang-asar na mukha ang ipinakita nya sa akin.

"Ho--"

"What's happening here?" napatingin ako sa likod ko kung saan nanggaling ang boses ni baby Aiden ko.

Agad akong lumapit sa kanya at isinukbit ang mga kamay ko sa braso nya, nagpa-awa ako at tumingin sa kanya.

"A-aiden, pinagtutulungan nila ako. Tinapunan nila ako ng juice tapos sinigawan ako ni Amethyst na hindi daw ako ang prinsesa. Tapos i-inaway pa nila ako." pagsusumbong ko at patagong ngumisi. Nakita ko namang napakunot ang noo nya, pati ang iba pang royalies na kasama nya.

"Is that true?" malamig nyang tanong kay Amethyst na ngayon ay seryosong nakatitig kay baby Aiden ko. Psh!

"Ikaw, kanino ka ba naniniwala?" balik na tanong sa kanya ni Amethyst.

Tumingin naman si Aiden sa mga estudyante na nakapaligid sa amin. "Tama ba ang sinabi nya?" taning ni Aiden sa mga estudyante. Lahat sila ay tumingin sa akin kaya nilakihan ko sila ng mata. Makuha kayo sa tingin!!

Agad naman silang tumango kay Aiden kaya napangisi ako.

"See! Sinasaktan nila ako Aide-"

"THAT'S. NOT. TRUE." sigaw ng isang babae sa likod ko, yung bumangga sa akin kanina. Humarap sya sa amin. "Hindi po totoo ang sinabi nya, Prince Aiden. Ang totoo po ay ako ang nakabangga kay Princess Amethyst kaya natapon po ang dala nyang juice sa kanya, nagalit po sya at pinaluhod ako. Nang luluhod na po sana ako, pinigilan po ako ni Miss Amy at pinagsabihan nya lang po si Princess Amethyst na dapat ay nirerespeto nya din po kami gaya ng pagrespeto namin sa kanya. Sya nga po dapat ang mananakit kay Miss Amy, dumating lang po kayo kaya hindi nya natuloy."

Sinamaan ko sya ng tingin bago ibinaling ang aking mata sa royalties na nakatingin din sa akin. Agad na lumapit sa akin si Darya at Alira, tsaka nila isinukbit ang kamay nila sa braso ko.

"Mas maniniwala pa ba kayo sa sinasabi ng mga iyan kesa kay Amethyst. Prinsesa si Amethyst at hindi hamak na mga estudyanteng mahihina lamang sil--" naputol ang pagsigaw ni Alira ng bigla syang sinampal ni Aella.

Kaibigan laban sa kaibigan. Sige lang, mag-away lang kayo! Hindi nyo alam, unti-unti na namin kayong nasasakop!

"At mas kakampihan nyo pa ang IMPOSTOR na iyan, kesa sa mga estudyanteng nagsasabi ng totoo? Mas kakampihan nyo pa ang PEKENG PRINSESANG iyan kesa kay Amy na TUNAY nating kaibigan?!" sigaw din sa kanila ni Aella na dahilan ng paggulo ng isip ng lahat.

"Yes, you heard it right! That bitch beside you is a FAKE! At Hindi ko na hahayaang lokohin pa kayo nyan! Magkita nalang tayo bukas sa piitan, Trixie Hale! Mawawalan ka na ng korona kaya magpakasaya ka na habang prinsesa ka pa! Let's Go, Amy!" Sabi nya at hinila na doon paalis si Amy, sinundan naman sila ni Aiden at Kuya Eirwin.

Tumingin ako kila Darya, Alira, Chand at Aster na nakatingin din sa akin.

"D-darya, A-alira. T-hats's not t-true! Ginagamit lang sya ni A-amethyst para tuluyan na akong mapaalis dito--" hinawakan nila ang kamay ko...

"Mag-kita nalang tayo bukas sa piitan ng palasyo, patunayan mo ang sarili mo kung ikaw ang ang nagsasabi ng totoo." sabi nila at iniwan akong mag-isa. Nagsialisan na din ang mga estudyante at tanging ako nalang ang naiwan.

Now, i need to do something!!! Patayin ang kailangang Patayin!!! Hindi pwedeng mawala sa akin ang korona!!! Kung kinakailangang patahimikin ang pakielamerang Aella at Amethyst na yun, gagawin ko!!! They ruined my plans!!!

Aaarrrgggghhhhh!!!!


************
For I will restore
Health to you.
And your wounds
I will heal.
Says the Lord

Jeremiah 30:17

The Long Lost Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon