Chapter 42

6.1K 255 4
                                    

Amethyst's POV

"Ina?" tawag ko kay ina, nandito kami ngayon sa kanyang silid-tanggapan.

"Bakit, Anak?"

"Hindi ba't ako ang prinsesa? Ikaw na amismo ang nagsabi na anak mo ako..." panimula ko at huminga ng malalim bago tumingin sa kanyang mata. "Maari mo bang sabihin s akin ang lahat ng sikreto mo, o sikreto ng palasyong ito. Bilang Prinsesa ay may karapatan din akong malaman iyon."

Napa-ayos naman sya ng upo at iniwas ang tingin sa akin bago magsalita. "A-anong nais mong malaman, Anak?"

"Nasaan ang piitan ng Dark Kingdom? Bakit ito nakatago?" tanong ko. Hindi naman nakaligtas sa akin ang paglunok nito.

Matagal muna itong nag-isip bago muling humarap sa akin. "Sumunod ka."

Naglalakad kami ngayon sa mahabang pasilyo, sa dulo ng pasilyo ay mayroong napakalaking obra, sinenyasan ni ina ang kawal na kasama namin na sa pagkakatanda ko ay si Raquil na aking personal na kawal. Mayroong pinindot si Raquil sa gilid ng obra at dahan-dahang nahati ang obra pati na din ang dingding kung saan ito nakakabit.

Pumasok si ina kaya sumunod ako, mayroon doong maiksing pasilyo bago dumating sa isang madilim na hagdan na pababa. Bumaba kami doon, sumalubong sa akin ang napakaraming kawal na nakahilera sa gilid. Bantay na bantay naman ang lugar na ito?

Sa dulo ng hilera ng mga kawal ay mayroong napakalaking gate, bumulas iyon at sa loob ang mga piitan.

"Anong sikreto ng lugar na ito at tila tagong-tago?" tanong ko kay ina ng tumigil kami sa paglalakad.

"Bakit hindi mo tuklasin?" saad nya. Tinitigan ko muna sya sandali bako maglakad at isa-isahing tignan ang piitan.

Sa unang piitan na nakita ko ay nanglaki na agad ang mata ko sa nasa loob. Mga bihag na elementalians? Paanong nagkabihag na elementalians dito?

Lahat ng piitan ay tinignan ko, puno lahat ng elementalians, mga naka-posas at may tapal ang bibig kaya wala kang maririnig na anumang ingay, ngunit pagmamakaawa ang makikita mo sa mga mata.

Hanggang sa makarating ako sa dulong piitan. Madilim at wala akong makitang kahit na ano. Sa labas nito ay madami pading kawal ang nakabantay.

Sinenyasan ko si Raquil na may hawak ng susi. Binuksn nya ito at pumasok ako sa loob. Ginamit ko ang aking mahika upang gumawa ng ilaw sa aking palad na magsisilbing aking liwanag sa dilim.

Mayroong maliit na kama sa gilid akong nakita, mayroon ding lamesa at upuan sa kabilang gilid, at isang apow sa dingding na syang nagsisilbing ilaw sa buong silid.

May nakita akong isang lalaki na naka-upo sa gilid ng kama, naka bakal na posas ang kaniyang kamay na may mahabang kadena na naka-kabit sa sahig.

Napansin naman ng lalaki ang liwanag na nagmumula sa aking palad kaya napatingin ito sa akin. Ilang minuto syang nakatitig sa akin at tumagilid pa ang ulo na para bang sinusuri ako. Matapos ay nanglaki ang kanyang mata at agad na tumayo, akmang yayakapin nya ako ngunit hindi na nya ako maabot dahil sa kanyang naka-kadenang posas.

"A-anak ko..." Sambit nya at nakatitig pa din sa akin. Anong anak?

"S-sino ka?" tanong ko, lumapit naman sa amin sa Raquil at inilayo sa akin ang lalaki.

"Sya ang matagal ng bihag ng mga Darkens, mahal na prinsesa." sabi ni Raquil.

"Ang tanong ko ay sino! Hindi Ano!" sigaw ko kaya bahagya syang napayuko.

"S-sya ang dating H-ha--"

"Isa lang syang walang kwentang nilalang, Ayesha! Tayo na!" napatingin kami kay ina ng sumigaw ito sa likod ko. Sandali ko pang pinagmasdan ang lalaki na hanggang ngayon ay nakatitig pa din sa akin. Binuhat ko ang nakalaylay na palda ng aking bestida atsaka sumunod kay ina.




The Long Lost Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon