Third Person's POV
Masaya ng magkakasama pa din ang magkakaibigan habang nagkukwentuhan at kumakain.
Masaya din namang nakatanaw sa kanila ang mga hari at reyna at ang iba pang panauhin ng palasyo. Lalo na ang reyna Hyacinth, nakatanaw sa isang dalaga na masayang tumatawa.
"Sino nga ulit ang babaeng nagbigay sa iyo ng lunas, Zach?" tanong ni Amethyst sa binata.
"Uhh... her name is... Miss A?"
"Yeah! Alam nyo ba guys! Aiden likes-" dugtong ni Aella na agad naman pinutol ni Aiden.
"I like to eat." dugtong ng binata at muling itinuloy ang pagkain bago panglakihan ng mata si Aella.
"Miss A? Kilala ko sya." napatingin naman sila sa nagsalitang si Andrea.
"How?"
"She's the one who told me na aatakihin tayo ng mga darkens." sabi ng dalaga at ngumuso pa.
"Her look... Her attitude... Her acts.... She is so mysterious." pabulong na sambit naman ni Alexis.
"Guys!" bahagyang sigaw ni Chand dahilan ng pagtingin din sa kanya ng iba pang bisita sa palasyo kaya napayuko nalamang ito. "Kung yung sinasabi nyo kayang Miss A ay si Princess Amethyst? Kasi diba, Amethyst Aphrodite, pwedeng Miss A yon."
Nagkatinginan naman silang lahat at napaisip.
"Alam mo Chand, minsan may paiabang ka din eh, ipagpatuloy mo lang yan." sabi sa kanya ni Darya atsaka ito inirapan.
"Psh!"
"Awat na nga! Pero alam mo Chand, may point ka!" singit naman ni Aella.
"Paano naman kung hindi sya yon?" taas kilay na tanong naman ni Alexa. Napatango naman silang lahat maliban sa mga prinsepe at prinsesa.
"Alam nyo, pag tungkol sa prinsesa Amethyst, ang nega nyo!" sambit ni Alira na sinang-ayunan naman ni Darya.
"Oo nga! Galit ba kayo sa kanya o ano?"
"Eh kasi nga, ang tunay na prinsesa ay si-" naputol ang sasabihin ni Kate ng biglang kumalabog ang napakalaking pintuan ng palasyo kasabay ng pagbukas nito at pumasok ang mga nagmamadaling kawal.
"Mahal na reyna. Ipagpaumanhin nyo kung nagambala namin ang inyong palasyo ngunit may masama kaming balita." sambit ng punong kawal matapos magbigay galang sa reyna na nakatayo sa harap ng trono nito.
"Ano iyon?"
"Nasa labas ang ilan sa mga matataas na kawal ng mga Darkens, nais daw nila kayong makausap dahil may nais ipasabi ang kanilang reyna." sa sinabi ng kawal ay agad na napatayo ang mag-babarkada at ang mga reyna't hari.
"Ako lang ang lalabas, maiwan kayo dito." bilin ng reyna na tinutulan naman ng lahat.
"Hindi maaari, sasama kami sayo mahal na reyna. Hindi ka namin iiwan." sabi ng reyna ng Water Kingdom o si Queen Ara.
"Pero.."
"Tama si Queen Ara, mahal na reyna. Hindi maaring mag-isa ka lamang haharap sa kanila. Paano kung isa lamang itong patibong?" napabuntong hininga nalamang ang reyna at nanguna sa paglalakad patungo sa labas ng palasyo na sinundan naman nilang lahat.
Paglabas ng palasyo ay nadatnan nila ang tatlong pinunong kawal ng mga Darkens at ilan pang mga kawal. Napangisi ang mga ito ng makita ang lumabas sa palasyo.
"Anong kailangan nyo?" seryosong tanong ng reyna.
"Masyado ka namang seryoso mahal na reyna. Hindi nyo manlang ba patutuluyin ang inyong bisita sa inyong palasyo?" tanong ng lalaki sa gitna. Nanatili namang nakatitig lang ang reyna sa kanila.
"Sabagay, wag na. Hindi na rin naman kami magtatagal, may nais lamang ipasabi ang aming reyna." sabi naman ng babae sa gilid.
Tinignan naman muna nila si Amethyst at nginisian ito bago magsalita ang lalaki sa gitna.
"Pinapasabi ng aming reyna na maghanda kayo sa nalalapit na digmaan. Tandaan nyo, May hawak kaming alas..." tumingin ito kay Amethyst, "na hindi nyo inaasahan." sabay ng pagbanggit ng huling salita ay ang kanilang paglaho.
Kate's POV
"Lagay kayo ay pinahihintulutan kong gamitin ang lahat ng armas ng ating paaralan para sa inyong pagsasanay." anunsyo ni HM sa aming mga estudyante.
Oo, magsasanay kami ngayon-- no! Mali! Kami pala ang magsasanay sa mga estudyante. Ituturo namin sa kanila ang lahat ng aming nalalaman at sasanayin sila sa paggamit ng mahika.
Lumapit sa amin si HM "Kayo ang pipili ng mga estudyanteng nais nyong turuan." sabi nya sa amin atsaka kami iniwan.
Nnatali naman ang mga estudyante sa kanilang kinauupuan para malaman kung sino ang magt-train sa kanila. Isa-isa kami lumapit sa kanila at pinili ang nais namin. Ang royalties ay puro Superiors ang pinili, kami naman ay mga Charmers at Manipulators. Pero si Amethyst nalang ang hindi pumipili sa amin. Nanatili syang nakatayo sa gilid at pinagmamasdan ang mga Beginners na malungkot na nakaupo dahil wala pa din ang pumipili sa kanila.
Amethyst's POV
Konting estudyante na lang ang natitira at hindi pa din ako nakakapili. Puro beginners na lang ang natira, sa tingin ko ay nasa 30 silang lahat. Kaunti lang naman ang beginners.
Ngumiti ako atsaka sila nilapitan. "All of you, follow me." sabi ko at umalis at dumiretso sa training room ng maramdaman ako ang presensiya nilang sumusunod sa akin.
Pagpasok sa training room ay dumiretso ako sa mga armas at hinintay silang lahat na makalapit sa amin.
"Pumili kayo ng armas na gusto nyong gamitin." utos ko pero wala ni isa sa kanila ang kumilos kaya tinaasan ko ng kilay.
Attitude!
"Miss Amy? Bakit kami ang pinili mong i-train? Magaling ka at dapat magagaling din ang tinuturaan no gaya ng superiors hindi ang gaya namin na mahina." sabi ng babae sa likod dahilan ng pagkunot ng noo ko.
"O baka naawa kalang sa amin kaya kami ang pinili mo? O di kaya ay wala ka ng choice dahil kami nalang ang natira?" sabi naman ng isang lalaki na mas lalong nagpakunot ng noo ko.
"Guys! Ano bang sinasabi nyo? Pinili ko kayo kasi gusto ko kayong matututo, hindi kayo mahina, okay? Beginners lang kayo, ibigsabihin nagsisimula palang at hindi pa masyadong bihasa sa paggamit ng kapangyarihan. Ganyan din ako dati, mas malala pa nga dahil wala akong alam na kahit ano. Pero ngayon? Kaya ko na. At magagawa nyo din yun kung sususndin nyo ko. Kailangan ay ipanalo natin ang digmaan na ito. Basta't palagi nyong tatandaan, walang mahina, pantay pantay lang tayo."
Nagulat nalang ako ng bigla nila akong dambahin ng yakap na agad ko namang ginantihan.
"Thank you. Thank you po Miss Amy."
"Walang anuman. Ngayon, pumili na kayo ng gagamitin nyong armas ng makapagsimula na tayo." sabi ko at bahagyang lumayo sa kanila ng magsimula na silang pumili ng armas.
Maya-maya lang ang isa-isa silang humilera sa harap ko na may dalang kani-kaniyang armas.
Ngumiti ako ng masilayan ang tapang sa kanilang mukha. "Lagi nyong tatandaan, Walang Elementalian na mahina." sabi ko at isa-isa naman silang tumango at isinigaw ang sinabi ko.
"Follow me, hindi tayo dito magtetraining."
Kumunot naman ang noo nila pero sinundan pa din ako at naglakad.
Tumigil ako sa paglalakad ng marating namin ang gubat sa loob ng academia.
"Dito tayo magtetraining, Miss Amy?" tanong ng isang babae.
"Yes, para walang istorbo." tinignan ko silang lahat, hindi pa ako masyadong pamilyar sa kanila. "Kilala nyo na ako, pero magpapakilala ulit ako. I am Amethyst Watrius, you can call me Miss Amy."
ᜋᜑᜎ᜔ ᜃᜓ ᜃᜌᜓᜅ᜔ ᜎᜑᜆ᜔❤
*******
Jesus replied,
"Very truly I tell you,
No one can see the
Kingdom of God
Unless they are born again."John 3:3
BINABASA MO ANG
The Long Lost Legendary Princess
FantasyPrincess Series #1 AMETHYST AMETHYST: Elemental Kingdom Princess She is Amethyst Aphrodite, she is a beautiful woman and has a good heart and mind. A loving daughter and friend. As she enter the world of magic, many things will change. Happy life w...