Prologue

20 1 0
                                    

Prologue:

Fortress. A fortified place. Strong walls, high gates. It is indeed unbreakable. How about a fortress with some hidden secrets? Secrets that everyone shouldn't know.

"Ma'am, andito po si Madam" hindi na ako tumingin sa secretary ko, iwinawasiwas ko na lamang ang kamay ko. She already know what I mean. Tsk.

Ano pa ba ang kailangan nila saakin? Pera? Tsk. What a useless family.

"What? Ayaw niya akong papasukin? I am her mother!" rinig kong sigaw ng nanay ko sa labas ng napakalaki kong opisina. I strengthen the power of this company on my own. Mas napalago ko ang kompanyang ito.

"Madam, our boss is really busy" sabi ng secretary ko. Good answer. Ipinagpatuloy ko na lamang ang pagbabasa ko hanggang sa marinig ko ang malakas na kalabog mula sa pintuan ng opisina ko.

Alam ko na ang nangyayri kaya hindi ko na inangat pa ang tingin ko. Napaangat na lamang ang tingin ko ng inihampas niya ang bag niya sa mesa ko. Malamig kong tinignan ang nanay ko, na walang alam kundi ubusin ang lahat ng pera ko. Sad but true.

"Bakit ayaw mo akong papasukin?!" mataray na tanong niya saakin. Hindi ko siya sinagot at binigyan lang ng pinaka-malamig kong titig.

"Bakit hindi ka sumasagot? Mapagmataas kana ngayon? Dahil minana mo ang kompanya ng Daddy mo?" pait na lamang akong ngumiti sa kanya. I inherited this company, pero mas lalo kong pinalago ito. Not to mention na nagsisimula rin ako ng sarili kung kompanya. I'm beyond successful.

"I'm sorry for that. I am just busy" malamig na sabi ko. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang kamay ng nanay ko sa pisngi ko. Great.

"Did I raised you like that?" hindi niyo kasi ako naiintindihan. Bakit kalian niyo pa ba ako inintindi? Ni minsan hindi niyo nga ako natanong kung ayos lang ba ako.

"I'm sorry" nakayukong sabi ko. Wala rin naman silang pakialam saakin. Itatago ko na lang ang totoo kong nararamdaman.

"Sorry?! Really? Celestine Azul Alfaro?!"

"Hindi ako magtatagal dito! Nakikita ko ang pagmumukha mo! Just deposit some 2 Million in my account! Goodbye!" sabi ng nanay ko at tumalikod na.

"Napaka-bastos na bata" rinig kong sabi niya bago niya tuluyang naisara ang pinto.

Umupo na lang ulit ako sa upuan ko. Naramdaman ko naman na may tumakas na luha sa mga mata ko. Kailan ba nila makikita na ang ginagawa ko ay para sa kanila?

I am tired hiding my secrets in this hidden fortress.

--

Herannie 

Hidden FortressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon